CHAPTER FOUR

3 2 0
                                    

Ang akala ko hindi ko na siya makikita ulit.

Bakit nandito siya? Dito ba siya nakatira?

Ang liit pala ng mundo. Yung taong akala ko hindi ko na makikita, nandito sa harap ko.

Nakita ko na naman yung perpekto niyang mukha na di ko malimutan.

At base sa uniporme niya, we're in the same school.

" Are you okay?" He asked worriedly.

Ayan na naman yung tambol ng puso ko. Bakit ba ganito ang mararamdaman ko pag nakikita ko siya. Wala paring pinag bago ang itsura niya, sobrang gwapo niya parin. Ang pinagkaiba lang, hindi mo na makikita ang kanyang dalawang malalalim ng dimples dahil sa kanyang seryosong ekspresyon.

Mas gwapo pala siya pag seryoso. 'Katelyn! Hindi ito ang panahon para humanga sa kanya.' sabi ko sa isip ko ngunit hindi ko mapigilan na hindi siya tingnan.

Nakatingala siya sa akin dahil umupo siya sa paanan ko. Nakaupo pa kasi ako sa bench, gulat pa rin sa nangyari.

Pero hindi pa din ako nagsasalita. Namamangha talaga ako ng makita ko siya ulit.

" Sorry talaga. Napapractice kasi kami ng basketball at medyo napalakas yung pagpasa ko." He explained.

Napabalik ako sa realidad ng maalala na siya pala yung naghagis ng bola kaya ako natamaan at pinagtatawan ngayon. Kasalanan niya.

Yung paghanga na nararamdaman ko kanina napalitan ng inis.

At kahit na may gusto ako sa kanya hindi ibig sabihin non na okay lang sakin yung ginawa niya.

Naiinis ako pero mas nangingibabaw yung mangha at gulat ko. Ayan na naman ang mga tibok ng puso ko. Nag uunahan na naman sila na parang may karera.

Mukhang hindi na tama tong nararamdaman ko sa kanya.

" Kate. Masakit ba yung ulo mo? Gusto mo dalhin kita sa ospital."

Pagkarinig ko ng ospital, umalma agad ako.

" No. Okay lang ako." Sabi ko kahit na naiinis din ako sa ginawa niya. Pero ayaw ko siyang sigawan at ipakita sa kanya na naiinis  ako lalo ng marami ang tumitingin samin. Hindi pa din tumitigil yung iba sa pagtawa. Gusto ko na tuloy lamunin ng lupa sa kahihiyan.

Ang sama naman talaga ng pagtama ng bola sa ulo ko. Muntik na nga ako malaglag sa bench kung hindi ako nakakapit sa sandalan nito.

Sa dami ng estudyante dito sa field bakit ako pa yung natamaan. Bakit parang ang malas ko ngayong araw? Ang daming pangit na nangyari ngayon.

Una, nalate ako sa klase kaya hindi ako nakasali sa quiz.

Pangalawa, yung ginawa nila Ethyl sakin. Na kahit gustuhin ko mang magalit sa kanila pinipigilan ko ang sarili ko.

At ngayon, ang mas pangit sa lahat. Natamaan ako ng bola sa harap ng maraming tao. At pinagtatawanan nila ako.

Inis na inis ako na parang gusto ko silang sigawan. Pero ayaw kung gumawa ng eskadalosong bagay. Paniguradong makakarating to kay mama at magagalit na naman yun sakin. Ayaw niya kasi na magkaroon ako ng gulo, nadadamay yung pangalan nila.

Kaya wala na lang akong nagawa kundi ang kimkimin ang inis.

" Hindi ko kailangan ng tulong mo." Sabi ko sa kalmadong tinig pero tunog naiinis. Hindi ko mapipigilan ang inis ko pag tumagal pa ako dito.

Hindi ko na siya hinayaan umapila dahil umalis na agad ako. Ito na lang yung choice ko para mawala yung inis.

"Wait! Katelyn" tawag niya sakin pero di ko na siya nilingon. Gusto ko lang mapag isa ngayon at pumunta sa lugar na kung saan gustong gusto kung puntahan kapag ganito yung nararamdaman ko.

Kahit na narinig kung tinatawag niya ang pangalan ko hindi parin ako lumingon sa kanya. Buti naalala niya pa ang pangalan ko!

At buti na lang hindi siya sumunod.

Naglakad ako paalis ng paaralan, kahit na may klase pa ako mamaya.

Bahala na, gusto ko lang pumunta sa tahimik na lugar para mawala tong nararamdaman ko. Ganyan kasi lagi yung ginagawa ko pag naiinis, nagagalit at nalulungkot ako.

Gustuhin ko mang pumasok sa kabila ng nangyari pero hindi ako makapagfocus lalo na't naiinis ako.

"Manong, punta po tayo sa Victoria Garden." Gusto ko ulit pumunta doon. For sure mas marerelax yung utak ko doon dahil maraming mga magagandang tanawin ang makikita.

Hinatid agad ako ni manong. Malapit lang din kasi sa paaralan ang park na yon. Good thing hindi mausisa si manong kung bakit ako nagliban sa klase ngayong hapon. For sure hindi din siya magsusumbong kay Mommy.

Sana naman sakin yung loyalty niya hindi kay mommy. Magagalit kasi yung pag lumiban ako sa klase.




Naglakad lakad ako para makakita pa ng mas maraming puno. Ang sariwa ng hangin.

Hindi ko akalain meron palang ganitong lugar sa manila.

Marami na kasing mga buildings ang pinatayo, konti na lang ang mga puno na makikita.

Narerelax talaga ako pag nakakakita ng mga magagandang tanawin at nagkakaroon ako ng oras para mag- isip.

Ang hirap talagang pigilan ang galit at inis pero wala akong magagawa kundi ang iwasan at pigilan ito.

Pero hanggang kailan ko kaya kayang pigilan ito. Bakit lagi na lang ako sumusunod kay mommy kahit na minsan labag sa kalooban ko?

Siguro natatakot akong suwayin siya dahil kahit papano may utang na loob pa rin ako sa kanya.

Siya yung nagpalaki sakin kahit na alam kung kahit minsan hindi niya ako nagawang alagaan.

Nong nagkasakit nga ako, hindi niya man lang ako inalagaan at tingnan ang kalagayan ko.

Wala akong magagawa kundi ang magtiis. Pipigilan ko na lang emosyon ko hanggat maaari.

Minsan nga naiisip ko na para na akong aso na sumusunod sa lahat ng gusto niyang gawin ko. Kahit na hindi niya naman ako inaaruga at tinitingnan bilang isang anak niya sumusunod padin ako sa kanila.

Kahit kailan di ko magawang magrebelde sa kanya.


Mayroon ako ng mga bagay na tinatamasa ko ngayon dahil sa kanya. At dapat lang na maging masaya ako dahil nabibili at nakakain ko ang mga bagay na gusto ko.


Pero hindi mga mamahaling pagkain at damit ang gusto ko. Gusto ko din magkaroon ng pamilya.

Nagpalipas muna ako ng oras sa paglibot sa lugar. Nakalimutan ko na nga yung problema ko kanina dahil sa ganda ng tanawin.


Hindi di naman big deal yung nangyari kanina, naiinis lang ako dahil sa nangyari.

Madali lang naman mawala yung inis ko. Ang hindi madaling mawala ay yung lungkot ko sa pagtrato ng pamilya ko sakin.


Hindi ko alam kung bakit tuwing nag-iisa ako lagi kung iniisip yung mga nagawa ng pamilya kaysa sa ibang bagay.


Pero kahit kailan hindi ko nagawang magalit at magtampo sa kanila. Pamilya ko sila. At kapag pamilya hindi magtatanim ng galit sa isa't isa.






























You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE STARTS IN THE HEARTBEATWhere stories live. Discover now