Prologue

49 6 0
                                    

Nasa mahimbing pa rin akong tulog nang maramdaman ko ang malamig na tubig na dumampi sa aking mukha.

"Ah! Punyeta ka kung sino ka man!" Shet. Napakalamig naman ng tubig na iyon! Pati siguro kaluluwa ko nagising dahil sa ginawa ng kung sino mang hinayupak iyon!

"Hahaha! That's what you get, sleepy head. Get up! It's already 6:00 in the morning. Mom is waiting for you. Come on!" Hinagis ko sa kaniya ang hawak kong unan bago padabog na tumakbo sa loob ng bathroom.

Argh. Inaantok pa ako eh, kaso nga lang nahihiya naman akong magpa-late dahil naghihintay daw si Mrs. Mercado sa baba. Hayst! Ngayong araw pala ako magsisimulang mag-trabaho sa restaurant nila Aj, kaibigan ko. At paano ko siya naging kaibigan? Malay ko!

Matapos kong maligo at magpalit naghanap ako ng pwede kong masuot at ayon! White t-shirt at pantalon na itim, okay na 'to.

"Cami! Are you still alive? It's getting late!" Malakas na katok ni Aj habang naglalagay ako ng pabango sa aking leeg at pulso.

"Andiyan na! Kaumay ka, ha!" Isinukbit ko ang maliit kong shoulder bag habang nakangusong binuksan ang pinto.

"Wow! Nag-ayos ka ng 45 minutes tapos wala pa ring nagbago. Mukha ka pa ring si Annabelle." Kinurot ko ang dede nito at halata sa mukha nito ang sakit.

"Ano? Lalaban ka pa? Wala ka pala eh!" Pabiro ko siyang sinuntok sa dibdib bago ako bumaba. Sumunod naman ito habang magkasalubong ang kaniyang kilay. Haha! Ang epic ng itsura niya sa totoo lang.

"Anong nangyari sa gwapo mong mukha, dre?" Tanong ni Liam, kaibigan ni Aj.

"This silly girl," Binelatan ko naman siya bago walang hiyang pumasok sa passenger seat ng kotse niya.

"Ikaw mag-da drive?" Tanong ko kay Liam.

"Yeah. Pero kung gusto ni Drew, then he will."

"No. Ayokong tumabi kay Annabelle." Aba't! Bwesit talaga 'tong lalaking 'to. Wala siyang araw na papalagpasin hangga't hindi ako naiinis.

"Ikaw nalang mag-drive, Liam. Tutal pogi ka naman, magrereklamo pa ba ako? Ehe!" Tumingin ako sa salamin para makita ko si Aj na ngayon ay mas lalo atang nabadtrip dahil sa akin. Haha! Deserve mo yan.

Nakarating na kami sa restaurant at agad kong nahagilap ang Mommy ni Aj. Kumaway ako sa kaniya at dali-daling tumakbo papasok sa loob ng restaurant at tinungo ang counter.

"Hi po, Mrs. Mercado!"

"Good morning, iha! I told you to call me Tita Amie, huh?" Nakipagbeso ako sa kaniya bago kami nagtungo sa isang bakanteng lamesa.

"Sorry po, T-tita. Late na po ba ako?"

"No, you have 10 minutes more. By the way, kumain ka na ba? Where is Andrew? Ah, there! Andrew, son! Come here!" Lumapit naman sa amin si Aj at nang magtagpo ang aming tingin umirap ito sa akin. Tse! Nireregla siguro 'to kaya ganyan.

"Hey, Mom! Good morning." Humalik ito sa pisngi ni tita bago ako ulit irapan.

Ang walang hiya!

"Wait me here, okay? I'll just get us some food." Ngumiti lamang ako sa kaniya bago balingan ng tingin itong katabi kong Angry Birds.

"What?!" Umikot naman ang mga mata nito. Luh, inaano ko 'to?

