Chapter Three

15.4K 600 155
                                    

HALE

Isang linggo ang nakalipas nang mangyari ang pang-insulto sa akin ni Illyria sa exclusive bar at ang pagkilala ko kay Theo Louise Lefevre na akala mo mataray at kagalang-galang ay kabaligtaran dahil sobrang matigas ang ulo at pasaway ito puro nga babae ang nasa isip niya. Ayaw na daw niya magmahal at magseryoso dahil nagka trauma na siya sa babae.

"Hale, mag sugar mommy kana lang masarap na nga sa kama..masarap pa magmahal at i-baby ka pa." sabi niya sa kabilang linya ang aga-aga tumawag nito sa akin para lang kwentuhan ako ng kung anu-ano at siya mismo nag pu-push sa akin na maghanap ng sugar mommy.

Milf pa ata ang gusto ni Theo mangyari.

Magaan at masarap kausap si Theo pero madalas puro kalokohan ang pinagsasabi. Hindi nga nahiyang aminin sa akin na may nagugustuhan daw itong matanda.

"Kalimutan mo na yang straight mong asawa marami pang babae diyan. Gusto mo bang sumama sa akin.? Hanap tayo sugar mommy." napatampal nalang ako sa noo sa sinabi nito at talagang dini-demonyo pa ako na mangbabae kahit alam nito na may asawa ako. "Ano na Hale.? Game ka ba mamayang gabi.? Look, wala namang pakialam yang asawa mo kahit nga siguro mag sex tayo sa harapan niya." pagpapatuloy nito narinig ko pang ngumu-nguya pa siya. Nakilala na din siya ni Lucy at sa totoo lang cruh niya si Theo dahil ang lakas daw ng dating at maangas.

"Tigil-tigilan mo ako Theo hindi ako pwede mamayang gabi." sagot ko sa kanya habang nag-gigisa ng bawang at sibuyas. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nakanguso ito. "Wag kana ngumuso diyan babawi na--." napahinto ako sa pagsasalita dahil sa gulat nandito na pala sa kusina si Illyria na walang emosyon ang mukha binuksan nito ang refrigerator at kumuha ng tubig.

"Marupok na Hale tumahimik kana ata.? Oh! Siguro nandiyan ang demonyo mong asawa.? Masyado kang patay na patay kaya nga literak na mamatay ka ng maaga sa pagiging broken hearted sa kanya. Anyway, manonood nalang ako ng porn ngayon kasi ang schedule ko. Bye bonak." mahaba nitong lintiya mabuti nalang naka earpods ako dahil tiyak bubuga ng apoy itong si Illyria kapag narinig ang sinabi ni Theo.

Anong sabi niya bonak.? Ano ba yung bonak.? Gago yun ah baka masamang word yun.? Baka minumura na pala ako.

Tumikhim muna ako. "Good morning, Illyria nagluluto ako ng tapa malapit na itong maluto mayroon na ding garlic rice at nakapag-saing na din ako ng plain rice." nakangiting bati ko sa kanya habang hinahalo ang niluluto ko sa kaldero. Tinapunan lang niya ako nang nakakabagot na tingin saglit lang yon at uminom siya ng tubig pinapakita nito na hindi siya interesado sa sinasabi ko nilampasan lang ako nasanay na ako sa pagiging cold nito actually sa akin lang naman siya ganyan.

Gaya nang dati hindi ito sumabay malungkot na tinapik lang nila manang ang balikat ko. "Wag kang mawalan ng pag-asa anak mamahalin ka din ng asawa mo." pagpapalakas niya sa loob ko habang malungkot na nakatanaw sa labas pinapanood ang papalayong Illyria. Napabuga nalang ako sa labas na naman siya kakain dahil kahit isang beses hindi ito kumain ng luto ko.

I really love her, but she hates me. Why does she hate me so much, up to the point na hindi man lang akong magawang itrato na parang tao kahit hindi na lang bilang asawa.

Nagpaalam nalang ako kila Manang hindi na ako makakapag almusal dahil nga niyaya ako ni Lucy na mag breakfast sa paborito nitong restaurant. "Hale.." tili nito at bumeso sa akin lumingkis na din clingy kasi itong bestfriend ko. "Mabuti nalang pumayag ka samahan ako mag breakfast." sabi niya habang naglalakad kaming dalawa minsan kasi tumatanggi ako at dumi-diretso sa opisina nagoorder nalang ako ng pagkain ko.

Napatigil naman si Lucy at naging seryoso ang aura kaya nagtatakang tinignan ko siya. "May problema ba Lucy?" nag-aalalang tanong ko pero nakatingin lang ito sa isang gawi kaya napalingon din ako doon.

Loving Illyria Sari Windsor - GxGWhere stories live. Discover now