Chapter 11

7 1 0
                                    

Big Surprise

Lunes ngayon. December 12. Sumapit na ang kaarawan ni Aj. He's turning 23 today. Habang ako naman ay nineteen years old pa lang, mag-tu-twenty sa December 30. Parehas kaming ber months.

Narito ako ngayon sa apartment ko. As usual nagluluto ng pang-umagahan. Sinubukan kong tawagan si Irish ngunit cannot be reached ito. Lowbat siguro ang gaga.

Inihain ko na ang mga niluto ko sa lamesa at sinimulang kumain. Maya-maya pa ay narinig kong kumakatok si Aling Marla sa labas ng apartment ko. Siguro maniningil na siya ng upa.

"Bakit ho?"

Nakita kong hindi lang si Aling Marla ang nasa labas. May kasama siyang isang rider. May hawak itong isang kahon na katamtaman lang ang laki at isang maliit pa na kahon na may tatak na Mercado's Fashion Style.

"Camille, iha, may naghahanap sa'yo." Itinuro niya ang lalaking rider gamit ang kaniyang pamaypay bago muling humarap sa akin. "Oh siya, sige, mauna na ako."

"Sige po,"

Tumingin ako sa lalaki bago balingan ng tingin ang mga hawak nito.

"Ah, Ma'am. Ipinapabigay po ni Ma'am Amie sa inyo. Isuot niyo raw po itong nasa kahon para mamayang gabi," Ibinigay niya sa akin ang kahon na katamtaman lang ang laki. "At ito raw po ang mga gagamitin niyo sa pag-aayos. May ipapadala raw po siyang mga make-up artists dito mamayang hapon. Paki-pirmahan na lang po ito, Ma'am. Para po ma-verify."

Inabot ko ang hawak nitong papel at pumirma sa tapat ng pangalan ko. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ibalik ang papel. Pagkatapos ay binuhat ko iyong mga kahon papasok sa apartment.

Napapatanong ako sa sarili ko kung bakit kailangan pa nila akong padalhan ng mga ganito kagandang mga gamit, eh hindi naman nila ako kaano-ano, lalo na si Tita Amie na kung ituring ako ay parang sariling anak. Napailing-iling ako sa naisip.

Mag-a-alas singko na nang magising ako mula sa napakahimbing kong tulog. Pagkatapos ko kasing kumain at maglinis ng apartment, agad akong humiga at natulog. Alam ko kasing aabot na naman kami ng hating gabi ni Irish sa party nila Aj mamaya.

Speaking of Aj, hindi pa tumatawag sa akin ang kumag na iyon. Ano kayang ginagawa niya ngayon?

Tumunog ang cellphone kong keypad kaya agad ko itong sinagot ng hindi tinitignan kung sinong tumatawag. "Camille dear? Tapos ka na bang maligo? Papunta na diyan 'yung mga mag-aayos sa'yo." Si Tita Amie. Ano raw? Papunta na 'yung mga mag-aayos sa'kin?

"Ah, kasi Tita, ano–"

"I'll hang up na iha. See you later. Bye!" Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko nang patayin niya ang tawag. Kainis! Dali-dali akong tumakbo papuntang banyo at nagmamadaling naligo. Kung bakit ba kasi ako natulog!

***

Saktong alas sais ay nandito na nga iyong mga mag-aayos sa akin. Bale tatlo sila. Dalawang babae at isang bakla. Agad nila akong napansin nang lumabas ako ng kwarto. Hindi ko na sila napagbuksan ng pinto kanina dahil nasa loob pa ako ng banyo. Pero bukas naman iyong pintuan kanina ng apartment kaya pinapasok na sila ni Aling Marla.

"Hello, Ma'am? Yes, Ma'am. Nandito na po siya. Yes po, nakabihis na. Ay oo, Ma'am! Sobrang ganda po kahit hindi pa naaayusan! Sige, Ma'am." Ibinaba na nong bakla iyong cellphone niya bago tumingin sa akin at ngumiti.

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now