Chapter Ten

16.9K 703 317
                                    

ILLYRIA SARI WINDSOR

"Mukhang malalim ata ang iiisip mo." Napalingon ako sa nagsalita. Ngumiti ang pinsan ko nang malapad sa akin at lumapit siya sa kinuha naman nito ang baso na hawak ko pinanood ko lang si Dylan na nagsasalin ng red wine.

"Tungkol ba yan sa estranged wife mo? Nag-aalala ka ba na baka hindi kana talaga niya mahal lalo na merong isang lefevre sa buhay niya."

"Nope. None of that worries me." puno ng kasiguraduhin na sagot ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkakatali sa roba at lumitaw ang makinis kong katawan~ naka two piece lang ako kaya naman kitang-kita ang kurba ng katawan ko.

Tinanggal ko naman ang pagkakatali sa aking buhok at bumagsak ang buhok ko na may kahabaan na umaabot sa aking batok. Huminga ako ng malalim at binalingan ang pinsan ko na nakatitig lang sa akin . "I know she's still in love with me and is using this Theo girl as a replacement." pagyayabang na sabi ko nararamdaman ko pang may gusto pa sa akin si hale.

She took a sip of her wine, contemplating her answer
"Wag kang masyadong tiwala sa sarili. Maraming pwedeng magbago lalo na kapag hindi mo pinahalagahan ang tao at nasaktan mo siya ng sobra. Hindi dahil mahal ka niya isa sa reason na ikaw at ikaw ang pipiliin niya depende nalang yon sa taong ipaglalaban mo. Isa pa, Si Theo Lefevre ang kalaban mo at hindi siya isang ordinaryong tao lang dahil makapangyarihan ang angkan nila." seryosong sabi niya alam ko naman kung gaano ma-impuwensya ang lefevre na kahit sila daddy ay medyo ilag sa kanila.

But I'm not fucking scared!!!

Naka isang oras kaming naligo ni Dylan siya na ang unang umahon at nagpaalam na maliligo at magbibihis sa room nito. Umahon na din ako habang pinupunasan ang basa kong buhok.

Isinuot ko ang roba at umakyat na sa kwarto para maligo at magbihis pagkatapos ko gawin ang beauty ritual ko sa katawan ay bumana na ako pero nakita ko na may hawak na tray ang kasambahay kaya tinanong ko na sila at sinabi nila sa akin na hindi pa din lumalabas si Hale ang sabi nh maids kahit ang pagkain na dinadala nila ay konti lang nababawasan kaya naman uminit ang ulo ko dahil nagiging pabebe ito.

Pupuntahan ko na sana siya sa kwarto niya nang maabutan ko siya na nandito sa likod ng bahay para ilagay ang damit nito sa labahan naamoy ko ang gamit nitong condotioner at ang perfume na binili ko sa kanya medyo wet look nga at totoo naman na maganda itong si hale at malakas ang sex appeal pero straight ako kaya walang epekto sa akin.

"Bakit hindi ka kumakain? Balak mo bang patayin ang sariili mo hale? Wag ka ngang maging isip bata na kailangan i-baby ka pa." galit na sigaw ko sa kanya dahil sobrang nagiging maarte na siya.

"Sino bang gaganahan kumain kapag na-kidnap ka?" sarcastic na sagot nito sa akin na ngayon ay kaya ng labanan ang titig ko.

"Dahil kinukuha ko lang ang dapat na nasa akin Hale. Mabuti pa wag nang maging sakit sa ulo at sumama kana lang pauwi." sagot ko nalang na sana wag na niyang painit pa ang ulo ko.

Umismid sya at tinalikuran ako pero bago pa man nya ako tuluyang iwanan dito sa likod ng bahay ay may sinabi pa syang hinding hindi ko makakalimutan at sobrang nagpuyos ng kalooban ko. "You know what Illyria.? Hindi na ako takot na iwanan mo ako o kaya ang magalit ka sa akin dahil hindi na ako apektado sa mararamdamam mo dahil wala akong pakialam. Hindi kana kawalan sa buhay ko."

Marahas kong sinarado ang pintuan ng kwarto ko maririnig mo ang malakas at pagkayanig nito. Frustrated kong sinuklay gamit ang aking kamay sa dulo ang buhok ko. Damn you, hale! Ang sarap mong sakalin! Galit na pumunta ako sa mini kitchen sa gilid non may wine rack at naghanap ako ng maiinom.

Isa-isa kong inihagis ang nadadampot ng kamay ko wala akong pakialam kahit mahal pa ang presyo ng mga yan. Ang gusto ko lang maalis ang galit na nararamdaman ko ngayon nagpapawala kasi ng stess ko.

Loving Illyria Sari Windsor - GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon