12

694 47 27
                                    

Medyo mahigpit pa ang pagkakahawak ni Yvonne sa‘kin, tila ayaw akong pakawalan habang papunta kami sa sofa na kinauupuan ng lalaki.

“Welcome back, Javier,” malanding bati ni Yvonne nang makapunta kami sa harapan nito.

“I've been waiting for you guys for a while.” Saglit niyang tinignan si Yvonne at dumapo na agad ang tingin nito sa akin.

“She‘s really stunning...”

Lumapit si Yvonne rito at may binulong. Pagkatapos bulungan ay narinig ko ang sinabi ng lalaki. “Oh, she‘s a newbie? Nice, I like that.”

“Come here, lil girl,” tawag sa akin nung lalaki at tinapik ang sofa.

Ramdam ko ang mahinang pagtulak ni Yvonne kaya nakuha ko agad ang gusto niyang mangyari.

“Maiiwan na kita. Make sure you make him happy. Good luck, little girl...” panggagaya ni Yvonne sa lalaki at agad na iniwan ako.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang kaming dalawa na lang ng lalaking katabi ko ang naiwan sa sofa. Parang may gustong kumawala sa dibdib ko.

Nanatili akong nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri para kahit papaano ay mawala ang kaba ko.

“What’s your name?” He asked. Kita ko ang pagkunot ng noo niya nang makita ang ayos ko at mas lumapit pa sa’kin.

“Hey, hindi mo kailangang mailang sa akin. Let's enjoy ourselves here, loosen up a bit, will you?”

“I-I’m Tatianna...”

“What a beautiful name, just like you. You’re so pretty. Everyone’s looking at you but pity them, I got you.” He leaned on me, and I gently moved my shoulder to signal my discomfort, but I don't think he noticed.

His hand slid down to my waist, pulling me closer. “You should feel lucky because I'm the one paying attention to you,” dagdag pa niya.

“How old are you?” he asked.

“N-Nineteen po,” I said.

“Hmm, young...” Narating ng kamay niya ang hita ko at hinimas sabay pisil dito.

“How much for one night with you? I'm more than willing to pay just to taste what’s inside of this...” I feel the warmth of his breath on my neck. Hindi pa siya nakuntento dahil nararamdaman ko ring unti-unting pumasok ang kamay niya sa loob ng damit ko nang dahan-dahan.

This is so humiliating. I feel violated.

Nanginginig ang mga kamay ko. Ayaw ko na rito. Pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sitwasyon ko ngayon.

Stupid me! Sana ay nag stay na lang ako sa bahay at hinintay si Roevan. I’m sure na nasa bahay na iyon dahil sinabi niyang sasaglitin niya lang ang pag-aayos sa sira nilang bangka.

Kung nanatili lang sana ako ay tinuturuan na sana ako ni Roevan kung paano magluto ng adobo.

Magpupumiglas na sana ako nang may marinig akong mga nagbagsakan na babasaging baso.

Bago ko pa lingunin kung saan nanggaling ang tunog na iyon ay may marahas na humawak sa braso ko at itinayo ako pagtapos ay inilayo ako sa lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ito.

Si Theron! Nakasuot siya ng uniform na pang waiter! Don’t tell me na dito siya nagtatrabaho?!

He looked very angry at nakita kong pinasadahan niya ng tingin ang suot ko, his eyes blazed even more with anger. Para siyang papatay ng tao.

“Whoa! Bro who the fuck a—”

Napatili ako nang paulanan siya ng suntok ni Theron. The guy tried to fight back and throw punches, but Theron was really strong.

Eyes On UsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