Chapter Eight

16.4K 744 297
                                    

HALE LIAN

"Umay ka ditoy." mahinang sabi ko sa babaeng mais dahil blonde ang hair nito tinanggal na kasi niya ang cap. Tinaasan niya ako ng kilay kapareho niya ng ugali ang dragon na yon.

"Nakaka-umay ka din pati yang mukha mo." mataray na sabi niya sabay ikot ng mata at ibinalik ang atensyon sa nilalaro nitong mobile legends.

Galit na itinigil nito ang paglalaro halatang mainit ang ulo siguro talo at ang tanga ng kakampi niya. Huminga ito nang malalim para ikalma ang sarili niya at maya-maya lang may pinapanood na ito.

"Sarap naman ng utong na yan." namamangha na sabi ko yon kasi ang naririnig ko sa labandera namin kung yung isa ay ilocano at kasama naman nito ay bisaya parteng ilo-ilo ata kung hindi ako nagkakamali.

"What the fuck." marahas na sabi niya at itinabi ang phone nito sa gilid ano naman ang problema niya.? Namamangha nga ako ang ganda kasi halatang hindi pa dry. Napakamot naman ako sa aking kilay. "Bakit ganyan ka makatingin.? Galit ka ba.? Wala naman akong sinasabing masama... Humahanga lang naman ako sa utong na yon halatang batang-bata pa at masarap tikman." paliwanag ko sa kanya na medyo naguguluhan sa reaksyon niya.

Parang sitaw lang naman akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Kung gusto mong tumagal sa mundo tigilan mo yang pagiging playgirl mo at hindi ko akalain na naging manyak kana."

Teka ano bang sinasabi niya.? Ako playgirl.? Wala nga akong naging babae dito sa Canada naka focus lang ako sa career ko at hindi ako manyak katulad ni Theo.

Naramdaman kong huminto na ang van na sinasakyan namin ilang saglit pa pinagbuksan na kami at si babaeng mais ang naunang bumaba at ako naman ang sumunod. Literal na napanganga ako dahil nasa tapat lang ako ng mansion na sobrang ganda ng design nito.

Bakit ang ganda naman ata ang lugar na balak nilang patayin ako? Baka naman balak nila akong gawing pataba ss mga halaman na nakapaligid. Tinignan ko ang aking relo at pasado alas dos na nang madaling araw kaya pala nakakaramdam na ako ng matinding antok.

"Ano ba ang gagawin ko dito? Ano ba ang kailangan niyo sa akin? Mukha namang hindi pera dahil malaki itong bahay at maayos naman ang pananamit niyo. Wala naman akong pinagkaka-utangan na pera."

"Hindi nga ako ang may kailangan sayo kundi ang pinsan ko." naiiritang sagot niya sa akin.

Sino ba kasi yang pinsan niya na ganitong oras talaga ako pina-kidnap sobrang antok na talaga ako. Nakakainggit si Theo malamang masarap ang tulog non lalo na baka katabi niya si Miss Valerie.

"Hottie mamaya na yang pagtatalo mo sa iyong isipan kailangan na nating pumasok sa loob at baka bumuga na ng apoy ang pinsan ko." nadinig kong boses na pumutol sa pag-iisip ko naramdaman kong may humablot sa braso ko at kinaladkad papasok sa loob ng mansion.

"Kaya ko namang maglakad hindi mo na ako kailangan kaladkarin." inis na saad ko sa babaeng mais na ito mas lalo nakakainit ng dugo ang ngisi niya pero parang may kahawig siya. "Alam kong maganda ako pero bawal ka magka gusto sa akin baka ako ang patayin ng pinsan ko." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sino ba yang poncio pilatong pinsan niya na may pakana ng pagkidnap sa akin.

"Couz." tiling saad ni mais ang ingay talaga ng babaeng ito pero natigilan ako ng may nagsalita na pamilyar sa akin. "Mabuti naman nadala mo siya sa akin." Fuck! Palihim akong napamura sa boses na yon pero bakit? Ano pa bang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba sapat na ako na ang kusang lumayo?

Hinanap ng mata ko ang boses na yon at nagtama ang mata namin. "Illyria.." bigkas ko sa babaeng nasa harapan ko siya pala ang pinsan nitong si Mais na ngayon ay naka bungisngis. "Bakit mo ako sapilitang pinadala dito? Ano bang kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ko ayokong ipakita sa kanya na naapektuhan pa din ako sa presensiya niya.

Napa ohh naman si babaeng mais "Mukhang naka move-on na sayo si hottie." bulong ni babaeng mais kay Illyria na hindi mapinta ang mukha nito parang nakainom nga ng suka dahil sa sobrang asim ng mukha halatang hindi maganda ang mood. Bakit naman kaya? Teka wala ba ang boyfriend nitong si Sander na laging nakabuntot dito kay Illyria.

"Illyria ano bang kailangan mo? Ala una na kailangan ko pang magpahinga dahil pagod at puyat ako." pagod na saad ko pero itong si babaeng mais hyper na hyper lang at natutuwang pinapanood kami ng pinsan niya.

"Kanino ka naman napagod sa babaeng linta na yon? May ginawa ba kayo kaya pagod na pagod ka?" pag-aakusa nito sa akin teka babaeng linta? Si Theo ba ang tinutukoy niya dahil siya yung nakita nito kanina.

"Si Theo ba? Wala naman kaming ginagawa bukas palang." sagot ko dahil yayain niya ako na mag golf bukas kahit tumanggi ako kukulitin lang ako ng babaeng yon kaya sa huli pumayag nalang ako.

"What?" galit na sigaw nito kaya napakislot ako lumiliyab ang mata nitong nakatingin sa akin. Bakit? Ano na naman ginawa ko at galit na galit ang babaeng ito. "Isang taon lang tayo naghiwalay ginagawa mo na yon sa ibang babae. Unbelievable." asik nito sa akin madilim ang aura niya bawal mo itong galitin dahil nakakatakot talaga kahit si babaeng mais napatahimik sa pwesto nito.

Ano ba kasi ang pinupunto niya? Ang hirap mag proseso kapag pagod at inaantok kana medyo lutang ako ngayon.

"Bakit masama ba? Madalas naman namin ginagawa yon kapag may freetime." bagot na sagot ko nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko hindi ko nga napansin na lumapit ito sa akin napalunok ako ng bigyan niya ako ng matalim na tingin na para bang gusto niya akong patayin.

"Proud na proud ka pang ipamukha sa akin na ginagawa niyo yon." nanggagalaiting sigaw nito sa akin infairness ang bango ng hininga niya.

"Ha? Ano bang masama kung mag golf kami?" taka kong sagot sa kanya napakunot naman ang makinis nitong noo.

"Yun naman pala nag g-golf lang masyado kang advance mag-isip pinsan natatakot tuloy si hottie sayo namumutla na oh." singit ni babaeng mais binalingan naman siya ng tingin ni Illyria at binitawan na ako pero andoon pa din ang inis sa mukha niya.

"So, bakit mo nga pala ako pinadala dito? Ganitong oras talaga at hindi mo nalang pinagpabukas." saad ko gusto ko ng matapos para makauwi na ako kailangan ko na ang malambot na kama ko.

"Bukas ko nalang sasabihin sayo magpahinga kana meron ka ng damit doon sa guest room. Wag ka ng umangal pa kung gusto mong buo ka pa makalabas dito." masungit niyang saad na bawal mo itong kalabanin knowing Illyria hindi ito nagpapatalo kaya wala ding saysay kahit magprotesta pa ako kaya napatango nalang ako.

"Ako na ang magtuturo ng kwarto mo hottie ihanda mo nalang ang sarili mo bukas." ani babaeng mais at kinaladkad na ako paakyat ng hagdan ramdam kong sinusundan ako ng tingin ni Illyria ng sulyapan ko ito hindi nga ako nagkamali dahil nakatingin nga ito sa akin ako na ang unang bumawi hindi ko kayang tagalan.

"Ayan ang kwarto mo andiyan na lahat ng kailangan mo hottie yung pinsan ko nalang ang kulang." sabay hagikgik niya at hampas sa balikat ko na parang close kaming dalawa. "Iwan na kita kailangan ko ng magpahinga." sabi niya nagpasalamat nalang ako at pumasok sa loob ng kwarto.

Inalis ko na ang saplot ko at pumasok sa banyo dahil nanlalagkit na ako dinala ko ang phone ko at nagshower na saktong tumunog ang phone ko.

Pinatay ko yung shower at sinagot ang tawag ni Theo.

"Hello! Napatawag ka?" tanong ko sa kanya narinig ko ang tili nito halatang kinikilig meron sigurong nangyari sa kanila ni Valerie.

"Umamin na siya sa akin mahal niya daw ako at ngayon official na kaming dalawa sinabi ko ang plano kong pagpapaselos sa kanya. Sabi ko na nga ba effective yon! Nandito kami sa hotel at alam mo na yayariin ko itong si tanda hindi ko siya papalakarin. Oh! Tapos na siya maligo! Love you friend thank you sa pagpayag kanina."

Aba naghotel pa talaga sila samantalang ibinaba ko sa condo.

"Love you too dahan-dah---- fuck." naputol ang sasabihin ko ng biglang may humablot ng phone ko at sinarado yon papaanong? Bakit hindi ko napansin nakapasok sa banyo itong si Illyria na sobrang dilim ng mukha gigil na hinawakan ang phone ko mayuyupi na ata.

Ayokong isipin dahil napakaimposible talaga! Nagseselos ba siya?

Loving Illyria Sari Windsor - GxGWhere stories live. Discover now