Chapter 12

9 1 0
                                    

Let's Go With The Flow

It's my birthday. I'm 20 years old na! Ngayong araw kami magba-bakasyon ni Aj sa Boracay kaya todo halungkat ako ng mga damit sa aparador. Nagmukha na tuloy basurahan dahil sa dami ng kalat.

Nanghila ako ng sando, dalawang pares ng short, isang dress, at isang jacket, nahagilap din ng mata ko iyong bikini na kulay pula. Naalala kong iniregalo sa akin 'to ni Irish, grabe ang saltik ng babaeng 'yon, for emergency raw!

So now, I'm packing my things na. Saktong narinig kong may kumakatok na sa pinto kaya dali-dali ko itong binuksan.

"Good morning, baby. Happy birthday!" Sumalubong sa akin ang mabangong hininga ng lalaki bago ako halikan sa labi. Aggressive talaga 'tong nobyo ko.

"Ano?" pagtataray ko. "Wow ah! Ang aesthetic ng pormahan mo ha! Siguro may popormahan ka roong chicks?"

Tumawa ito ng mahina bago ako yakapin sa bewang. "Wag kang maingay. Baka sabihin ni Aling Myrna, may ginagawa ako sayong masama." Sinampal ko ito sa braso bago itulak ang mukha nito.

"Ang mabuti pa, tulungan mo muna ako, no? Mamaya na 'yang kalandian mo!" Sarkastiko kong ani bago siya irapan.

"Hayst! Dragon nga naman..." Binato ko ito ng tissue, nagpipigil ng ngiti.

"What? Physical hurt na 'yan, ah! Ipapa-tulfo kita!"

"Neknek mo!" Sabay kaming tumawa bago nag-ayos ng mga kalat.

***

So ngayon nasa airport na kami. Ilang oras kaming bumyahe bago nakarating dito. Hawak-hawak ni Aj 'yung mga mabibigat na dala namin, habang ako naman 'yung may bitbit ng iilan naming gamit habang hawak 'yung kamay Aj. Ewan ko ba sa lalaking 'to. Ang arte-arte! Gusto laging nakahawak sa akin.

Pagkarating namin sa bilihan ng ticket, bumili siya ng VIP tickets para daw sulit. So ayon habang hinihintay namin 'yung flight namin itong katabi ko kanina pa yakap nang yakap sa akin. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil sa sobrang clingy ng kasama ko.

"Are you hugry? May snacks akong dinala." Pagkuwan ay tanong niya.

"Mamaya na. Kapag nakasakay na tayo ng eroplano."

Actually, first time ko 'to. Never in my entire life na sumakay ako ng eroplano. Ngayon lang talaga, as in, tapos kasama ko pa si Aj. Lahat ata ng mga ginagawa ko palagi ko siyang kasama.

Pumasok na kami sa eroplano dahil flight na namin. Dinala na ni Aj lahat ng mga gamit namin bago ilagay sa taas 'yung iba. Andito kami ngayon sa malambot na upuan at in fairness may aircon sila rito. Ang ganda, grabe!

Pagkaandar ng eroplano napakapit ako kay Aj. Jusko! Para akong lumulutang. Tumatawa naman itong katabi ko dahil umuuga ang kaniyang balikat. Palibhasa kasi ilang beses na siyang nakasakay ng eroplano kaya ganiyan siya kung maka-react.

Hinapit ako nito papalapit sa kaniya bago guluhin ang buhok ko.

"Ano ba! Parang timang naman 'to. Ang ayos-ayos ng buhok ko, e!" Humalik ito sa pisngi ko, hindi alintana ang pagsigaw ko.

"Ang cute mo lang kase. Gusto mo?" Kumuha ito ng Waffles sa bag niya. Inabot sa akin.

"Marami ka bang dalang pagkain diyan? Baka kase kulang sakin 'to," Nag-iwas ako ng tingin nang ngumisi ang loko.

Fall For Him, HarderWhere stories live. Discover now