32

115K 3.1K 1.1K
                                    

Chylee POV

Lahat kami ay nasa harap ng bonfire. Nakabilog kami at lahat ay nakaupo sa buhangin. Katabi ko si Shan sa kaliwang side ko habang si Enzo naman sa kanan na side ko. Katapat ko ang dalawang makulit na kanina pa hindi tinitigilan ang isa't isa sa pagyayabangan--sina Phoenix at Miko.

Napagod na ako suwayin sila kaya hindi ko na lamang sila pinansin. Mag-away sila hangga't gusto nila. Parang mga bata.

"You, two eggs, will you please shut up?" Asik ni Skyler sa dalawa. Kalong niya si Zian na abala sa pagkain ng slice ng apple. Ang cute nilang tingnan. Para silang mag-ama.

Tumingin ako sa dalawa na agad namang natahimik. Mayayabang at malalakas ang loob nila pero halatang halata naman na takot sila kay Sky.

"Okay, game. Laro tayo, spin the bottle." Sigaw ni Shan. Sa aming lahat, pinaka-maingay at kalog talaga si Shan, kaya nga bestfriend ko 'yan.

"Gusto ko 'yan!" Sigaw ni Reiko.

"What about that? I don't know that game. Paki-explain." Agad na sabi ni Kenzo. May pagka-kj iyan minsan dahil siyempre, mas pipiliin niyang magkulong sa kwarto niya at magbasa ng libro kesa maglaro o pagkaabalahan ang mga non-sense na bagay.

Itinaas ni Shanice ang hawak niyang bote ng san mig light. Ngayon, gets ko na kung bakit binitbit niya iyon dito sa tabi ng dagat. Akala ko kanina, dinala niya iyon for protection. Kumabaga, pangpukpok sa ulo. Mali pala ako.

"Eto, bote 'to." Panimula ni Shan.

Tumawa ng malakas si Renzo. "Of course, Ate Shan. Nakikita namin, bote 'yan. Pa-selfie nga sa bote na 'yan."

"Tumigil ka diyan, Renzo. Puro ka selfie. I wonder kung paano ka manliligaw niyan, idadaan mo sa pagse-selfie?" Pang-aasar ni Shan. Close siya sa triplets dahil bestfriend ko siya at may 'something' sila ni Sky na alam kong medyo malabo dahil may Riana--na may boyfriend. Ang gulo nila.

"Wooo!" Pang-aasar ni Enzo. "Kung ako 'yan, idadaan ko sa pakwan. Babatuhin ko ng pakwan 'yung liligawan ko. Wahaha!"

Nagpokerface ako sa sinabi ni Enzo. "You're being rude, Enzo boy." Sabi ko.

"Marry your watermelon, instead." Komento ni Sky na abala sa paglalaro kay Zia. Father figure na ang ka-kambal ko. Sino kayang mapapangasawa niya? Ah, basta kung kanino siya sasaya. Ayoko ng maging kontrabida sa lovelife niya dahil sa mga sakripisyong nagawa niya para sa akin. Panahon na para ako naman ang magsakripisyo--in a way na, halimbawa ayaw ko sa babae pero dahil mahal niya, tatanggapin ko. Ganern.

"Tama na 'yan. Simulan na natin para masaya. Saka, subukan niyo namang mag-ingay people. Ang tahimik niyo." Puna ni Shan saka inilapag ng pahiga ang bote sa gitna, medyo malayo sa bonfire.

Pinanood ko lang siya. Ang sarap din pala sa feeling na makapag-unwind. Kahit kinulit lang ano ng dalawa, masaya naman dahil kasama ko silang lahat. Mga kapatid ko, sina Reiko..si Shan or even the two eggs.

"Ganito, ii-spin ko 'to. Tapos ang matatapatan ng nguso ng bote taanungin ng truth or consequence. Kapag truth, ang magtatanong ay kung sino ang nag-ikot ng bote, kapag consequence naman, iinom ng isang basong alak. Kapag hindi mo kayang sagutin ang tanong sa'yo sa truth, pwede kang utusang gawin ang kahit anong gusto ng nag-ikot ng bote. Kung sino 'yung natatapatan, siya 'yung susunod na mag-iikot ng bote and so on and so forth. Gets?"

Tumango kami.

"Game! Game na." Sigaw ni Reiko. Mukhang excited na excited siya. Minsan, iniisip ko kung sino sa triplets ang crush niya pero dahil magkaka-mukha nga ang triplets, 'di ko maisip kung sino.

Childish LoveWhere stories live. Discover now