chapter-10-(close friend?)

81 7 0
                                    


Ymar's pov

Magkakasama kami nila amelyn at hinihintay namin si zia na lagi naming ginagawa para may lasama ito at hindi lonely wala pa kasing boyfriend kaya walang kasama.

Pero mukhang magkakaroon na dahil nagising ako kanina sa bahay, nakita ko agad si kuya na nagluluto siguro ay maganda ang gising tapos nagkwentuhan kami ang sabi nya nagtapat na daw sya kay zia.

At natutuwa ako dahil si zia ang nagustuhan ni kuya kilalalng kilala ko na zia ilang years na din kaming magkakasama kaya kilala ko na talaga ang babaeng yun  matino yun maganda at mabait, di masyadong matalino pero  masasabi mong desente.

Naghaharutan kami ni amelyn nagkikilitian kami ng marinig namin ang pagtili ni sha sha.

"AHHHHH!! AMELYN CONFIRM! NAGLILIGAWAN NA ANG DALAWA!"sigaw ni sha sha na akala mo nirarape.

Paano kaya na kaya natagalan yon ni mikael.

"weh ay talaga ayieee magkakabebe na ang bruha!"sabi naman  ni jenele

"magtigil nga kayong dalawa!  Malay nyo naman nagkita lang sa daan." pagsaway ni amelyn sakanila.

Magkasama kasi ngayon si clark at at si zia hinahabol pa ni clark si zia.

Humakbang ako palapit sa dalawa upang salubungin silang dalawa.

"bakit magkasama kayo?"tanong ko agad ng makalapit.

Kilala ko si clark hindi pa sya nakakamove on kay jannica kanina nga lang ay kinukulit ako ni jannica na tulungan sya para magkabalikan sila ni clark.

Pero hindi ko pinangunahan ang desisyon ni clark dahil ayokong makiaalam.

"nagkasalubong lang sa daan!"sagot naman ni zia.

Tumango tango ako kahit hindi ko tanggap ang sagot ni zia.

Kilala ko sya pag nagsisinungaling.

Inakbayan ko si clark at agad na nilayo sa barkada.

"bakit kayo magkasama?"tanong ko rito.

"ymar di mo ba narinig si zia nagkasalubong nga lang!"sagot ni clark.

"hindi ka panipaniwala! Magkaiba dapat ang daan na tatahakin nyo dahil sa parking lot ka at sya naman ay sa harap ng university kaya sinasabi ko sayo sinong tinatanga mo!"sabi ko rito na may halong inis ang boses ko.

"bakit ba? May problema ba kung magsabay kaming pumasok?"tanong nito saakin.

"kilala kita clark! Wag mong subukang saktan si zia dahil kapag umiyak yan sa harap namin kahit captain ka ng team natin o kahit kaibigan kita hindi kita kikilalanin!"sagot ko rito.

"anong bang paki mo ha, kaibigan ka lang nya diba?!may girlfriend ka kaya wag mong sabihin may gusto ka sakanya pare ang lupet mo!"sagot naman nya sakin.

Agad kong hinigpitan ang pagkakaakbay ko sakanya para masakal ito

"kaibigan ko si zia kilala ko sya, wala kang alam!"sagot ko dito at agad itong binitawan.

Hinawakan nya naman ako sa balikat at tinapik ito.

"don't worry ymar i will never hurt her and were just friend nagusap lang kami kanina kaya kami magkasama at kung itatanong mo kung anong pinagusapan namin nagpakilala lang ako sakanya at nakipagkaibigan!"sagot nito saakin at agad naman akong napangiti sa sinabi nito.

"sige captain asahan ko yan! Tsaka nga pala nagpunta sa bahay ko si jannica, balikan mo na daw sya!"biro ko dito.

"don't mind her! Ayoko nang magpakatanga."sagot naman nito.

Talagang nagiging matured na ang captain namin.

Ngumiti ako sakanya at tumango bilang pagsagot.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now