24

205K 4.8K 1.1K
                                    

Phoenix POV

Hindi ako nirereplyan ni Chylee. Ano kayang problema niya? Napansin kong ilang araw siyang balisa at tahimik. Ni hindi pumapatok sa kanya ang mga biro at banat ko. Tapos hindi pa niya ako masyadong pinapansin. Hindi ko maintindihan kung may problema ba siya o ano. Napansin ko rin ang pag-iwas niya sa'ken. Nagkataon naman na naging busy kami sa fastfood kaya talagang halos 'di kami nag-uusap.

Gabi na at naghihintay pa rin ako ng text o reply galing sa kanya. Kahit nga GM lang sana, ayos lang basta makatanggap ako ng text galing sa kanya. Gusto ko siyang kausapin ng masinsinan. Gusto kong alamin kung anong problema niya. Gusto kong malaman kung ano ang gumugulo sa isip niya at gusto kong malaman kung bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Sanay naman siyang sinusundo ko siya o hinahatid pero nitong mga nakaraang araw ay tumatanggi siya at sumasabay sa mga kapatid niya. Tss. Mababaliw na ako kakaisip.

Hindi ako sanay na ganito kami ni Chylee. We're close to each other. Lahat ng kalokohan ko alam niya. Konting banat ko lang o joke, natatawa siya. Madali siyang pasayahin. Kahit galing siya sa mayang pamilya, hindi materyal na bagay ang nakakapagpasaya sa kanya kundi 'yung maramdaman niya lang na may taong nariyan para sa kaniya. Iyon ang observation ko. Sa tagal naming nagkasama sa US, kilalang kilala ko na siya. Ang mga hilig niya, ang ayaw niya, ang pagkaing iniiwasan niyang kainin, ang daily routine niya, ang bagay na dapat andyan sa tabi niya, ang favorite niyang kainan o lugar na puntahan. Kahit laman ng bag niya alam ko. Gan'on kami ka-close. Sa US, sa iisang bahay lang kami tumira. Sa unang taon na nagkasama kami ako ang umalalay sa kaniya, ako ang nagpapahid ng luha niya sa tuwing umiiyak siya. Ako ang umaalo aa kaniya sa tuwing gabi na bigla siyang magigising at iiyak. Ako ang nariyan para pakinggan ang mga hinaing at galit niya kay Miko Abellano. Lahat. Lahat alam ko. 

Nakita ko kung gaano naging miserable si Chylee kaya ako, eto minamahal siya. Seryoso ako at hinding-hindi ko siya sasaktan dahil saksi ako kung gaano nasaktan noon si Chylee. At ayokong maulit pa 'yun. 

Galit ako kay Miko Abellano pero alam ko wala akong karapatan. Galit lang naman dahil umeepal na naman siya sa buhay ni Chylee. Tangna lang pagkatapos saktan, eto at susulpot siya na parang kabute at sasabihing mahal niya si Chylee? Nasaan ang tangnang pagmamahal niya noong mga panahong mahal na mahal siya ni Chylee? Tama ng pinaiyak at sinaktan niya noon si Chylee. At hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'yun. Hindi ko sinasabing ako ang nararapat kay Chylee, pero ako ang lalaking mas pipiliing masaktan para sa kasiyahan niya. Lahat ng pwedeng makapagpasaya sa kanya, ibibigay at gagawin ko. Ganoon ko kamahal si Chylee Hera Shin-woo.

Phone beep..

Halos mapalundag ako sa gulat nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko. Fvck! Sana si Chylee. 

From: Chylee

My parent's wedding anniversay tomorrow night at Shin-woo Mansion. You're invited! It's a kind of costume party so..wear your costumes tomorrow!

See you!

GM

Alright. Naka-recieve nga ako ng text galing kay Chylee pero GM. Pero ayos na at least, invited ako sa party bukas sa mansion nila. At..costume party? Aha! Costume. 

-

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon