Chapter 13

25 2 0
                                    

First Mission

Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ako pinapatawag ni Tita Olivia .

May sasabihin ba siya? Kung meron ano kaya yun?

Flashback

Nasa loob kami ng cafeteria nina Rai at Ara . Kaming tatlo lang ang nandito dahil kami lang naman halos yung pare pareho yung schedule .

"Uhmm Ikaw si Winter Katalia diba?" napalingon kami ng may isang sapphire Shin ang lumapit sa amin .

"Uh oo ako ngayon , bakit?" usisa ko .

"Pinapatawag ka kasi ni Master Olivia sa opisina niya , kapag tapos ka na daw mananghalian pumunta ka na ." sambit nito .

Huh? Bakit naman ako pinapatawag ni Master Olivia?

"Oh okay , salamat ."  tumango lang ito at umalis na .

"Bakit ka kaya niya pinapatawag Win?" tanong ni Ara.

"Hindi ko alam."

"Haha, wag na kayong mag - alala sigurado akong wala lang yun." dagdag ko pa .

Nang marating ko ang pinto ng opisina ni Tita Olivia ay marahan akong kumatok .

"Come in." sambit ng boses na galing sa loob na walang iba kundi si Tita Olivia .

Nang buksan ko ang pinto ay bumalot ang pagtataka ko ng mamataan sa loob ng opisina si Timothy at Lix.

"Hey , Winter." bati ni Tim kaya't tinanguan ko siya .

Nang lumingon naman ako kay Lix ay binigyan lang niya ako ng tango.

Tsk, ang sungit eh halos dalawang linggo niya na nga akong tinuturuan . Dahil sa kaniya marami na akong nahasa sa aking kakayahan at sa kakayahan ni Fasha .

Tuluyan na akong pumasok at tumayo sa harap nila .

"Hmm, kumain ka na ba Win ?" yun ang kauna unahang  mga salitang lumabas sa bibig ni Tita Olivia .

Kaya bahagyang nanlaki ang aking mga mata . Pero agad din akong tumango .

"Good,now I'm gonna start. I summon you here Winter, because Prince Lavier here would be your temporary training partner for three days."  agaran niyang salita.

Wait! What?! Si Lix ?!

"Ha? Bakit po ? Paano si Tim-este Prince Tim?" tanong ko .

"Well, you see Prince Tim has an urgent business in their Kingdom that he had to do. And because Prince Lix is the only one available , I choose him to be your temporary TP."

Ah. May prince duties si Tim na kailangan niyang gawin. Wew, sucks to be a royal. hihi

"Ah, pero payag po ba si Prince Lix?" tanong ko sabay baling ng tingin kay prinsipe yelo .

"Well , its fine with me ." simpleng sambit niya .

"Then its settled then , starting this afternoon he will be your TP . You may go now, except for you Winter ."  matapos sambitin yun ni Tita Olivia ay lumabas na ang dalawa . Narinig ko pang bumulong si Tim na aantayin niya ako kaya't tinanguan ko siya .

"So, may oras ka na ba para sabihin kung bakit hindi mo na ako nabibisita tuwing weekends ?" sabi ko na nga ba eh!

Nakagat ko ang ibabang labi ko . Anong sasabihin ko?! Na nag tetraining ako tuwing weekends kasama si Prince Lix?!

Mabilis kong naiangat ang aking ulo ng marinig na tumawa si Tita .

"Wow, you look exactly like her when your terrified ." natatawa niyang sambit .

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now