chapter 22-(ashawa)

76 9 0
                                    


Ellithia 's pov

Nasa LRB kami nila amelyn dahil sa suggestion ni sha sha na para raw mawala panandalian ang problema ko eh iinom ko na lang daw.

Umorder naman si sha sha ng isang case ng beer nagkataon pa na wala pa si mykel dito kaya pwedeng pwede talaga kami uminom.






Ilang oras din kaming umiinom ng maisipan kong magkwento sa kanila ng nararamdaman ko pakiramdan ko kasi kapag hindi ko toh nalabas lahat ng galit at sana ng loob ko baka bigla na lang akong sumabog.

"amelyn?, shasha?, jenele?, "tawag ko sa atensyon ng mga ito.

Tumingin naman silang tatlo saakin at parang nagtataka pa ito.

Hindi pa kami masyadong lasing dahil hindi pa naman namin nakakalahati ang isang case ng beer.

"naramdaman nyo na bang masaktan? "tanong ko sa mga ito.

Nagtanguan naman sila.

"yung pakiramdam na parang maytumutusok na karayom sa puso mo! "sabi naman ni jenele.

"yung unti unting dinudurog!"sabi naman ni sha sha

"alam namin kung paanong masaktan! Pero iba iba nga lang tayo ng pagkakaintindi sa sakit na nararamdaman natin. Isang beses ka pa lang naman nag mahal kaya ngayon mo lang nararamdaman kung paano masaktan sa pagibig."sabi naman ni amelyn.

Siguro nga,kasi saakin ang description ko ng sakit yung parang paulit ulit na pinupukpok tapos biglang sasaksakin, na kahit labanan mo yung sakit kahit anong pagiingat mo unti unti pa ring nababasag.

"tama! Hinayupak kasi yung lalaking yun!mahal ko na amelyn eh! Alam ko naman na mali kasi may girlfriend na pala sya pero lintik na puso toh!sabi ko sabay turo sa bandang dibdib"hindi mapigilan,mamahalin kung sinong gustong mahalin! Pwede naman na si mykel na lang ang mahalin ko pero wala talaga hindi ko maturuan ih! Yung gunggong na lalaking yun ayaw ako patahimikin ih! Ayaw patahimikin yung puso ko, kahit na pilit ko syang kalimutan unti unti pa ring bumabalik kasi ayaw nyang bumitaw, amelyn paano ko sya makakalimutan! Meron bang paraan! "tanong ko pa dito.

Hindi ko alam lero habang nagsasalita ako kusa na lang tumutulo yung luha ko.

"walang paraan para makalimot! Kusa yang mawawala kung talagang wala na! Alam mo sabihin man ng utak mo na nakamove on ka na pero kapag nakita mo sya puso ang magdedesisyon kung mahal mo pa talaga! Lahat ng tao nasasaktan,hindi lang naman ikaw, malay mo bukas maging maayos din ang lahat,kaya uminom ka na lang dyan sasamahan ka namin!iwan ka man ng kahit na sino! Nandito kaming mga kaibigan mo para sabayan ka sa pagiyak! "sabi nito.

Agad naman akong ngumiti dito at niyakap silang tatlo.

"alam nyo itigil nyo na yang kagagahan nyo tara sumayaw na lang tayo! "sabi naman ni sha sha.

Nagsitanguhan namn kaming tatlo bilang pagsangayon sakanya.

Medyo hilo na rin ako kaya pagewang gewang na ang lakad ko pati sila amelyn gumegewang narin.

Ang saya saya parang wala akong problema habang sumasayaw ako.

"wohoooo!! Ang saya!!! "sigaw ko.

Agad naman akong napahinto ng may humawak sa bewang ko.

"hi miss let's dance! "sabi nito.

"shige! Okie shashayaw tayo!"sabi ko dito.

Kembot ako ng kembot dahil wala naman akong ibang alam na sayaw kung hindi tatalon kekembot.

Balak ko sanang hawakan yung lalaki pero bigla na lang may sumapak dito.

"don't ever come near to my wife! "sabi pa ng lalaki.

Wife ako ba yung wife nya.

"ako?! At tinuro ang sarili ko"shino ka ba ha?! Patingin nga ako ng facesh mo kung pasado! Agad naman akong lumapit dito at dinikit ang noo ko sa noo nya. "oo nga okie ashawa na kita mula ngayon! "sabi ko sa lalaki.

"gosh ellithia, what did you do? You let that guy to touch you in you're waist! "sabi nito saakin.

Mukhang may inis sa mukha nito kay inilapit ko ang labi ko sakanya at hinalikan ito para mapawi ang galit nya.

Mukhang nagulat naman ito sa ginawa ko dahil bigla na lang itong natulala.

"shorry na ashawa ko!wag ka na mashelosh! "sabi ko dito.

"okay im not jealous now! Lets go home!"sabi nito sabay buhat nito saakin ala bridal style.

"wait lng punta ka muna doon! "sabi ko dito at tinuro sila amelyn kasama sila ymar.

Sumunod naman agad ito at pumunta sa direksyong tinuro ko.

"amelyn! Ashawa ko nga pala!"sabi ko dito.

Pinakilala ko na sakanila ang ashawa ko bawal naman na sila lang ang may bebe.

"ay ang pogi naman ng ashawa mo! "sabi ni jenele saakin.

"syempre naman,ako pa! "sagot ko naman dito.

"akin na lang yang ashawa mo dali na! "sabi naman ni sha sha.

"suushhhh may bebe ka na ih! Ayan oh shi mikael! "sabi ko dito sabay turo kay mikael.

Bigla naman itong ngumuso dahil sa sinabi ko.

"kelan kayo kinashal ha?!invited ba ko nun ha! Hindi ko maalala! "sabi naman ni amelyn.

Tshaka ko lang narealize na hindi ko alam kung kelan kami kinashal.

"ewan ko! Malay ko ba kung kelan kami kinashal nito! Pero okay lang pogi naman shulit na! "sabi ko.

Agad naman akong tumingin sa ashawa ko at nakita ko naman itong nakangiti saakin habang nakashmile!

Pogi ng ashawa ko beh!!!

"let's go home wife!"sabi nito.

"shige hohoneymoon tayo ashawa ko.!"sabi ko dito.

"shama kami! Hohoneymoon din kami ni my loves!! "pahabol ni amelyn.

"kami din! "sabi naman ni sha sha.

"sama din kami! "sabi naman ni jenele.

Nagmakeface naman ako sa mga ito para mangasar.

Nakita ko naman na nakasunod sila saamin kaya agad akong napanguso.

"why wife?! What's the problem? "sabi ng ashawa ko.

"may ishtorbo!! "bulong ko.

"what? "tanong naman nito.

"may ishtorbo sa honeymoon natin!! "sabi ko dito.

"wife its alrigth! Tsaka na lang tayo maghoney moon kapag okay ka na! "sabi naman nito.

"bakit ayaw mo?! Eh gushto ko naman mag honeymoon tayo!! Ashawa ko!!"pagpipilit ko dito.

"not now wife, pero tatabihan kita mamaya pagtulog mo."sabi nito.

"shige na nga!"sabi ko dito at ngumuso.

Natawa naman ito saakin.

"uyyy kissh mo na ko!! "pagpilit ko dito.

Binigyan naman ako nito ng smack na kiss sa lips na ikinangiti ko!

Maghohoneymoon talaga kami minshan eh.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now