Chapter 6

26 0 0
                                    

Combat Class

Nakalipas na agad ang isang linggo . At sa isang linggong yun ay marami na akong natutunan tungkol sa kaharian , sa academy at sa mga Guardians .

Gaya ng ang middle kingdom ay may pinaka malakas na puwersa sa lahat ng kingdom pero pagdating sa yaman ay pantay pantay ang lahat ng kaharian .

Para naman sa mga Guardian ang phoenix at dragon talaga ang pinaka malakas at sa ngayon isang estudyante pa lang ng academy ang may phoenix main guardian at yun ay si Lavier isang beses pa lang daw nila itong nakikita pero nasabi nilang napaka ganda at lakas daw nito . Sa dragon naman ay wala pang Shin silang nakikitang may ganung main guardian .

Ang galing pala . Sana ako malaman ko na rin kung ano ang main guardian ko.

Sa isang linggong din yun ay di na muling nagtagpo ang landas namin ng mga royals .

Which I find kinda weird because our break time is same but none of them can be seen in the cafeteria. Actually parang mas okay at least nabawasan ang maingay.

As for Harold naman hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makipagkaibigan dahil lumipat siya ng upuan which is katabi ni Ianna.

~♥~~♥~

We're now on our first subject for today .

At ang tinuturo sa amin ngayon ay ang history ng first war between Gādian and Shadow kingdom .

Napag alaman kong ang hari pala ng middle kingdom ang nagdeklara ng digmaan dahil sa galit at hinagpis  nito dahil sa pagkuha ng mga Shadow warriors sa reyna't prinsesa.

Ngunit natalo lamang sila at wala ng naabutang kahit anong trace ng reyna't prinsesa . Kahit ilang beses kong marinig ang paghihirap ng hari ay palagi akong naaawa at nasasaktan para sa kaniya .

Matapos ang aming history class ay agad kaming pumunta sa susunod which is medicine making at sobrang excited ako dahil finally magagawa na talaga kami.

"Hahah you seem really excited Win." biglang puna ni Rai sa akin ng makita kung gaano kalaki ang ngiti ko.

"Oo nga, ngayon ka lang ba gagawa ng gamot? Hindi ba nabanggit mo yung mama mo nagawa din?" sabi ni Ara.

Napawi bigla ang aking ngiti ng marinig ang tungkol kay mama.

Agad na dumaan pag-aalala at guilt sa mukha nilang dalawa.

"Hala sorry Win di-- Ayos lang ......."pag putol ko sa kaniya .

"Sorry that we brought that up. " mabilis na sambit ni Rai . 

"Oo nga Win sowwy talaga .." sambit ni  Ara habang naka nguso.

Napatawa ako ng bahagya .

"Ayos lang , Tara na?"

With that mabilis na kaming nakarating sa aming room .

"Good Morning shin's. Starting today you will be making various medicine and for this day I want you to make a medicine for first degree burn and the ingredients are on your table already and this are the instructions . " sambit ng aming Master na si Master Helena . Her special ability is to control plants that is why she knows what plants are for medicinal use and others.

"I already demonstrate on how to do it last week . I hope it won't be that hard for all of you . So you can start."

Kaya agad na kaming nagsimula .

Inayos ko muna ang mga gamit at ang mga sangkap na aking kailangan , dinoble check ko ito dahil ayokong magkamali sa una kong gawa.

Ngunit sa gitna ng ginagawa marami akong naririnig na sari-saring bulungan.

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now