chapter 24-(mikael dela cruz)

74 7 1
                                    


Mikael's pov

Paglabas ko ng kwarto ni ellithia,agad akong nagtungo sa kusina para sabihin kay clark na gutom na si ellithia.

Nadaan ko pa sila amelyn na magkakasama,nagtaka lang ako dahil wala doon si sha sha,agad hinanap ng mga mata ko si sha sha pero hindi ko talaga ito makita.

Agad kong binalik ang tingin ko kila amelyn.

"where is she? "tanong ko sa mga ito.

Agad naman akong tinignan ng mga ito.

"sinong she? Madaming babae dito?! "pangaasar ni jonathan saakin.

Agad ko naman itong sinamaan ng tingin dahil sa sinabi nito.

"kilala mo kung sinong hinahanap ko jonathan! "sagot ko naman dito.

Agad naman itong ngumiti dahil sa sinabi ko.

"in the garden, pare umiyak ka ba?! "tanong nito.

Pero imbes na sagutin ito dumiretsyo ako sa kusina.

"clark,gutom na si ellithia,bilisan mo daw."sabi ko dito.

Tango lang ang sinagot nito at bumalik sa pagluluto.

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at pumunta sa garden.

Agad kong ginala ang paningin ko para makita ito.

Di naman ako nabigo dahil nakita ko agad ang maamong mukha nito.

Nilapitan ko ito para mas makita ko kung anong ginagawa nya.

Nagulat na lang ako ng makita kong umiiyak ito.

"hey, why are you crying?!"may pagaalalang tanong ko dito.

Nakita kong magang maga na ang mata nito,dahil sa pagiyak.

Tumingin naman ito agad saakin at niyakap ako.

"bakit ba hindi mo ko pinapansin? Galit ka ba saakin dahil sa sinabi ko tungkol kay clark? "tanong nito.

Hinaplos haplos ko naman ang buhok nito.

"no,im not mad at you because of that."sabi ko rito.

"bakit ba hindi mo ko pinapansin? May nagawa ba kong hindi maganda? "

Inalis ko ang pagkakayakap ko dito.

Napagisipan ko na rin na sabihin sakanya ang totoo baka magkahiwalay pa kami dahil sa paglilihim ko dito.

"hindi ako galit kaya hindi kita pinapansin. Hindi kita pinapansin dahil gusto ko ikaw ang unang magsabi saakin kahit hindi kita tanungin."

Nakita ko naman ang pagtataka sa mga mata nito.

"gusto ko na sabihin mo saakin kung bakit magkasama kayo ng ex mo nung isang araw?"

Nagulat naman ito sa sinabi ko.

"paano mo nalaman ang tungkol doon?! "gulat na tanong nito.

"nandoon ako sa labas ng bahay nyo nung isang araw,inaabangan kita na makauwi para bigyan ng bulaklak pero ng makita kong magkasama kayo umalis na lang ako."

"bakit hindi ka tumuloy para Napakilala kita kay jericho."

"baka kasi importante ang pinaguusapan nyo,pwede ko bang malaman kung bakit kayo magkasama nung araw na yun? "

Ngumiti naman ito ng pagkalaki laki at tumingin saakin ng diretsyo

"iniimbitahan nya tayo sa kasal nya next week, kaya nya ko hinatid para mapagusapan namin ang tungkol sa kasal nila ng fianće nya!"sabi nito.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now