Chapter 4: When the Night is High and Shining

126 3 1
                                    

KUNG anong bilis ni Calvin para bawiin ako sa mga kamay ng mga Montelier ay siya ring kay bilis niyang pag-iwan sa akin sa isang sulok nang makarating na kami sa basketball court ng barangay na kinabibilangan namin.


"Wait for me here for a second," he told me in a hurry. There's this dilemma painted on his eyes, and I know it would be selfish of me to steal him away from his responsibilities, so I nodded in agreement. Though still reluctant, he exhaled sharply as he rushed to where he had to be, leaving me to the crowd of people damped in sorrow and panic.


Kahit sa pagpasok pa lang namin kanina ay makailang beses kong nakasalubong ang mga taong biktima ng sunog. Bata, matanda, buntis, lahat sila ay may kapwa mga mukhang naubusan ng kung anong katiting na lamang ang mayroon sa pagitan ng kanilang mga daliri. Mapa-gamit, tagong pera, o ilang importanteng dokumento, wala silang naisalba kundi tanging mga sarili nila.


I can't help but question why the Monteliers took such drastic measures to threaten Calvin when they could have simply had one of their snipers shot anywhere at the unit as an initial warning. But they didn't.


That reminds me...


"Para gumising sa loob lamang ng dalawang oras at kalahati matapos makalanghap ng usok na tiniyak kong makasisira sa baga ng kahit na sino, napaka-swerte mo naman." Ito ang mga katagang kinomento ni Eldridge sa akin kanina, mga katagang tingin ko ay sapat na para pagdudahan kung sino talaga ang tunay na may kasalanan.


Ang tanging inakong aksyon niya ay ang usok, hindi ang sunog. At ang usok na napuna kong may halong nakamamatay na kemikal ay iba sa usok na dulot ng naglalagablab na apoy. Magkaiba rin ang punto ng oras ng pagkalat nito. Lumaganap ang nakapanlalason na usok nang halos makalikas na ang mga sibilyan habang ang apoy naman ay nauna at mabilis na kumalat na maging ako ay hindi ko agad napuna.


Animo'y may isa pang tao sa likod ng insidente na ito na hinalubilo ang sarili niyang plano sa balak ng mga Montelier nang sa ganoon ay hindi siya ang unang maituturo.


"Miss Quinzel?"


Agad na lumapat ang kunot sa noo ko't mga kilay nang mabigyang pansin ko ang dalawang pulis, isang lalaki at isang babae, na nag-aalalang nakatingin sa akin mula sa magkabilang panig ko.


"Maupo po muna kayo rito. Kukuhaan ko po muna kayo ng maiinom at makakain," bibong paalam ng mas mabata-batang lalaking pulis at saka siya nawala sa bugso ng mga taong nagmumula sa iba't ibang direksyon.


"Miss," tawag muli sa akin ng babae at naabutan ko siyang may malapad na ngiti habang ang kamay niyang nakatuon sa isang monoblock chair at lamesa sa hindi kalayuan. Kaysa nakaharang ako sa daan ng mga taong aligaga sa kani-kanilang mga sitwasyon, payapa kong tinanggap ang alok niya.


"Mabuti na lang at nahanap namin kayo agad. Hindi mapakali si Sir Aguirre nang hindi niya kayo makita sa listahan ng mga nakalabas." Sandali akong napa-preno sa pag-aayos ng upo ko sa sinambit nitong may hagod nang pagpapasalamat.


Hindi mapakali? Tungkol saan? Kung buhay pa ako o kung nakatakas ako? Dapat ba akong magalak sa reaksyon niya gayong siya ang dahilan kung bakit hindi ako agad nakalabas at muntikan nang mamatay?

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now