Blood+Lust: Chapter 4

95 6 1
                                    

- RED EYES -


Lincoln's Point of View


"AYOS KA LANG? Ba't parang pagod na pagod ka? Mukha kang puyat."


Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nang banggitin iyon ni Kiara. Biglang bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi kaya nawalan na ako ng gana.


"Bakit?" tanong niya nang mapansin na hindi ko inubos ang pagkain ko.


"Wala." sagot ko sa panibagong tanong niya pagkatapos ay tumayo na.


"Ano nga?! May problema ba? Inaway mo ba si Tita? Nasan na ang babaeng 'yon?" Marami siyang tanong. Tumingin-tingin pa siya sa paligid na parang may hinahanap. "Himala yatang wala ngayon dito ang babae na 'yon, eh, lagi yung nakabuntot sayo."


I licked my lips because I was annoyed. I don't know why, but the mention of that girl brings a cold feeling to my stomach. "Just eat," was the only thing I said before deciding to leave first.


"Teka lang! Hindi pa nga ako tapos kumain dito!" reklamo niya at nagmadaling kumain.


"Slow down, Kiara... I'll go ahead first. I'm sleepy. And please stop being so nosy. Just finish your food quietly and don't follow me. I will go to the library." It's our break time, after all. I won't let this free time go to waste.


"Huh?!" aniya at nagulat nang bigla akong tumayo. Nagmadali agad siyang ubosin ang pagkain niya, halatang gusto akong sundan.


"Don't rush. Eat slowly." I reminded her again, and she obeyed me like a puppy. Nah, more like a squirrel. Look at her cheeks after stuffing all those food in her mouth in an attempt to follow me.


Lumabas ako ng cafeteria at tinungo ang Library. Nasa bukana palang ako ng pintuan pero nakita ko agad ang rami ng tao sa loob. Vacant time kasi kaya dito nag ka-crash ang ibang mga studyante dahil masyadong mainit sa labas. Tahimik dito at aircon kaya magandang spot para tambayan. Nakita ko ring wala nang bakanteng upuan. Saan na ako matutulog nito?


Then I decided to just go to the classroom. And perfect, I got here before others, so there's only me. Umupo na ako at gaya ng plano, umidlip saglit.


"Narinig niyo na ba?"


"Ang alin?"


"Yung balita! Grabe, nakakatakot! May natagpuang bangkay daw sa eskinita malapit sa Park!"


Blood+Lust: Love At First BiteWhere stories live. Discover now