Chapter 44-The Other Woman-Sheena Raphaela.

10.5K 152 109
                                    

Clarence's POV


"Good Morning Mahal" yan! yan ang bubungad sa akin pagkagising ko. Magkatabi kaming natulog ni Mahal.

"Good Morning Mahal" niyakap ko siya ng mahigpit, andito na nga siya at hindi na ito panaginip.

"How's your sleep? Tulo laway ka pa oh. Tsk tsk hindi ka pa din nagbabago. Hahaha!" sabi niya.

"Tse! Kahit kelan hindi ako tulo laway noh, ikaw kaya diyan."-ako.

"Sus, tampo agad." niyakap niya din ako ng sobrang higpit. Walang namagitang salita sa aming dalawa. Yung feeling na, sapat ng magkayakap kami para mapunan lahat ng panahong nawala sa amin? Daig ko pa ang nanalo sa lotto eh! 

Tok tok

Bago pa kami bumangon ni Mahal bumukas na yung pintuan at sumilip na sa amin si Marga.

"Hey lovebirds, wake up! The sun is up" sabay sarado ng pintuan. Natawa na lang kami ni Mahal saka bumangon para mag-ayos ng sarili. Nakakahiya naman sa pag-english ni Marga eh. 

"Hello baby Clyde. How are you?" natawa ako sa sinabi ni Mahal, binuhat niya kasi si Baby Clyde na parang totoong baby.

"Hay nako, nagtatampo yan sayo kaya hindi nagsasalita."-ako.

"Pag nagsalita to paunahang lumabas ng bahay! hahahaha!" napangiti ako. Ang sarap pakinggan ng tawa niya, pati tignan ng mukha niya. Sobra ko siyang namiss eh!

"Uh. Excuse me? Ihahanda ko na po ba ang pagkain niyo mga amo?!" sabi ni Marga na nakapamewang pa.

"Sure Perlita. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ang lakas ng trip ni Mahal! Hala ka! Perlita!? Sino yun?!

"Perlita?! Eew! Gross! Who's that? Pangalan pa lang ang baho na!"-Marga.

"2013 Version ni Bakekang. Hahaha! Peace Marga. Tara let's eat!" nauna ng pumunta ng kusina si Andrei.

"What's happening to him? Epekto ng pagtulog ng 2 years? Tsk tsk" sabi niya sabay akyat sa taas. Kawawa naman si Marga hahaha! Ang kulit ni Mahal, jusme lang. Pagkatapos kumain nag-aya si Mahal na mag mall kasi namiss niya daw tong gawin.

"Kelan ka pala nagising Mahal?" tanong ko habang naglalakad lakad kami.

"Hmm? Siguro mga 3 weeks bago kami umuwi dito nagising na ako."-Andrei.

"Oh?! Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin?"-ako.

"Sabi kasi ni .. ni Dad magpahinga muna ako and isurprise kita pag-uwi ko. Ayun "-Andrei.

"Kala ko nakahanap ka na ng iba kaya nakalimutan mo ng umuwi dito." eh? bakit bigla siyang nag-iwas ng tingin?

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Where stories live. Discover now