Chapter Four

14.9K 686 151
                                    

HALE LIAN

"Hale, Are you sure about this?" paniniguradong tanong ni Lucy na nakatayo malapit sa bookshelf nandito kami ngayon sa study room hindi muna ako sumagot at mariing pumikit naramdaman ko nalang na umupo na ito sa harapan ko habang pinaglalaruan ng daliri niya sa ibabaw ng table ko na nakakalikha ng tunong habang ako naman yan ay hinihilot ang masakit kong sentido habang nakasandal sa swivel chair.

"Uuwi sila Cyan at Charlie galing sa bacolod gusto muna nilang makasama ka bago ka mag flight bukas ng gabi." sabi niya na may lungkot sa boses nito dahil nararamdaman nito na matatagalan bago ako bumalik sa pilipinas.

"Sabay-sabay tayong mag lunch bukas at mag arcade." sabi ko na napangiti dahil kahit gantong edad na paborito naming gawin ang maglaro ng arcade. Napangiti ito pero hindi nawawala ang lungkot sa mga mata niya pwede naman nila akong dalawin sa canada kapag maluwag ang schedule nila.

"Sigurado kana ba diyan? Wala ng atrasan to, Hale." saad ni Lucy tumango lang ako napabuntong hininga siya at nakita ko ang flight schedule bukas ng gabi at nandoon na ang pangalan ko kailangan nalang ang confirmation kung itutuloy ko ba marahang tumango ako kay Lucy napabuntong hininga ito na parang hirap na hirap igalaw ang daliri. Nakita ko ang pagpindot nito at naging successful na binayaran ito gamit ang credit card ko.

"Paano kapag nalaman ito ng family mo lalo na ang daddy mo hale? Baka itakwil ka niya lalo na tungkol ito sa mga Windsor malaki ang na invest nila sa company niyo. Paano kapag nag back out sila sa multi-million deal?" nag-aalalang sabi niya at nakapagat sa labi dahil hindi lang simpleng problema ito nakataya dito ang buhay ko.

Sa totoo lang manhid na ang puso ko para na ngang patay at wala ng pakiramdam. Pagod na ako physically at emotionally masyado na akong tortured gusto kong huminga dahil kapag nag-stay pa ako masyadong nakaka suffocate. Alam kong isusumpa ako nila daddy sa ginawa ko pero gaya ng sabi ko waoa na akong pakialam. Gusto kong piliin ko naman ang sarili ko.

Dahil sa sobrang pagmamahal ko nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko dahil apat na taon kong ginawang mundo si Illyria na dapat ay hindi mo gawing mundo ang isang tao dahil kapag nagkahiwalay kayo ang hirap mong makabangon.

Sa magulang ko naman sana maintindihan nila na hindi ko ginawa ito dahil sa pagiging selfish ko, Ginawa ko ito para sa ikakatahimik naming dalawa ni Illyria. Lahat naman ginawa ko na para mahalin niya pero hindi pa din sapat para ako ang piliin niya.

Kailangan kong magpakalayo-layo para hindi ko maalala ang sakit dahil kapag nagstay pa ako sa pilipinas magbago na naman ang isip ko at kulitin si Illyria.

Narinig ko ang pagtunog ng printer at tumayo si Lucy para kunin ang bond paper mariing nakatitig siya don palapit sa akin. "Ito na yong booking confirmation mo friendship. Naka first class ka pa baka naman kapag naisip mo ang cheater mong asawa biglang magbago ang isip mo at hindi na aalis. Tandaan mo friendship, mahal itong ticket mo." sabi niya sabay abot sa akin ng papel nakalagay doon na Alas Dies bukas ng gabi ang flight ko papuntang Canada.

Wala na akong magagawa para isalba pa itong marriage namin dahil wala na talagang pag-asa kailangan ko nalang tanggapin ang katotohanan na hindi kami ang para sa isa't isa kailangan ko lang ng matagal na panahon para maka move-on.

"Salamat, Lucy isa kang tunay at maasahang kaibigan." sincere na saad ko at niyakap siya gumanti naman ito mula pagkabata kaming dalawa na ang sanggang dikit lagi niya akong pinagtatanggol.

"You're welcome, friendship basta yung size ko 8 huh." pagbibiro nito mahilig kasi sa sandals at sapatos itong bestfriend ko at madami na itong collection ng mga mamahaling sapatos at bags.

Inaasahan ko nang pag-uwi ko sa bahay wala pa si Illyria nagtataka sila manang dahil pagbaba ko ng kwarto may dala-dala akong maleta. "Saan ang punta mo Ma'am Hale.?" tanong nila hindi naman lingid sa kaalaman nila ang estado ng relasyon namin ni Illyria naawa nga sila sa akin dahil ako lang ang lumalaban sa pagsasama namin.

Loving Illyria Sari Windsor - GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon