Chapter 8

21 0 0
                                    

Unexpected Battle

Gabi na , matapos kong hilahin yung dalawa kanina ay wala ng nagreklamo at dumiretso na kami sa dorm .

Tinanong pa ako ng dalawa kung anong nangyare nung lumubog ako sa lupa nung laban.  Ang sabi ko kinontrol ko ang lupa na ilipat ako ng puwesto .

Naniwala naman sila sa akin .

Kanina pa ako nagpapa antok pero hindi talaga ako makatulog . Kaya't napag isipan kong basahin muli ang book of special abilities .

Gusto kong mahanap kung anong tawag sa ability ni Crizain yung ginamit niya para hindi makagalaw si Railee kanina nung laban nila kanina.

'Voice Paralyzing' an special ability where the one who possess it will sing a short song to his/her opponent to paralyze its body for 30 seconds. Also, after being paralyze the opponent's energy will also lessen.

Kaya pala. Kaya pala hindi nakagalaw si Rai nun at kaya rin pala nahirapan na siyang lumaban .

Kakaiba ang abilities ni Crizain. Dapat akong mag-ingat sa kaniya.

~♥~~♥~~♥~

Umaga ng muli. Matapos naming tatlong mag-almusal . Agad na kaming lumabas papunta sa aming room .

Nakarating na kami sa aming room . Di rin nagtagal ay dumating na rin si Master Sear . Pero may kakaiba sa kaniya . I can't point out what is it . But I'm certain there is something strange.

"Good Morning Shin's , for today's lesson we will talk about blah blah blah . " At nagpatuloy na ang aming klase .

Matapos ng klaseng iyon ay dumiretso na kami sa sunod na klase which is medicine making . Nang makarating dun ay masasamang tingin ang bumungad sa amin  . Na syempre nagmumula sa grupo ni Kaira .

"I guess we really get on Kaira's way huh." comment ni Rai.

"Oo nga hindi ko naman kasi kasalanan na naging tie kami dun combat class. " sabay sabi naman ni Ara.

"Ah di naman ako ang nag-score nung gamot na ginawa namin nun eh." Ako naman ang nagsalita . 

We just sighed in unison. Siguradong may natanim ng sama ng loob sa amin si Kaira sana lang wala siyang masamang gawin sa amin .

Matapos ang huling klase namin ngayong umaga ay didiresto na sana kami sa cafeteria ngunit sinabihan ko silang hindi ako sasama dahil gusto kong mapag isa muna.

Nag punta ako sa likod ng aming dorm building balak kong maghanap ng malaking puno at tumambay sa sanga nito .

Pero mukhang may nauna na sa akin dahil ng pumasok ako sa gubatan ay nakita ko si Prinsipe Lavier na nakahiga sa sanga ng isang malaking puno .

Nakapatong ang ulo niya sa isa niyang braso habang ang isa ay nakatakip sa mukha niya . Mabilis lang naman malamang siya yon dahil sa kaniyang buhok .

Hindi ko napansing napahinto na pala ako sa paglalakad at nakatitig sa kaniya.

"Staring is rude ." Napaigtad ako ng biglang siyang magsalita gamit ang malayelo niyang tinig.

Grabe ang lamig. Cold boy ka ba?

"Uh haha s-sorry ." sambit ko, ba't ako nautal?!

Umupo siya sa sanga ng puno habang naka angat ang ulo.

Mukhang ok lang naman sa kaniyang andito ako kaya't umakya't ako sa punong katabi ng inuupan niya .

Ginamit ko ang hypnotising ability ko para controlin ang mga bato para magkahagdan ako.

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now