Chapter 4

6 0 0
                                    

Party

Nandito na ako sa apartment dahil nagpahatid ako kay Aj kaninang madaling araw. Nandito na rin yung dress na gagamitin ko mamayang gabi at narepair na raw ito sabi ni Tita Amie.

Day-off naming lahat ngayon sa trabaho dahil lahat kami ay imbitado mamayang gabi sa birthday party ni Tita Amie.

Nag-ring iyong cellphone kong keypad na ipinamana pa sa akin nung tiyahin kong bruhilda at saka 'yung anak niyang akala mo naman pinaglihi sa mangga sa sobrang haba ng baba tapos kung makapanglait sa'kin wagas!

"Hello?" sinagot ko ito.

"Nasa apartment ka ba? May dala akong chismis tapos marami akong dalang grocery dito para sa'yo. Ano?" si Irish, pinakamalapit kong kaibigan na babae maliban kay Aj.

"Wow naman! 'Yan ang gusto ko, punta ka na rito now na." Nagpaalam na ako rito at marami pa akong gagawin at aayusin sa apartment.

Maya-maya pa ay dumating na ito dala ang dalawang malalaking supot na may lamang maraming pagkain at kung ano-ano pa. Wag kayong magtaka dahil itong babaeng 'to ay kagaya rin ni Aj - mawaldas sa pera! Palibhasa, mayaman!

"Buong paninda na ata binili mo? May napkin pa!"

"Hoy babae wag kang magreklamo! Remember, advance is always better!" Maarte nitong sabi bago ako ikutan ng mata.

"Nakaluto ka na? May pagkain akong dala diyan. Kain muna tayo." aya niya.

"May pagkain naman dito bumili ka pa!" umirap ito.

"You know what, Cami, girl? Kung masyado kang pakipot walang mangyayari! Kaya mind your own business. I want to give you a food, that's an order from the Highest Supreme–"

"Tahimik! Kakabasa mo 'yan ng Wattpad. Malala ka na sis! Sabihin mo lang kung kailangan mo na ng check-up." putol ko rito.

"Tse! I'm just copying my baby Ace's line. Stay away, witch!" Humalakhak ako sa kaartehan nito.

"Tanginamo sis, itulog mo 'yan!" Pabiro ako nitong sinabunutan sabay tawa.

Sabay kaming kumain ni Irish at hindi matigil ang bunganga nito sa kakasalita ng kung ano-ano.

"Ay, I have something to tell you. Yung ex mo, si Lucas, may bago na namang jowa! Oh my god! Paano niya iyon nagagawa sa mga babae niya, no? Cheer up, girl! I'm here palagi." Bumusangot pa ang gaga sa mga kalokohan niya.

"Pwede ba, Irish? Tigilan mo 'ko. Nandidilim paningin ko sa'yo!" humawak ito sa kaniyang puso.

"Ang sama mo naman! By the way, imbitado rin ako sa party ng mommy ni Aj! Chinat ko kase si Aj kagabi na 'Uy, invite mo naman ako. Fo na tayo kapag hindi moko inimbitahan 😾'. Tapos ayon oo raw!"

"Oh ngayon? Anong problema mo? Kumain ka nga. Napakadaldal mo!"

Alas-diyes pa lang ng umaga nang napagpasiyahan naming lumabas at maglakad-lakad ni Irish sa parke malapit dito sa apartment na inuupahan ko.

"Inalok nga rin ako ni Aj eh, kung gusto ko raw bang maging scholar pero nahihiya ako kay Tita Amie."

"Gaga! Blessing na 'yun tapos mahihiya ka pa? Aminin mo sa'king hindi ka nabagok?" Inirapan ko ito.

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now