"Hoy, lalaking may kulay gintong buhok! Wag mo 'kong mairap-irapan diyan at baka sa sementeryo bagsak mo!" Umismid lang ito bago kuhanin ang pulso ko at amuyin.

"Ginagawa mo?"

"Anong name nitong pabango mo? I don't like the amoy!" Umayos ito ng upo at uminom ng tubig.

"Arte mo naman! Sinabi ko bang magustuhan mo?"

"Sungit mo naman. You have regla siguro, 'no?"

Punyetang bunganga yan! Walang preno.

"Umamin ka nga, bakla ka 'no?"

Nabuga nito ang kaniyang iniinom at tumalsik pa sa kamay ko! Yuck!

"Kadiri ka naman, eh! Bakit mo binuga?" Kumuha ito ng tissue sa ibabaw ng mesa bago punasan ang kaniyang mukha at kamay.

"Ikaw kase, eh! You told me I'm gay! Isusumbong kita kay Mommy."

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko rin ang kamay ko. "Eh, ano naman? Magsumbong ka, confident ako na ako ang kakampihan ng mommy mo. At saka, wag kang magtaglish! Hindi mo bagay promise."

"Really? Crush mo nga ako eh, wag ka!" Muntik ko nang malunok ang candy na kinakain ko sa pinagsasasabi ng lalaking ito.

"Alam mo ba 'yung meaning ng A sa pangalan mo?" Lumapit ako sa tainga nito at bumulong. "Assuming!"

"Alam mo rin ba kung anong meaning ng C sa pangalan mo?" Balik na tanong nito sa akin.

"Ano?"

"Cum." Agad ko itong sinapak sa braso dahil sa kabulastugan ng bibig nito.

"Bastos mo! Lalayo na nga ako sa'yo, baka mahawaan ako ng anti-manyakolism."

"Cringe. By the way, susunduin kita mamayang out mo. May pupuntahan tayo."

Tumayo ako at tinulungan si tita Amie na buhatin at ayusin lahat ng mga pagkain na hawak nito. "Saan?"

"Sa simbahan." Kumunot naman ang noo ko bago siya tignan.

"Anong gagawin mo sa simbahan ng ganoong oras?" Kumuha ito ng sandwich bago sumubo.

"Bibili ako ng plato."

"Tarantado!" Napatingin sa amin si tita Amie. "Ay hala sorry! Sorry po!" Tumawa naman itong katabi ko bago nang-iinggit na sumubo ng tinapay.

"Kain lang kayo. And uh, Cami iha, your shift will be in 9:30 to 4:30 pm. Don't worry, you'll just serve and clean the kitchen, nothing else. Is it okay?" Tumango-tango naman ako at akmang kakagatin na ang hawak kong tinapay nang maunahan ako ng walang hiyang lalaki.

"Ah, pagpasensiyahan niyo na po yung alaga ko tita. Hindi kasi 'to kumakain sa bahay, eh." Tumawa lang si tita at sinabing may gagawin pa siyang importante bago magpaalam sa amin.

Natapos na namin ang umagahan kaya ready to go na ako sa trabaho. Nagpaalam na rin kanina si Aj dahil may gagawin pa raw ito kaya niligpit ko na sa kusina lahat ng ginamit namin at hinugasan.

May nakasalubong akong isang matandang babae na sa tingin ko ay nasa 50 pataas na. Ngumiti ito sa akin at nagpakilalang siya raw ang namamahala sa mga employee at siya rin daw ang nagtuturo at sumusubaybay sa mga baguhan.

"Ako si Gina, tawagin mo akong Mama G. Kapag may kailangan ka, pwede kang magtanong sa'kin. Oh siya sige iha, pagbutihan mo ang trabaho. Maiwan na muna kita." Tipid akong tumango at ngumiti.

Mama...

Napailing ako sa naisip. Focus, Camille. Magtrabaho ka ng maayos, bawal pumalpak. Kaya mo 'to. Fighting!

_
@ChickThinker

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now