Chapter 6

4 1 0
                                    

First Day of School

Mag-iisang linggo na rin ang nakalipas nang maganap ang birthday celebration ni Tita Amie at ngayong araw ko na makukuha ang sweldo ko. Finally!

Ano na ba ngayon? Linggo? Bukas na pala iyong pasukan! Ano kayang susuotin ko?

Malamang damit! Saad ng demonyo kong utak.

Eh, anong klaseng damit kaya? Blouse? T-shirt?

Hindi! 'Yung pang-pokpok! Saad muli ng demonyo kong utak. Papansin!

Nandito ako ngayon sa likod at nakatayo sa mahabang pila na tila hindi naman umuusog.

Tamad akong luminga-linga at natagpuan ng tingin ko ang isang ginang na may kasamang isang batang babae habang naka-upo sa isang gilid at naghaharutan.

Tuwang-tuwa iyong bata habang pinupusod ng ginang ang kaniyang mahabang buhok at saka may binubulong iyong matanda dahilan kung bakit humagikhik ng malakas ang bata.

Hindi ko namalayan na ako na pala ang nasa unahan at naramdaman kong basa na ang pisngi ko.

Umiiyak pala ako! Nakakahiya!

"Ah, full name po ma'am?" tanong nung nag-a assist sa amin.

"Cassandra Miles Angeles po."

Ngumiti ito bago ako pagpirmahin sa tapat ng pangalan ko.

"Sige ma'am, thank you!"

Naglakad ako palabas habang binibilang ang kinita kong pera. Kakasya kaya 'to kapag bumili ako ng uniform? Masyado kasing mahal 'yung uniform ng MU, short for Mercado University.

At saka, wala na akong makain sa bahay tapos uunahin ko pa 'yung uniporme? Mag-grocery na lang kaya ako? Tawagan ko nga si Irish.

"What's up, babaeng bruhilda?" Bungad ng matinis nitong boses.

"Hoy, samahan mo nga ako mag-grocery."

"Oops! Nandito ako kila Daddy, but don't worry, I'm coming!" Ani nito bago mawala sa kabilang linya.

Limang minuto siguro nang makarating si Irish dito sakay ng mamahalin niyang Mustang.

"Mag-go-grocery tayo tapos naka-eyeglass ka? Ano 'to? Beach?" Umirap ang bruha bago iangkla sa akin ang kaniyang kamay.

Nandito kami ngayon sa pwesto ng mga nagtitinda ng isda at namimili ng uulamin namin mamaya dahil makikikain raw si Irish sa apartment mamaya.

Bumili pa kami ng mga gulay, prutas, mga recado at mga iba pang kakailanganin namin sa kusina, at syempre bumili rin ako ng mga school supplies at si Irish naman ang tumingin ng bag ko dahil hindi ako makapili kung ano ba talagang maganda. Nag-insist siyang babayaran niya raw pero hindi ako pumayag kaya ayon wala siyang nagawa, next time daw siya naman ang maglilibre.

Natapos ang pag-go-grocery at umuwi na kami sa apartment. Nagluto si Irish at ako naman ay abala sa pag-aayos ng mga gamit ko na gagamitin ko bukas.

Pagkatapos niyang magluto ay kumain na kami. Pagkatapos ay iniligpit ko na ang aming pinagkainan at kahit daw gusto pa ni Irish na mag-stay ay pinapa-uwi na raw siya sa kanilang bahay.

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now