Ang Bio Student

642 77 31
                                    


Minsan, sa dying moments mo, parang nagpa-flashback sa iyo ang mga nangyari sa buong buhay mo . . . mula pagkabata hanggang sa masasakit na nangyari sa buhay mo . . . hanggang sa masasaya . . . tapos sa mga huling minuto bago mo maramdaman ang sakit na . . . sa sobrang sakit, wala ka na halos maramdaman, bigla mo na lang maiisip ang lahat ng gusto mo pang mangyari sana sa buhay mo . . .

Bwakanang ina, ang sakit talaga ng balakang ko.

Nakangiwi akong bumangon. Nasa madilim akong lugar. Hindi naman sobrang dilim, wala lang masyadong nakabukas na ilaw. Himas-himas ko ang balakang kong hindi ko alam kung hinampas pa 'ko ng paddle o sinalubong ng malaking palanggana.

Kusot-kusot ko ang ilong nang mag-ikot sa loob ng bahay o kuwarto o unit na 'yon. Amoy mabangong malamig na tubig, na amoy menthol, na amoy rubbing alcohol, na biglang naging amoy iodine, na biglang naming amoy bagong biling benda.

Ang daming gamit sa loob pero hindi ko alam kung masasabi kong makalat. Parang mas makalat yata unit ko rito.

Ang daming libro sa sahig, sa mga mesa, sa mga gilid na mga box, sa . . . buong unit, ang dami. Saka mga papel . . . saka folders . . . saka ang daming box na maninipis.

Kaninong unit 'to? Parang hindi naman ganito kamukhang junk shop ang unit ni Tonying.

Sa dulo, may nakita akong maliit na kitchen. May personal ref pa nga! Mayaman siguro may-ari nitong unit. May pambayad ng koryente para sa ref.

Sinilip ko agad ang loob at niyakap agad ako ng lamig pagbukas ko.

"Lamiiig . . ." Nakapikit pa akong kinampay-kampay ang kamay para palapitin sa akin ang lamig.

Tiningnan ko pa ang laman. May leftover pizza roon, tatlong slice, nasa pinilas na parte ng box kaya walang takip. Meron pang mga limang pirasong chicken wings. Tinusok ko ang isa kung gaano na ba kalamig.

Malamig pero hindi naman nagyeyelo. Dinampot ko ang isa at kinagatan.

"Garlic pa, puta. Hindi man lang ginawang sweet and sour," reklamo ko habang nginunguya ang malamig na manok.

"Aaahh!"

"Aaaahh!"

Biglang bumukas ang ilaw, napatayo ako nang deretso, napatingin sa pinanggalingan ko, nakita ang lalaking nakasando at pantalon sa may pintuan na tumitili kaya napatili rin ako.

"You're supposed to be dead!" sigaw niya, dinuduro ako.

"You're—" Dinuro ko rin siya pero hindi ko naman ang sasabihin ko. "Sino ka?"

"Why are you eating my chicken?" nanghuhusgang tanong niya habang dahan-dahang naglalakad palapit sa akin.

Napatingin ako sa hawak kong manok at marahang nilunok ang ebidensiyang nasa loob ng bibig ko. "Wala akong kinakain," biglang sabi ko.

"Liar."

"Panis na yung manok!"

"Kanina ko lang 'yan binili! Liar!"

Sino ba 'tong gagong 'to? Saka kanya ba 'tong unit?

Teka, parang pamilyar ang mukha nito. Saan ko ba 'to nakita?

"Why did you eat my chicken?" tanong niya at kinuha pa ang meter stick na nakatusok doon sa gilid ng mga libro.

"Why am I here?" tanong ko rin sa kanya. "Kini-kidnap mo ba 'ko?"

"Wala akong kini-kidnap! Hindi ako nanghihingi ng ransom!" depensa niya.

"E, bakit nga ako nandito? Lugar mo ba 'to?"

The Better HalfWhere stories live. Discover now