11

926 48 30
                                    

Habang naglalakad kami ay marami pang mga bata ang naglalaro sa labas kahit wala nang araw. May mga nag-iinuman at may mga nagsusugal.

Maingay sa lugar na 'to kahit gabi na.

Hindi katulad sa labas ng bahay nila Lazarus na tahimik at puro alon na lang ang maririnig mo tuwing gabi. Iba rito.

"Ital, tagay muna!" alok ng mga nag-iinuman sa kaniya. Sa nakikita ko ay kasing kaedaran lang namin ang mga ito at ang iba ay mga naka uniporme pa.

Umiling si Ital. "Di na muna, may pasok eh."

Mukhang nakakasama at kilala sila ni Ital.

"Chikababes 'yang kasama mo ah, pakilala mo naman kami." Sabi ng isang lalaking may katangkaran. Nakasandal ito sa motor at may hawak na maliit na baso.

"Manahimik ka Paolo. Baka masungalngal kita nang makita mo," singhal ni Ital. Nagtawanan ang mga kalalakihan.

"Masyadong mainit ang ulo ni Madam..."

Hindi na nagsalita pa si Ital at tumawa na lang, showing her middle finger. Muling nagtawanan ang mga kalalakihan bago siya nagpaalam at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nasa likod niya lang ako at sumusunod sa kaniya nang huminto kami sa isang may kalakihang bahay. May tinatawag siyang pangalan, I bet it was the owner of the house.

"Ang taga- Oh! May kasama ka pala, Ital. Pasok kayo," iritado ang mukha nito nang pagbuksan kami pero agad itong ngumiti nang makita ako. Agad niyang nilakihan ang awang ng pinto para makapasok kami.

Pinauna akong pumasok ni Ital at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko kung anong suot ng isang babae na nakaharap sa vanity mirror.

She's wearing exotic dancewear with sequin mesh. Halos private part niya na lang ang may takip sa suot niya dahil kitang kita ang buong katawan niya sa kaniyang suot.

But... I admit, she has a nice curve and sexy body. Bagay na bagay sa katawan niya ang suot niya.

"Huwag kang mag-alala at hindi 'yan ang susuotin mo."

Mukhang nakita ng nagpapasok sa amin ang pagkagulat ko sa babaeng naka-upo sa harap ng vanity mirror.

I breathed a sigh of relief when I heard that.

"Good pick, Ital, huh?" saad ng babaeng na nasa vanity mirror. Inirapan lang ito ni Ital.

"Ayusan niyo na 'yan," utos nito.

"Ako na ang mag-aayos sa kaniya," pagpi-prisinta ng babaeng nagpapasok sa amin.

Mukha siyang mabait...

Bago niya ako ayusan ay nagpakilala muna siya sa akin. Her name is Maddie at tama nga ako, siya ang may-ari ng bahay na 'to. Magkakatrabaho sila nila Ital at Yvonne sa Mystique, iyong club kung saan sila nagt-trabaho at ang club na papasukan ko.

Si Yvonne ay 'yong babaeng nasa harap ng vanity mirror kanina. Pinakilala na rin siya sa akin ni Maddie. Pinaalis muna siya ro'n dahil ako naman ang aayusan, ngayon ay nasa couch siya at inaayos ang nails niya.

Napansin ko ngang hindi mahaba ang kuko niya sa middle and ring finger niya pero may design ito. Maybe gano'n na ang mga design pagdating sa nails even though it's a bit uhm... weird?

Naramdaman niya siguro ang paninitig ko kaya tumingin siya sa'kin, bago pa ako maka-iwas ng tingin ay palihim niya akong inirapan.

Maddie seems nice and friendly.

While Yvonne... I don't know. I don't want to think too much about it because she might not be used to having other people around.

Nag focus at nakinig na lang ako kay Maddie habang inaayusan ako. Konting ayos lang ang ginawa niya sa buhok ko at nilagyan ng spray dahil maganda na raw ang natural na pagka-wavy nito.

Eyes On UsWhere stories live. Discover now