Chapter 18

21 3 0
                                    

NOTE: THIS CHAPTER IS ANOTHER LONG CHAPTER BUT I HOPE YOU BARE WITH IT. THANK YOU SO MUCH.

Festival Ball

Matapos ng pag uusap na yun ay nagpunta na kami sa kastilyo ng middle kingdom . Sinabi kasi ni Criza na pag lubog ng araw ay mag sisimula na ang festival ball na gaganapin sa  ballroom ng kaharian . At dahil ala sais lumulubog ang araw at mag aalas kwatro na ay niyaya niya na kami . Dahil mga royals sila ay maari na agad silang maka pasok .

Gamit ang ability ni Lix ay tineleport niya kaming lahat sa harapan mismo ng kastilyo . Hindi naming tatlo mapigilan ang pag kalaglag ng aming mga panga ng masilayan ang harap ng kastilyo . Bukas ang naglalakihang pinto ng kastilyo at may halos sampung tagabantay sa gilid . Pag pasok sa pinto masisilayan ang pulang carpet , tapos ang napalaking kumikinang na chandelier . Naunang maglakad si Criza at sumunod kami, nang masilayan ng mga kawal ang mga kasama naming royals ay yumuko sila bilang paggalang . Nang tuluyan na kaming makapasok ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaiba. Para bang nanggaling na ako dito ...noon . Pero impossible yun dahil sa halos dalawang buwan ko dito sa Gadiān Kingdom ay ngayon pa lang ako nakarating dito .

"Prinsesa Crizain , Prinsipe Lavier , Prinsipe Timothy , Prinsesa Dunnie , Prinsipe Henry kinagagalak namin ang inyong presensya . " sambit ng matandang babaeng may asul na mata na sumalubong sa amin. Kahit na matanda na siya ay makikita ang taglay niyang ganda, sa paraan din nang pagngiti niya ay malalaman mo agad na mabait ito at base pa sa itsura ay maaring may malaki siyang katungkulan sa kaharian. May kasama din siyang dalawang babae na mukhang nagtatrabaho dito sa kaharian .

At kahit na ngayon ko lamang siya nakilala ay napakagaan ng loob ko sa kaniya at para bang naging emosyonal ako ng makita ko siya . Para akong maiiyak sa tuwa . Para bang kilala ko siya. 

Anong nangyayari sa akin?!

"Oh come on Madame Tamia, we already told you, you don't have to call us prince or princess." naka ngiting sambit ni Tim .

"Yeah, and also you don't have to recite all of our names , you could just say 'Hey royals nice to see you here'." pag bibiro naman ni Henry kaya naman binatukan siya ni Criza .

"I'm sorry Madame Tamia , Henry still don't know the word ; manners , but we're happy to see you. Its been a long time since we visit here." naka ngiti ring sambit ni Criza .

"Tama ka Prinsesa Criza , matagal na nga ng huling bumisita kayo , nagagalak ang dumalo kayo ngayon, at mukhang may bago kayong mga kasama ." naka ngiting pag baling niya sa amin .

Hindi ko alam kong bakit naghahalong masaya at kaba ang nararamdaman ko ng bumaling siya sa amin. Ako pa naman ang pinaka malayo sa kaniya.

"Super tama mo po Madame Tamia , us royals have new friends! " masayang sambit ni Dunnie .

"Ito po si Cobbie ay Cobalt pala hihi ." natatawa niyang dagdag sabay turo kay Cobbie niya este Cobalt. Haha. Nakita ko ang pamumula ni Cobalt.

"Ah nice to meet you Madame Tamia , I'm Cobalt Blue Kasian ." pakilala ni Cobalt .

"Kasian? Parang pamilyar pero hmm masaya rin akong makilala ka ." pag ngiti nito kay Cobalt .

"Ah and this girl is-- is my best buddy Madame Tamia , her name is Railee." pinutol ni Criza ang sasabihin ni Tim at siya na ang nagpakilala kay Railee . Dahil dun ay nakasimangot na si Tim habang naka ngisi naman si Criza .

"Ah kamusta po kayo? Ako po si Railee Mills , kinagagalak ko pong makilala kayo . " mahinhing pag papakilala ni Rai sa sarili niya .

"Hmm napaka ganda mo namang dalaga ." komento ni Madame Tamia . Namula naman si Railee . "S-salamat po." nahihiya pa niyang sambit . "Iha , may nobyo ka na ba ?"  lahat kami ay hindi agad napa imik ng itanong yun ng matanda. "A-ah w-ala pa po. Bakit niyo po kaya natanong?" nahihiyang pag sagot ni Railee. Tumawa ang matanda sa reaksyon namin. "Hmm, pasensya ka na kung nagulat kita sa aking katanungan, tinanong ko lang naman yun dahil may irerekomenda lang akong binata sana para sayo."

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now