chapter 34-(jealous)

53 5 0
                                    


Ellithia's pov

When we arrived to boracay mabilis pa sa alas kwatro kong bumaba nakita ko rin ang ibang tao na sobrang nageenjoy sila.

Parang ang sarap sarap magbabad sa dagat,hinila ko agad sila jenele papuntang dagat para mas makita ito ng malapitan.

"ang ganda!"masigla kong sabi habang nagtatatalon.

Nakakabaliw ang ganda ng dagat may makikita ka ring nagsusurfing at meron din namang naglalaro ng bola.

Napakasaya ng mga tao dito,ng matapos kong tignan ang dagat bumalik ako kila mykel at nagpaalam na magbibihis na para makapagswimming na.

Pumayag naman ito kaya naman umalis kaming mga babae para magcheck-in na sa isang hotel.

Magkakasama ang girls at ang boys sa iisang kwarto,habang inaayos namin ang mga gamit namin ng may marinig kaming katok na nagmumula sa pinto.

"ako na ang magbubukas!"pagvovolunteer ni jenele.

Agad naman kaming tumango sakanya.

Sino kaya yung kumatok?!
Paniguradong hindi naman si clark yan dahil nasa caloocan pa sya.

Inaabangan ko si jenele na bumalik para sabihin samin kung sino ang kumatok.

"uyy,ano na?!"isang boses na nagpabalik sakin sa reyalidad

Napatingin agad ako dito kung ano ang sinasabi.

"huh?! Ano nga uli yun?"sabi ko dito.

Natawa naman ito saakin at agad na tinuro ang isang kulay black na two piece.

"sabi ko, since wala ka namang dalang pangswimming giramin mo na lang tong two piece na dala ko!"sabi ni sha sha sakin.

"hindi na,wala kang susuotin,okay na ko sa sando!"sabi ko dito.

"marami akong dalang ganyan,may one piece pa nga eh!''

"ayoko pa din!"

"kapag hindi mo sinuot yan,magbabayad ka sakin ng 10k sige ka!"

"sha sha naman eh, mamaya ko na susuotin yan!"sabi ko dito.

Agad naman itong ngumiti nng pagkalaki laki at kinindatan pa ko.

Makakindat naman toh! Dukutin ko mata mo eh!

Kinuha ko ang two piece na ibinigay nito sakin at tinago sakto namang pagbalik ni jenele!

"sino yun jen?"tanong ni amelyn dito.

"si jonathan,kakain na daw kaya tara na!"sabi nito at nagayang umalis na.

Nagtititili naman si sha sha kaya agad ko itong kinurot sa tagiliran.

"bakit ka tumitili, nakikita ka ng mga tao, baka sabihin na rape ka!"sabi ko dito.

Agad naman ako nitong t Ik nigjan at ngumiti ng pagkalaki laki.

"nakita ko ang abs ni baby mikael ko!"sabi nito at tinuro ang hindi kalayuang mga lalaki na nagaayos ng pagkain.

Napangiti naman ako ng makita si clark.

Nandito na pala sya! Ang bilis naman!

Ng makita ako nitong nakatingin,agad itong naglakad papunta sa direksyon ko.

Habang papalapit ito palakas ng palakas ang tibok ng puso ko,parang hinahalukay din ang tyan ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko sa lalaking toh?!

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now