Andrei’s POV
Ano kayang meron? Bakit parang ang weird ni Mahal ngayon?
And to the point na kausapin niya si Tito Paolo na parang nag-iimbestiga. Grabe. Babalik pa kaya sila? Teka nga, habulin ko sila.
“Andrei?” lumingon ako sa tumawag sa akin.
“Oh Anjo! Ikaw pala, dito ka nagtatrabaho?” naka uniform siyang pang waiter. Lumapit siya sa akin.
“Oo. Ikaw, anong ginagawa mo dito?”-Anjo.
“Uh, sinamahan ko lang yung boss ko and nakipagkita na din ako kay Clarence.” tumango tango siya.
“Ganun ba, sayang hindi ko nakita si Clarence. namimiss ko na din yun eh”-Anjo.
Sinamaan ko siya ng tingin. Siya naman tumawa.
“Hahaha. Wag kang mag-alala wala akong gusto sa kapatid mo. Aalis ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Titignan ko lang kung nasa labas pa sila Clarence, nag-uusap kasi sila nung boss ko.”
“O sige, pakikamusta mo na lang ako sa kaniya ha? Pakisabi naman na dumalaw kayo minsan sa bahay. Namimiss na din kasi siya ni nanay eh” tinapik ko na lang siya sa balikat saka lumabas ng restaurant pero wala na sila. Saan kaya sila nagpunta? doon ko lang din napansin na wala na yung kotse ni Mr. Samonte, wow. Iniwan ako dito -______________-
Nagpara na lang ako ng taxi. Iniwan ko yung kotse ko sa opisina kasi sinundo ako ni Mr. Samonte, tinext ko na lang si Mahal.
Ng makarating ako sa bahay agad akong nagpunta ng kwarto ko. Nakakapagod na araw, hihiga muna ako. Hintayin kong umuwi si Mahal.
Ilalagay ko sana yung cellphone ko sa may side drawer ko ng makita ko yung frame na nakasabit sa dingding dito sa kwarto.
YOU ARE READING
Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]
Teen FictionI just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KUYA?" Story of Clarence Valdez and Andrei Valdez Sabi nila, ang maINLOVE ang pinakamasarap na feeling sa mundo. Pero paano pag INLOVE ka nga...