47

109K 2.8K 1.3K
                                    

Chylee POV

Ito na iyong araw na hindi ko inaasahang darating. Ang ihatid si Phoenix sa airport.. palayo sa akin.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Si Phoenix ang klase ng tao na hindi ka mabo-bore kahit maghapon mo siyang kasama. Si Phoenix iyong taong laging nakangiti na para bang walang problema. Si Phoenix iyong taong aalagaan ka ng walang hinihinging kapalit. Si Phoenix iyong definition ng 'tunay' na kaibigan.

I sighed. Ihahatid ko talaga siya sa airport. Ibig sabihin, totoong totoo na aalis na siya. Isa siya sa taong pinaka pinasasalamatan ko. Wala akong masabi sa ugaling mayroon siya. Wala akong masabi sa pagpaparamdam niya sa akin na dapat kong pahalagahan ang sarili ko.

Naaalala ko tuloy no'ng sumunod siya sa amin ni Skyler sa US. Hindi ako makapaniwala no'n. Inis na inis pa naman ako sa kaniya nuon hanggang sa nakasama ko siya at nakita ko ang tunay niyang ugali. At 'yun ang nagustuhan ko sa kaniya. Ang pagiging totoo niya. What you see is what you get.

Napaka-swerte ng babaeng mamahalin ni Phoenix. Isa siya sa mga lalaking totoo magmahal. Sana kapag nahanap na ni Phoenix ang taong para sa kaniya, sana naman, hindi siya masaktan tulad nang naranasan niya sa akin at maging masaya sila.

Oo, sa ngayon ako ang minamahal niya pero alam kong makaka-move-on din siya dahil iyon na ang desisyon niyang gawin. I felt bad. Kung sana siya nalang ang tinitibok ng puso ko, e' di sana hindi niya kailangang lumayo. At sigurado ako na masaya sana kami.

Kaso, si Miko pa din.

And I admire him for being 'the man' for talking to Miko about me. Alam kong para silang aso't pusa. Lagi nalang silang nag-aaway, nagpaparinigan o nagsasagutan na parang mga babae but then, he still managed to give way.

Tumunog ang cellphone ko. I checked it.

From: Bigas
I'm here. Are you ready?

Si Miko. Andiyan na pala siya. Kanina pa ako nakahanda. Nakabihis na ako at dala ko na rin ang isang paperbag na pabaon ko kay Phoenix. May kasamang napakahabang letter sa loob ng paperbag. Doon ko isinulat lahat lahat ng gusto kong sabihin--lahat ng dapat ipagpasalamat at dapat na ikahingi ng tawad.

Hindi pa rin ako makapaniwalang aalis na talaga siya.

Huminga ako ng malalim saka tumayo na mula sa pagkaka-upo sa kama ko. Lumabas ako ng kwarto ko saka sinalubong ako ni Miko na nasa living room.

"Are you okay?" Tanong agad niya.

Napapaisip tuloy ako kung kailan nagsimula itong parang normal na kaming nag-uusap samantalang iniiwasan ko pa nga siya. Ganoon nga siguro talaga kalag pinalaya mo na ang sarili mo sa nararamdaman mong hatred.

Tumango ako saka lumapit sa kaniya. "Tara na?"

Sabay kaming lumabas ng bahay. Inalalayan niya ako palabas ng gate namin dahil sa labas nakaparada ang kotse niya. Nang makalabas ay muli niya akong inalalayan na makasakay sa kotse.

Mabilis siyang sumakay sa driver's seat saka pinaandar na ang sasakyan.

"You looked sad. I understand you. Tanda is leaving. But I want to say sorry."

Kumunot ang noo ko saka siya tiningnan habang nagmamaneho. "Para saan?"

"Masaya kasi ako na aalis na siya. Maso-solo na kita, Hera." Ngumisi siya.

Kainis 'to. Sa lahat ng tao, siya lang ang masaya na aalis si Phoenix. Naalala ko tuloy no'ng tawagan ako ni Reiko kagabi.

"Ate Chylee! Totoo bang aalis na si Kuya Phoenix? Nagpaparaya na siya para sa Kuya kong supot? Huhu. Nabasa ko kasi sa facebook."

Childish LoveWhere stories live. Discover now