Chapter 39- Wedding Day.

14.1K 138 33
                                    

Clarence's POV



"Okay ka lang ba talaga?" tanong sa akin ni Tito Paolo.

"Opo. Wag niyo na akong masyadong isipin" sagot ko sa kaniya.

"Tara na" huminga muna ako ng malalim bago sumunod kay Tito Paolo na pumasok sa restaurant kung saan naghihintay si Nanay Stella at Kuya Anjo.



Nakapag decide si Tito Paolo na sabihin ang totoo sa kanila. Lalo na kay Nanay Stella. Pagkapasok namin, agad namin silang nakita at lumapit sa kanila.

"Anak" sabi ni Nanay Stella sabay yakap sa akin.

Hindi ako makapagsalita, masakit pa din sa akin kasi hindi naman siya ang tunay kong nanay.

"Stella?" humiwalay sa yakap si Nanay Stella sa akin saka kumunot ang noo niya.

"I'm Paolo, kapatid ni Felix" bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"I-ikaw pala" napaupo na si Nanay Stella at ganun na din ang ginawa namin. Sandali kaming nanahimik, naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung saan tutungo yung pag-uusap naming to.

"Nagkaroon pala kayo ng relasyon ng kapatid ko and nagkaron din kayo ng anak" sabi ni Tito Paolo.

"O-oo, at yun si Clarence" sagot naman ni Nanay Stella. Napayuko ako, wag kang umiyak Clarence.

"Sasabihin ko to not to hurt you, Stella. I just want you to know the truth."-Tito Paolo.

"Truth? Anong .. anong ibig mong sabihin?"-Nanay Stella.

"Clarence is not your real child" I bit my lower lip.

"Ha-ha? Anong hindi siya? Nagkakamali ka ata"-Nanay Stella.

"Lahat tayo napaniwala ni Felix sa kasinungalingan niya, believe it or not even me na kapatid niya eh naloko niya but believe me, siya na mismo ang nagsabi na hindi si Clarence ang anak niyo"-Tito Paolo.

"Paanong hindi si Clarence ang magiging kapatid ko? Eh si Andrei na mismo ang nagsabi sa amin at nagpakita siya sa amin ng DNA result" boses naman ni Kuya Anjo ang nangibabaw.

"Pwedeng palabasin na totoo kahit hindi if you have money. S Felix din ang may gawa nun."-Tito Paolo.

"Hindi! Hindi ako naniniwala sayo, ramdam ko sa puso ko na si Clarence ang anak ko. Lahat ng bagay nagpapatunay na si Clarence nga yun tapos sasabihin mo sa aking hindi?"-Nanay Stella.

"Totoo po yun Nay, hindi po ako ang anak niyo. Kahit naman po ako eh. Masakit po sa akin na hindi pala ikaw yung tunay kong nanay pero ano pong magagawa natin, hindi po talaga ako" umiiyak na ako. Ang makitang nasasaktan si Nanay Stella mas doble ang sakit sa akin.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Where stories live. Discover now