Clarence’s POV
“Ano ba yan Miss! Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!”
“Peste naman!”
“Baliw na ata?”
Wala akong pakielam sa mga tao …
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Ang anak ko…
Nawala siya ng hindi ko man lang alam. Hindi ko man lang siya naprotektahan.
Ng marinig ko ang sinabi nung doktor, agad akong umalis sa hospital kahit nanghihina ako. Si Martin, hindi ko pinaalam sa kaniya.
Ang gusto ko ngayon tumakas!! Tumakas sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sa mga taong nanakit sa akin.
Si Kuya ..
Napaupo ako sa kalsada. Nanlalabo na yung paningin ko at sobrang sakit na ng puso ko. Siya dapat ang kasama ko eh, siya dapat magtatanggol sa akin at higit sa lahat .. ako dapat ang pinili niya.
Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao? Na nabuntis ako ng sarili kong kapatid?! Nakakadiri!!
Tama .. dapat lumayo na ako dito. Ayoko na eh, sobrang sakit na …
“Clarence!!!” hinanap ko kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Martin ..
Isa pa siya .. alam kong ang dami na niyang nagawa para sa akin kahit sa sandaling panahon na nagkasama kami .
Pero ibang tao pa din siya, at hindi maiwasang may sabihing masama tungkol sa akin pag nalaman niya yung naging kalagayan ko.
YOU ARE READING
Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]
Teen FictionI just changed the title to avoid confusion with other stories having the same title. This is "I LOVE YOU, KUYA?" Story of Clarence Valdez and Andrei Valdez Sabi nila, ang maINLOVE ang pinakamasarap na feeling sa mundo. Pero paano pag INLOVE ka nga...