Chapter 42- The guy who can't be moved

10.3K 143 54
                                    

Clarence’s POV

[Dapat before 7:00 pm andun ka na Iha.]

“Opo Tito, saan po ba ang venue?”

[Sa Del Carlo’s Villa Resort, don’t worry alam ni Martin yun and susunduin ka niya. Bye] pinutol na ni Tito Paolo ang tawag ..

Si Martin! Susunduin niya ako, hindi pa din kami nakakapag-usap simula kahapon, kahit text wala. Galit pa din siya sa akin.

3:00pm pa lang kaya may oras pa akong mag-ayos. Teka, asan ba si Marga?

Marga’s POV

“A.yo.ko” sabi ko kay Tito Paolo.

[Come on Marga. Don’t tell me hindi ka pa nakakapagmove on?]-Tito Paolo.

“Kadiri ka Tito Paolo! And the way na sabihin mo ang salitang move on parang bading! Basta ayoko!”

[Haha! Look, hindi mo naman siya makikita kung hindi mo siya hahanapin dun sa party mamaya]-Tito Paolo.

“Hindi ko nga siya hahanapin pero siya ang maghahanap sa akin edi nonsense din! ikaw na lang tsaka si Clarence at Martin ang isama mo. Mas gusto ko pang matulog dito sa bahay!”

[No, whether you like it or not you’ll come with us. Sumabay ka kina Clarence. bye] then he ended the call. Ugh! Ginamit na naman niya ang pagiging bossy niya!

That Aaron, bakit kasi isa pa siya sa top businessmen dito at ayan tuloy invited din siya! Ayaw ko na siyang makita.

“Marga, may ginagawa ka ba?”out of nowhere na tanong sa akin ni Clarence.

“Wala. Bakit?”-ako.

“Samahan mo kong bumili sa mall ng damit, may party akong pupuntahan mamaya eh”-Clarence.

“Ilang taon ka na ba at hindi ka pa marunong pumunta sa mall ng mag-isa?”-ako.

“Eh bakit ang sungit mo? Kung ayaw mo edi wag, dami pang sinasabi”-Clarence.

“Wait lang! hintayin mo ko sa baba. Kainis kayo!” padabog akong pumasok ng banyo. Mga istorbo talaga!

Clarence’s POV

Anong problema ni Marga? Bakit kanina pa sa bahay ang sungit sungit neto? Yung mga nakakasalubong namin umiiwas sa kaniya eh. Napapalibutan siya ng dark aura.

Natapos na kaming makapamili, 5:00pm na. habang naglalakad, may nakita akong magandang tie. Hmmm, naka suit kaya mamaya si Martin? Maganda siguro kung bilhan ko siya nito, peace offering na din.  Gray yung binili ko para maganda.

Ng makarating kami sa bahay nag-ayos na ako ng sarili ko.

6:00pm

Beep Beep

Si Martin andiyan na! kinuha ko yung gift ko sa kaniya saka nilagay sa pouch ko. Paglabas ko ng kwarto saktong lumabas din si Marga.

Pagkalabas namin ng bahay.

“Wow” bulong ko ng makita ko si Martin, ang gwapo niya.

He’s wearing black suit at ang neat niyang tignan!

“Clarence tara na! malelate pa tayo niyan eh!” sigaw sa akin ni Marga, tumingin ako kay Martin pero nag-iwas din siya kaagad ng tingin sa akin. Galit pa din siya.

Nasa byahe na kami at walang salitang namamagitan sa aming tatlo. Katabi ko si Martin pero parang ang layo niya sa akin, si Marga naman tahimik lang din na parang hindi mapakali. Nakarating na kami sa Villa at madami ng tao, sinalubong kami ni Tito Paolo.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Where stories live. Discover now