09

1.4K 66 52
                                    

"K-Kuya..."

Nakakunot ang noo ni Aro at saglit na pinasadahan ako ng tingin bago dumapo ulit ang paningin kay Paeng.

"Bakit ka nandito?" puno ng kaseryosohan ang boses ni Aro nang tanungin niya si Paeng.

"Wala na po kasi akong magawa sa bahay kaya napagpasyahan ko pong hintayin ka na lang dito."

"Nasan sina Chiara at Mara?" tanong ni Aro sa kapatid.

Paeng simply looked at me before answering his older brother. "N-Naglaro po kami kanina pero tinawag din po sila agad, e."

"Kinain mo na ba 'yung hinanda kong almusal sa'yo bago ka pumunta dito?"

"Opo... At saka nagsaing na din po ako para mamayang tanghali," tumango naman si Aro at ginulo ang buhok ni Paeng.

"Tati..." narinig ko ang tawag sa akin ni Roevan kaya naman napalingon ako dito. Naramdaman kong lumingon din sina Aro sa direksyon namin.

"Anong ginagawa mo dito?" pag-uulit niya sa tanong niya sa akin kanina. Now, siya naman ang nagtatanong kung anong ginagawa ko dito.

Lumingon ako kay Paeng pero ang mga mata ni Aro ang nasalubong ko. Gano'n pa din ang paninitig niya katulad kanina, siguro ay nagtataka siya kung bakit naabutan niyang magkayakap kami ng kapatid niya.

"I woke up early, so I also decided to just wait for you here. I also met Paeng and his friends and I had fun being with them," I gave him a small smile when I answered him.

He nodded at kumuha sa lamesa ng bottled water pagkatapos ay uminom.

Habang umiinom siya ay nasa kaniya lang ang tingin ko. I don't know! But it was as if a magnet was pulling me to stare at him.

His eyes were closed while drinking at tila ninanamnam ang tubig sa sobrang uhaw at pagod. Kahit na naka t-shirt na siya ay hindi pa din nakatakas sa paningin ko ang pawis niya papunta sa kaniyang adams apple na gumagalaw dulot ng paginom pababa sa kaniyang dibdib.

I just stopped staring at him when someone spoke. Napakurap ako dahil doon. Geez, why are you staring at him Tianna? Buti na lang ay hindi ka niya nahuling nakatitig sa kaniya!

"Tara na Evan, Aro! Ihatid na natin 'tong mga 'to sa bayan," rinig kong yaya ni Elias sa dalawa.

"Hindi na muna ako sasama sa inyo, magluluto pa 'ko ng tanghalian namin ng kapatid ko." ani Aro. May humaplos sa puso ko nang sabihin niya iyon. I smiled bitterly in my mind. I still really remember my brothers.

"Uy, pareng Paeng! Kumusta... kumusta kayo ng baby Mara mo, ha?" Elias teasingly said to Paeng. Tumaas-taas ang kilay nito habang ginugulo ang buhok ni Paeng.

Inalis ni Aro ang kamay ni Elias sa ulo ni Paeng. "Wag mong asarin ang kapatid ko Elias," may pagbabanta sa boses ni Aro.

Tumawa si Elias at inangat ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Biro lang! Eto naman di mabiro!"

Oh, so Paeng likes Mara! But I feel like Mara also likes Paeng because of her stares at him. I giggled at the thought but they are too young for that.

"Ikaw, Evan? Sama ka?" tanong naman ni Elias kay Roevan.

"Hindi na din muna, ipagluluto ko pa ng tanghalian si Tati." He claimed that it caused my cheeks to heat up. Why did he have to say that right in front of them? He is not obligated naman to serve me.

I can cook! M-Maybe?

Elias looked at me and it was as if he had just noticed me.

"Tati," tangong bati niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.

Eyes On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon