08

1.1K 58 27
                                    

"Ate Tati!"

Napalingon ako nang tawagin ako ng mga bata na nakasilong sa isang tabi. Nasa may maliit na tent sila at nakaupo sa buhanginan pero may sapin sa kanilang pang-upo.

That surprised me because they know me. I've been here for a few weeks, but I don't go out in the morning. Ngayon lang. But I go out every evening to watch the waves, lumalabas ako kapag wala nang masyadong tao sa labas.

They are making bracelets and necklaces made of seashells to sell in town. I can't help but be impressed by these kids because at a young age they already make a way to earn a living and to help their parents.

Sa ilang araw kong pagmasid sa kanila mula sa bintana ay nakita ko kung gaano sila ka-responsableng bata. Mulat na sila sa maraming bagay kaya gumagawa sila ng paraan para kumita.

Pagtapos nilang gumawa ng mga singkwenta pataas na bracelet at necklace ay pumupunta sila sa bayan para doon ibenta ang mga gawa nila, pagtapos maibenta ay maghahati-hati sila sa kanilang kinita at ibibigay sa kanilang pamilya para may pangkain at panggastos.

They are very loving to their parents. I admire them.

"Dito po kayo ate, naku, sayang po 'yung puti n'yo kung magpapaaraw po kayo."

I giggled softly at what a girl wearing a cat-ear headband said as I approached them. She even waved her hand in my direction. She's so cute.

Nakasuot ako ng puting bestida at tsinelas na binili nung nakaraan para sa akin ni Lazarus. Hindi ko din maiwasang maramdaman ang paninitig ng mga tao sa akin paglabas ko ng bahay.

"Hello po, Ate Tati!" Bati ng dalawang batang babae nang makalapit ako sa kanila.

"Hi," I softly greet them back.

"Ate, napaka ganda niyo po! Mukha po kayong dyosa! Buti po ay lumabas po kayo," magiliw na saad ng batang babae na naka headband.

Mahina akong natawa sa sinabi niya. "T-Thank you. Pwedeng makiupo?" I asked them.

"Oo naman po, wala pong problema!"

Inayos ko muna ang bestida ko bago maki-upo sa kanila.

"Ay! Wala pong sapin ang inuupuan n'yo, madudumihan po ang bestida mo!"

"No, no it's oka-"

Mahinang nagsalita ang batang babae na naka bestida din katulad ko.

"Paeng, kuhaan mo si ate nung sapin," agad namang tumayo ang lalaking katabi niya at may kinuhang sapin sa gilid na agad naman nitong binigay sa akin.

He immediately returned to what he was doing before, all serious and focused on the bracelet he was creating.

"Paeng, batiin mo naman si ate Tati!"

"Bakit? Bibili ba siya?" walang gana itong tumingin sa babae na naka headband.

Nabigla ako sa sinabi ng batang lalaki.

Gulat na napatingin din sa kaniya ang babae. She even covered her mouth. "Paeng! 'Yang bunganga mo!"

The girl wearing a dress looked at me shyly and smiled a little. "Pasensya ka na ate, ganyan lang po talaga si Paeng."

"It's okay..." maliit ko siyang nginitian. "I'm sorry, but I don't have the money to purchase the bracelets and necklaces you guys make. But I'll buy when I have the money."

"Paeng, ikaw nga muna makipag-usap kay ate Tati. Iilan lang naintindihan ko sa sinabi n'ya eh," kahit pabulong na sinabi iyon ng batang naka headband ay rinig ko iyon.

Eyes On UsWhere stories live. Discover now