Chapter 25: See

92 1 3
                                    

KUNG minsan, napapaisip ako kung ano ang mangyayari kung hindi ko pinaamin si Quinzel na hindi siya pipe at pawang nagpapanggap lamang. Paano kung hinayaan ko na lang siyang manahimik at mahirapan sa pakikitungo sa 'min? Ngunit mayroon nga bang maiiba, gayong ang pagtawag niya sa pangalan ko sa una naming pagtatagpo ang siyang nagsimula ng lahat?


Hindi ba't katawa-tawa? Kay dalang niyang ibuka ang bibig niya ngunit mas nananaig ang mga salita niya sa 'kin kaysa sa sankaterbang paghihinala ng lahat.


"Halimaw! Pakawalan ninyo ko rito!" hiyaw ng isang lalaking pilit nagdedelusyon na kayang talunin ng lakas niya ang makakapal na kadenang nakapulupot sa kaniya. "Katulad ka nga ng sabi-sabi nila! Isa kang tuta! Tuta ka ni Montenegro at bulag-bulagan ka sa pagbabago niya!"


"Kung tuta ako..." I sighed. "Ano ka?" Iniitsa ko ang libro kung saan napag-alamang naming nakatala ang mga transaksyon ng presong ito na hindi dumaan sa proseso ng Red Circle. Bagama't nahuli na siya sa akto, pilit pa rin niyang tinatanggi ito. "Anuman ang rason, kung napag-alaman kang gumawa ng hakbang na salungat sa batas ng organisasyon, dapat kang patawan ng parusa. Didn't you know that before you swore an oath?"


"Wala kang alam! Matagal nang namamayagpag ang mga tagong transaksyon na 'yan! Alam 'yan ni Montenegro!" giit nito nang nagngingitngit ang mga ngipin.


Alam ko 'yon. And I am perfectly aware that this much is not enough to sentence him to death.


Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair at pinag-ekis ang mga binti ko. "Kung ganoon, bakit sa tingin mo pinag-uutos ni Don Julian na tanggalin ang ulo mo sa mga balikat mo?"


Rumolyo pabalik ang dila niya't may napansin sa pinahihiwatig ko. Sa tulong ng mga salita ko'y tila nahagilap na niya sa memorya kung bakit nakagayak ang buhay niya ngayon sa awa ng patalim. Dumoble ang pawis niyang tagaktak at lalong hindi na ako nito matingnan mata sa mata.


"Napagkonekta mo na rin, ano, Karmino?" tamad kong pangungumpirma sa kaniya. "Alam mong pawang mga malalapit sa ama ni Julian, mapa-aktibo pa sa serbisyo o retirado, ang mga pinapadispatya niya, tama? Pero nakakapagtaka, hindi ba?"


Bumwelo ako't tumayo sa kinauupuan ko. "His father's allies are supposedly his allies. Kayo ang tumulong sa kaniya na mapanatili sa mga Montenegro ang mataas na upuan ng Red Circle nang pumanaw ang ama niya. Killing all of you one by one would mean cutting his own arms and limbs," I pondered earnestly with my brows arched as I make my way to Don Alessandro Karmino.


When I passed by him, Cortez knowingly handed me a dagger. Setting my firm grip around its bejeweled hilt, I continued my steps and folded one of my legs to meet my captive's drooped gaze. "And yet, he keeps ordering me to do just that. You and your families. It's as if he's trying to prevent something from spreading and slaughter is the best choice to do so," I added and I saw the latter swallow a hard gulp.


In normal circumstances, treachery against the organization wouldn't warrant an execution, especially one that will condemn the entire family as well. Julian knows that. So why?


"It's not the transactions you're being punished for." I playfully tapped his knees with the blade. "It's the secret all of you are trying to bury to your grave. Perhaps, the Neutral 13?" Sa pagpupunto ko nito ay napaangat na ang ulo ni Alessandro. Sandali itong natatarantang luminga-linga sa paligid hanggang sa tumigil ito nang may determinadong titig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now