chapter 16-(dream)

58 7 0
                                    

Zia's pov

Nandito ako ngayon sa kwarto nila mama iniintay ko sila para makausap ko at maliwanagan na ko sa lahat ng nangyayari.

Nasq baba pa kasi sila dahil kinakausap pa nila ang mga pulis at nagpapasalamat.

Humiga muna ko sandali sa kama nila mama at nagisip kanina pa kasi sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ni clark.

Paano ko sya pinagalala?! Bakit sya nagalala?

Alam ko naman na magkaibigan kami pero kung makaarte sya kanina akala mo naman sya ang boyfriend ko, grabe kasi ang worrie na nakita ko sa mga mata nito.

Subalit natigil ang aking pagiisip ng marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"anak gising ka pa ba?"tanong ng mga ito saakin.

Agad naman akong umupo sa kama at tumango.

Lumapit sila mama saakin at niyakap nila ako.

"ma?pwede po bang magtanong?"tanong ko rito.

Narinig ko naman ang lagbuntong hininga nito at tsaka tumingin saakin.

"anak alam kong madami kang gustong itanong saakin! Sge na handa akong sagutin ka."sabi nito at ngumiti.

"ma sino po ba si elise?"tanong ko rito.

Tumingin ito kay papa at tsaka tumango.

"maiwan ko muna kayong magina ha!"sabi ni papa at lumabas ng kwarto.

"si elise guevara ang nakababata kong kapatid! Sya rin ang tunay mong ina, at ang iyong ama naman ay gabriel guevara"sagot nito saakin.

"eh ano po ang totoong pangalan ko?"tanong ko uli dito.

"ang totoong pangalan mo ay ellithia Guevara"sagot uli nito.

"ano po ba talaga ang nangyari? Nasan na po ba talaga sila?"tanong ko pa rito.

Agad namang tumulo ang luha ni mama.

"nagkaroon ng disgrasya ng papunta kayo sa baguio para mag bakasyon.
Kaya lng nagkaproblema ang preno ng kotse nyo muntik mahulog ang kotse nyo sa bangin pero agad naman na areglo ng daddy mo pero hindi nya napansin na may truck sa harap ng kotse nyo kaya naman bumangga kayo doon."sabi nito.

Habang nagkwekwento si mama parang pinupokpok naman ang ulo ko sa sobrang sakit,parang tinataga ito wala na kong naintindihan sa kwento ni mama dahil ang tanging nasa isip ko lng ay ang pananakit ng ulo ko.

"anak okay ka lang ba?!"may pagaalalang tanong ni mama.

Ngumiti naman ako dito at tumango.

Pero bigla na lng dumilim ang paningin ko pero narinig ko pa si mama na tinatawag si papa at humihingi ng tulong.





"ellithia are you exited?"tanong ng isang babae na nakasuot ng puting dress at ang ganda ganda nito.

"yes mommy! Super po!"sagot naman ng isang bata.

"daddy kayo po ba exited?"tanong uli ng bata sa lalaking katabi nya.

Dalawa ang katabi ng bata yung isa ay babae na tinawag nyang mommy at sa kabila naman ay lalaki at ayun ang tinawag nya daddy.

"yes ofcourse! Makakasama ko kayo ng mommy mo ngayong linggo toh kaya bakit hindi?!"sagot ng lalaki sa bata.

"mommy pwede po ba kayong kumanta ng favorite song ko!"tanong ng bata sa babae.

Agad naman tumango ang babae.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now