Chapter 2: The Chess Pi_ces

122 7 1
                                    

WITHOUT any idea how much time had passed, the darkness still at the tips of my lashes, I woke up to the soft sounds of a bell charm somewhere. It seems to be tightly hung on a space that opens to a wider one, being blown freely by warm and embracing summer air.


'I could feel it,' my body tells me as it recognizes the same air that brushes past my skin. The ticking clock's hand continues to travel around the numbers endlessly, yet the heat remains unmoving like one of that distinct early afternoon touch.


Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko sa malalabo at naghahalong mga kulay ng puti't kayumanggi. Sa kada pagkurap at bawat segundong tumatagal na nakatingin ako sa unang direksyon na pinagkagisingan ko, natagpuan ko ang isang bentilador na marahang umiikot ang elisi sa de-kahoy na kisame.


Even though the image gets clearer in no time, my other senses sensitively notified me of my now slow yet steady breathing. The subtle clinking of ice cubes in a glass evidently contains whiskey's rich aroma. A lying cigarette, its rod inclined to perhaps, an ashtray, burns and blends its smoke naturally into the air.


Sa kung anumang dahilan, nakapapanatag sa dibdib ang bawat tunog, bawat maliit na galaw sa paligid, ang malambot na kamang kinahihigaan ko, at kahit na ba ang naghahalong amoy na dumaraan sa ilong ko. Nakapapanatag dahil bahagyang katulad nito ang naaabutan kong eksena sa silid niyang 'yon. Pero... nasaan nga ba ako?


Saktong pagsampal sa akin ng katanungang ito sa isipan ko, isang mukha ang sumulpot sa paningin ko. Masasabi kong may katangkaran at kalakihan ang katawan ng taong ito sa kung paanong madaling natakpan ng pigura niya ang sinag ng araw na nagmumula sa kaliwa ko. Sandaling hindi ko matunghayan ang wangis niya dulot ng pagkakahiga ko at pagkasilaw ngunit kalaunan, madaling tumatak sa akin ang bawat tampok nito.


Nangapa ang mga mata ko sa pangingilala ngunit sa sumunod na segundo ay natukoy ko rin ang pagkakakilanlan nito. Siya na ngayo'y abot sa magkabilang tenga ang ngiti sa akin na animo'y kinapapasalamat ang pagkagising 'ko.


Eldridge Cain Pherenn?


"Gising ka na pala. How do you feel? May masakit ka bang nararamdaman?" he asked gently, like any outstanding doctor in his residency stage would to his bedridden patient.


I almost wanted to snicker as he was wearing a plain polo that was as white as his lab coat. I almost wanted to indulge in that famous care of Dr. Pherenn, as his existence simply invites peace.


Almost... Not until I remembered who he belonged to and where he was affiliated.


Awtomatikong umalertong muli ang isipan at katawan ko, sa paraang agarang pinaalala sa akin ng kokote ko ang nangyari mula sa pagkasunog ng apartment building na tinitirhan namin ni Calvin hanggang sa nakalululang pagtakas ko.


Nang napansin ni Eldridge ang hindi ko pag-imik, hinayaan kong dumaloy ang pagtataka sa kaniya. Nang sa ganoon ay boluntaryo niyang ilapit ang sarili niya sa akin. Kanang kamay niya ay papadampi na sa may bandang leeg ko nang mabilis itong hablutin ng kaliwang kamay ko at pwersahan siyang hinatak upang nakawan siya ng sarili niyang balanse.

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now