CHAPTER THREE

4 2 0
                                    

Paggising ko mataas na ang sikat ng araw. Nabalikwas ako ng bangon ng maalala kung Lunes pala ngayon.

"Oh my! Malalate na ako!" Tumakbo agad ako papuntang banyo para makaligo na.

May long quiz pa naman kami ngayon sa Biology. And i cannot miss it, hindi pwede.

Hindi na lang ako kakain ngayon. Kung kakain pa ako paniguradong hindi na ako makaabot sa klase. Importante pa naman sakin ang mga quizes. I am the top of our class kaya hindi pwede sakin ang lumiban sa kahit na anong quizes. Paniguradong makakaapekto ito.

Graduated na ako this year ng Senior High and my aim is to be a valedictorian. Ito kasi yung tingin ko na makakapag proud kay Mommy.

Gusto niya yung mga matatalinong tao kaya for sure magugustuhan din niya ako pag naging valedictorian ako.

3 minutes lang tapos na agad akong mag- ayos. At nakakamangha na kaya ko palang maligo at magbihis ng ganon kaikling oras. Usually kasi matagal akong maligo. Siguro dahil nakasalalay dito yung studies ko, pagdating kasi sa studies, nababalewala ko ang lahat. Pagaaral yung first priority ko lagi.

Pagbaba ko nagpaalam na agad ako kay Nanay.

"Nanay, I'll go na. Hindi na muna ako kakain ngayon kasi may quiz akong dapat habulin." I said hurriedly.

Bakit ba kasi hindi ako ginising ni Nanay. Siguro nasanay na siya na hindi ako ginigising at naglolock din lage ako ng pinto.

" Katelyn! Teka! Ano ka bang bata ka. Kumain ka muna, isang beses ka lang naman malalate eh." Sermon ni Nanay.

Ayaw kasi sa lahat ni Nanay is yung ayaw kumain.

" Nanay late na po talaga ako. May long quiz pa po kami sa Biology." I said sa kalmado at mahinang tinig. Ayaw ko kasing sinisigawan si Nanay. She's the only person in this house na mabait sakin. Kaya ayaw kung pati siya magalit sakin.

"Alam ko, hindi ka naman magmamadali kung walang kailangang gawin sa paaralan niyo. Pero kumain ka muna." Makikita sa mukha ni Nanay na nag alala talaga siya sa kalusugan ko.

"Okay, Nay." Sabi ko na lang para hindi na siya magalit.

"Wag mo naman pinapagod masyado yung sarili mo sa pag aaral Katelyn. Importante pa rin yung kalusugan mo kaysa sa pagaaral."

"At wag mong patayin yung sarili mo sa pag aaral para maging proud sayo yung ibang tao. Mag aaral ka para sa sarili mo at hindi para sa iba." Nakikinig lang ako kay Nanay habang kumakain.

Tama naman kasi siya. Pero hindi din naman to para kina mommy lang para din ito sakin dahil yun yung gusto ko, ang maging proud sila sakin.

"Opo Nay." Sabi ko dahil naiintindihan ko din naman siya. Concern lang siya sa akin. At dapat maging thankful ako dahil kahit papaano may tao paring nagagalit pag pinapabayaan ko ang sarili ko.

Inubos ko muna ang pagkain ko bago umalis kahit na na nagmamadali ako. I can't take Nanay to get mad at me.

" Nay, aalis na po ako." Paalam ko sa kanya pagkatapos kung kumain

" Ingat ka. Enjoy mo lang yung pag aaral mo. Wag kang ma pressure." Napangiti ako sa sinabi ni Nanay. Napakaconcern niya talaga sakin.

Pero hindi ko maiwasan na hindi mapressure sa pag aaral. Lalo na gusto kung maging top sa class.

Pagkarating ko sa school, tumakbo na agad ako papunta sa room namin. Hindi pa nakakatulong na nasa third floor ang room ko. Makakahabol pa kaya ako?

Hindi pa nga nakarating sa room pawis na pawis at pagod na ako sa pagtakbo sa hagdan.

LOVE STARTS IN THE HEARTBEATDär berättelser lever. Upptäck nu