Chapter Six

15.6K 704 249
                                    

HALE LIAN

"Wag mo kasing titigan kaya ka nasasaktan eh." napalingon ako sa nagsalita sa aking likuran si Theo pala na parang namamaga ang lips nito nakakain ba siya na may allergy siya? May kumagat? Nagkibit balikat nalang ako. Sa loob nang isang taon hindi ko aakalain na makikita ko uli si Illyria ang babaeng dumurog sa puso ko.

"Tang-ina Theo, Bakit sobrang maga naman ata yang labi mo halatang may galit yang gumawa sayo niyan? Oh fuck! Don't tell me si Miss Valerie ang kumagat sayo.?"

"Shh tumahimik ka nga baka may makarinig sayo dito." mahinang suway niya sa akin at hinila niya ako palapit sa kanya. "Oo siya nga, inaasar ko kasi siyang matanda at konti nalang ang suka sa katawan na offend ata kaya sa sobrang bwisit niya bigla niya akong hinila at marahas na hinalikan ~ Gusto ko ngang i-enjoy pero yung matanda na yon masyadong dominante at kinagat-kagat pa itong lips ko."

"In short, isa yang punishment. Masarap na masakit na punishment." sabi ko napangiti naman ito na parang kinikilig pa sa ginawa ni Miss Valerie sa kanya napakagat pa nga ito sa labi at biglang napangiwi sa sakit.

Marahang tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. "Parang kayong mga may tahong masakit kapag may unang pumasok sa inyo pero kapag tumagal masarap na." walang preno na sabi niya naguumpisa na naman lumabas ang pagiging manyak nito.

Sa kasamaang palad nahagip ko sila Illyria at Sander na magkadikit ang katawan lalo na ang kamay ni Sander malapit sa butt ni Illyria halatang manyak ang lalaki na ito. Mabigat talaga ang dugo ko sa boyfriend ni Illyria halatang katawan at pera lang ag habol niya pero sadyang hindi nakikita yon ni Illyria.

Ang babaeng nagbigay ng saya at lungkot sa buhay ko pero nagpapasalamat ako dahil sa kanya marami akong natutunan. Ang mag tira para sa sarili para kung sakali iwan ka niya makakaya mo pa.

"Naka move on na ako sa kanya isa nalang siyang alaala para sa akin." sagot ko habang nakatingin sa emcee magkakaroon kasi ng auction wala naman akong balak mag bet nandito lang ako para ka-date ni Theo na nakapaskil ang ngiti nito mukhang may nangyari na hindi ko alam.

"Oh bakit nakasimangot ka habang nakatingin sa kanilang dalawa." saad ni Theo na nginuso ang gawi nila Illyria nasa unahan kasi sila katabi nito si Sander pareho silang nakangiti habang nag-uusap.

Inis na nagpaalam ako dahil hindi tumitigil si Theo sa pang-aasar sa akin kaya pumunta ako sa buffet kumuha nalang ako ng dessert para naman matanggal ang inis ko. Wala naman akong pakialam sa babaeng yon tinapos ko na lahat ng nararamdaman ko sa kanya mula noong umulis ako sa pilipinas. Napipikon lang ako kay Theo dahil lagi niyang binabanggit sa akin.

Walang masyadong tao dito dahil nasa gilid ito at marami pang buffet bawat pwesto kaya naman hindi nagkakaroon ng siksikan makakuha lang ng pagkain.

Pagkatapos kong kumuha ng cheesecake at pumihit naramdaman kong may tumalsik sa dress ko. "Fuck." bulalas ko dahil malamig yon itinabi ko ang plate sa table at kumuha ng tissue para punasan ang braso ko.

Narinig ko ang paghingi ng sorry nung babae na nakayuko at pagtingala nito ganoon nalang ang gulat sa aming dalawa.

"Illyria..." malamig na bigkas ko at walang emosyon na nakatingin sa kanya ayokong magpakita ng kahinaan gusto kong malaman niya na wala na ang dating hale na baliw na baliw sa kanya. Hindi na ako yung dating asawa niya na nagmamakaawang mahalin niya. Hindi na ako yung tanga na nagbubulag-bulagan dahil sobrang mahal ko siya.

Nagkatitigan kami napansin ko na bakit parang may tuwa sa mga mata niya at may kumukubling lungkot hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin dahil ayoko ng ma involve pagdating sa kanya. "I'm sorry, Hale." narinig ko mula sa kanya napakagat labi ito habang nakatingin sa dibdib ko na basang basa dahil natapunan niya ng wine.

I'm sorry matagal ko ng gustong marinig sa kanya yon pero sa wine lang pala niya masasambit. "Hindi kita napansin." dugtong pa niya nakita ko ang guilt sa mata niya at pagkabahala mukhang nat-tense ito malayo siya sa Illyria na nakilala kong malamig at walang pakialam sa paligid.

Sanay naman akong hindi mo napapansin kahit nasa harapan mo na ako iba pa din ang hinahanap mo anang isipan ko naiiling nalang ako dahil humuhugot na naman ako.

Nabigla ako nang punasan niya ang damit ko gamit ang panyo niya naamoy ko naman ang perfume nito pati ang buhok niya napakagat labi ako dahil meron siyang dating sa akin may epekto pa din siya na dapat supilin ko. "Okay lang Illyria meron naman anong extrang damit sa kotse magpapalit nalang ako." pigil ko at hinawakan ang kamay niya na parehong nagpahinto sa aming dalawa.

Damn, nakuryente na naman ako pero hindi ko pinahalata nagkatitigan kaming dalawa particular sa labi nito na mapula at parang nang-aakit na tikman.

Ang swerte ng unggoy na yon dahil natitikman niya ang labi ng dati kong asawa. Ang swerte niya dahil siya ang minahal ng taong mahal ko. Wag niya lang sanang sayangin dahil maraming gustong pumalit sa pwesto niya pero sympre hindi na ako kabilang doon dahil masyado na akong nasaktan. Ang sarili ko muna ang unahin ko.

"Babe.?" sabay kaming napalingon nang may nagsalita si Theo pala na nakangiti sa akin ayan na naman ang mapaglarong tingin at ngiti niya halatang may pina-plano ang babaeng ito.

Gumanti naman ako nang matamis na ngiti kay Theo na kahit manyak na kaibigan ko ay parang knight in shinning armor naman. May silbi talaga ang pagiging linta nito minsan sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Oh, bakit basa yang dibdib mo? Halika na sa kotse samahan kitang magpalit o kung gusto mo ako nalang magbihis sayo." aniya na may landi sa tono ng boses niya hindi ko mapigilan pamulahan ng mukha dahil sa pinagsasabi niya lalo na sa harapan ni Illyria na halata ang gulat.

Napalingon si Theo kay Illyria na parang hindi niya kilala ang galing talagang umacting ang babaeng ito. "Sorry, Miss Windsor hindi ko napansin andiyan ka na kay Hale lang kasi ang tingin ko." nakangiting sambit nito na nakalingkis na sa akin. "I can't take my eyes off her." pahabol pa ni Theo at sinandal ang ulo sa balikat ko. Ang sarap niyang ibaon sa lupa sa totoo lang.

Ngumiti naman si Illyria na parang pilit. Ano naman kaya ang problema nito? "Ang sweet niyo naman bagay kayo." sabi niya na parang pilit pinapasigla ang boses nito o ako lang? Ouch, bagay daw kami ni Theo wala talagang feelings sa akin si Illyria hindi apektado.

Buti nalang hindi na ako umaasa tanggap ko na kaya hindi na masyadong masakit.

"Of course bagay talaga kami in fact gusto ko na ngang pakasalan itong si Hale at magkaroon ng labing dalawang anak sa kanya." sagot ni Theo may balak atang gawin akong inahing baboy ng babaeng ito. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi at nakangiti ng matamis sabay kindat sinamaan ko naman siya ng tingin pero agad na inalis dahil kaharap namin si Illyria.

Kasasabi niya lang kanina na exclusive lang kay Valerie ang lips niya.

Gusto ko siyang literal na sipain sa bayag dahil balak atang gumawa ng piggery itong si Theo at ako ang inahing baboy. "Alam mo ba noong una sobra akong nagseselos sayo, Illyria dahil ikaw ang iniiyakan ng babe ko at nasasaktan ako dahil mahal ko itong fiancé ko pero sa kabilang banda naisip ko bakit ako magseselos.? Hindi ba dapat magpasalamat ako sayo.? Dahil kung hindi mo pinahalagahan itong babe ko ay hindi magiging kami....Hindi siya pupunta dito sa Canada... Hindi kami magiging partner dalawa sa company, sa lovelife, sa kama, sa bathtub at minsan nga sa ibabaw ng lames--." tinakpan ko ang bibig ni theo at pinandilatan ng mata dahil nagiging pasmado na naman ang bibig nito. Baka maniwala ito sa pinagsasabi ni theo na dinilaan pa ang kamay ko kaya natanggal ko ang pagkakatakip sa bibig niya.

"Anyways, alis na kami ha bibihisan ko pa ang babe ko." paalam ni Theo na nakangiti at sapilitang hinatak ako papuntang parking lot hindi ko man lang nagawang magpaalam sa dati kong asawa.

"Gago ka talaga Lefevre." naiinis na sabi ko sa kanya binigyan siya ng matalim na tingin tinawanan lang niya ako at hinila palapit sa kanya pinatong nito ang baba niya sa balikat ko.

"Sorry na gusto ko lang naman na makita ang reaction niya at isa pa gusto ko lang ipaalam sa kanya na maraming gustong sumalo sayo." malambing na sabi niya sa akin napabuntong hininga nalang ako. Teka nga, Ano naman pakialam ko kung ano iisipin ni Illyria matagal na kaming tapos dalawa at hindi ko na siya asawa.

Loving Illyria Sari Windsor - GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon