30

149K 3.8K 1.4K
                                    

Chylee POV

Bangag pa rin ako hanggang ngayon. Nakatulala lang ako sa salamin ko dito sa kwarto ko. Kanina ay tumawag si Shanice. Magbe-beach daw kami dahil birthday ni Zia--anak niya. So invited kami. Two days and one night daw.

Tinanong ko pa nga kung saan. Sa Batangas daw, sa resort pala namin. Si Skyler daw ang nagpasya na doon kami mag-beach.

Wala pa akong idea kung sino ang mga invited pero sa pagkaka-alam ko, kami kami lang at ilang kaibigan ni Shanice.

Dumako ang tingin ko sa pinto nang may kumatok roon. Tamad akong tumayo saka pinagbuksan iyon.

Isang kiss sa pisngi ang natanggap ko sa gwapong-gwapo kong ka-kambal. "Ganda yata ng araw mo ah?" Sabi ko.

"Tch. It's too early and you looked like on drugs. Are you okay?"

Tumango ako. "Okay lang ako. Mukha lang talaga akong naka-drugs. Ganito talaga kapag dalawang pasaway at baliw ang nanliligaw sa'yo."

He laughed. "So, you gave them a chance? Great. May the best man wins. Just a twin reminder, Hera. Use your heart and not your mind. Alright?"

Kung puso ang susundin ko...never mind.

"Oo nga pala, nakapag-ready ka na ba papuntang Batangas?" Tanong ko.

"Yeah. That's why I came here. I want to check if you're ready. Ang triplets, mas excited pa sa celebrant. Tch."

"Kasama ang triplets?" Tanong ko. Close ba nila si Shan?

He nodded. "Yes. Actually, ako ang nag-invite sa lahat. Wala rin kasing masyadong in-invite si Shan. You know, only child siya at nasa abroad na rin ang mga pinsan niya. Kung friends man, tayo lang naman ang friends niya."

Nalungkot ako bigla para kay Shanice.

"And I was the one who planned this celebration. Balak niya kasing magpakain lang sa restaurant but I refuse. Zia deserved to be treated like a princess."

I smiled to him. Napaka-caring talaga ng twin ko. Kahit 'di niya anak 'yung anak ni Shan, tinuturing niya itong kapamilya namin.

"Sino pang mga invited?" Tanong ko.

"Abellanos, Riana, Phoenix and more." Sagot niya.

"Abellanos?"

"Yeah. Naisip kong kasama si Phoenix, it would be unfair kung hindi kasama si Abellano. So, I invited them."

Napalunok ako. Bangag na nga ako araw araw dahil kina Phoenix at Miko tapos ngayon sabay ko pa silang makakasama. Jusko!

"Sige. Mag-aayos na ako ng gamit ko. Anong oras ba ang alis? And saan sasakay?"

He looked at his wristwatch. "By ten, aalis na tayo. Dalawang van tayo. Nasa garage pareho. Sila ang pupunta dito para sabay-sabay na ang pag-alis."

"How about Mom and Dad?" Tanong ko ulit.

"I believe, they need quality time. Ngayon lang sila maso-solo dito sa mansyon so let's not disturb them. Malay mo, may sumunod pa sa triplets." He laughed. Minsan lang talaga tumawa 'tong ka-kambal kong mana kay Dad eh. "Isa pa, wala tayong kasamang mga parents. It's a happy barkada trip."

Tumango-tango ako. Barkada huh? "Alright!"

Ginulo niya ang buhok ko. "Make it fast, Hera."

"Oo na!" Sagot ko saka pumasok na sa loob ng kwarto ko.

Kinuha ko ang traveling bag ko at naglabas ng mga damit na pang-beach galing sa closet ko. Two piece? Check.

Pagkatapos ay inilagay ko sa travel pouch ko ang mga sun block lotion, soap, shampoo and more. Kumuha rin ako ng malaking towel at malong. Inilabas ko ang aking sunny glass at summer hat. Okay na rin ang summer dress ko. So puro pang-summer ang dala ko.

Childish LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin