The Other Half

751 105 35
                                    


Consistency.

Mahirap i-keep ng consistency para sa karamihan kasi madalas sa madalas, nakakasawa rin na paulit-ulit mong gagawin ang isang bagay na araw-araw mo namang ginagawa.

Pero siguro nga, sa ibang tao, kapag doon lang nakatuon ang focus nila, hindi na nila napapansin 'yon na paulit-ulit lang kasi nagiging muscle memory na lang nila na gawin 'yon araw-araw.

Two years mahigit na kaming magkakilala ni Ferdz, at hindi nga naman talaga normal ang unang meeting namin. Muntik na kasi niya akong patayin. Kapag nire-recall ko 'yon habang nakatitig ako sa kanya ngayon, napapaisip din ako kung seryoso ba kami sa gagawin namin.

"Ang lamig pala rito," sabi niya, kinakabahan.

Pinaupo muna kami ng judge habang naghihintay matapos sa pinaka-certificate na pipirmahan daw namin mamaya. May dalawang witness kaming nahatak dito sa opisina ng judge. Yung dalawang barkada ni Ferdz na reklamador, si Pedrico at si Carlota na kagagaling lang sa cashier para magbayad sa yearbook.

Pare-pareho kaming naka-maong na pantalon, mga naka-blouse lang, at hindi pa sigurado kung palalakarin sa stage sa susunod na linggo para sa graduation.

21 years old, at wala ito sa kahit anong plano ko.

Bumili si Ferdz ng singsing doon sa nag-aalahas at nag-aayos ng relo. Medyo mahal kasi tunay na ginto naman, pero ayos lang sa kanya kasi may pera nga naman daw siya.

Maliit lang naman ang opisina ng judge pero nalalakihan ako kasi ang kaunti lang namin sa loob.

Pinatayo kami sa harap ng mesa niya, nakatingin lang ako kay Ferdz na nakangiti sa akin.

Tinatanong ko ang sarili ko: pakakasalan ko ba talaga ang lalaking 'to?

Kinakalkal ko sa utak ko kung mahal ko ba siya, o nararamdaman ko bang baka may gusto lang siyang mangyari kaya kami nandito sa sitwasyong 'to?

Pero lumipas ang dalawang taon na hanggang akbay at hawak sa ulo ko lang ang nagawa niya. Yayakapin lang niya ako tuwing may espesyal na okasyon. Kung matulog man kaming dalawa, ang laki ng pagitan para hindi kami magdikit.

Hindi ko maisip kung paano ba dapat inaasawa ang isang tao, pero habang nakatingin ako kay Ferdz, sinasabi na lang ng utak ko . . . bahala na.

Ang daming sinabi ng judge nang mag-umpisa na. Hawak-hawak ni Ferdz ang kamay ko kasi utos din ng judge. Pareho pa kaming nanginginig at nanlalamig ang mga kamay, halatang kinakabahan.

"I, Fernando Mendoza . . ." sabi niya, natatawa pa.

"Take you, Maria Sophia Divinagracia," sabi ng judge.

"Take you, Maria Sophia Divinagracia," ulit ni Ferdz.

"To be my lawfully wedded wife . . ."

Natatawa ako sa ginagawa namin.

"To have and to hold . . ."

Hindi pa ako nagpaalam nito kay Daddy.

"From this day forward . . ."

Kahit si Ferdz, natatawa na rin.

"For better, for worse, for richer, for poorer . . ."

Hindi pa nga pala ako technically graduate ng college.

"In sickness and in health, until death does us part."

Pagkasuot niya ng singsing sa daliri ko, pakiramdam ko, kailangan ko nang seryosohin ang buhay ko.

Pinaulit lang sa akin ang mga sinabi niya pero mas malakas ang kaba ko. Noong natapos ang vow ko, nag-alala pa ako kasi may "you may know kiss the bride" pang gagawin. Hindi pa ako nahahalikan ng kahit na sino.

Kaya noong sinabi 'yon ng judge, todo pikit ako. Pero sa pisngi lang ako hinalikan ni Ferdz saka sa noo.

Pagkatapos naming pumirma sa kontrata na ilalakad daw ng judge tapos babalikan namin next week, kumuha ng dalawang picture na kasama sa package na babayaran na makukuha rin next week.

Lumabas kami ni Ferdz ng opisina ng judge na may obligasyong ilibre ng pagkain ang dalawa naming witness.

"Buti pa sa wedding booth, may pa-belo," parinig ni Carlota. "Hoy, gusto ko ng fries!"

"Tara doon sa canteen," aya ni Ferdz sa dalawang kasama namin.

At gaya ng nakasanayan, takip-takip lang niya ng towel ang ulo ko kasi tirik na talaga ang araw at wala kaming payong.

Gusto kong isipin na ikinasal na kaming dalawa—kahit pa para lang kaming pumasok sa opisina ng dean at kinausap para sa isang short activity na medyo may pa-pray over nang kaunti.

Habang nakatingin ako kay Fernando, iniisip ko na . . . may plano ako kasama ng taong ito. Pagka-graduate namin ng college, papasok siya ng med school, papasok ako ng law school. Kukuha siya ng apartment, doon kami titirang dalawa, mag-a-adjust kami sa oras ng isa't isa hanggang maka-graduate sa napili naming field. Tapos gagawin na namin ang matagal na naming plano. Pupunta ako ng probinsiya para tumulong sa mga may-ari ng lupa roon na walang pambayad ng abogado. Siya naman, magme-medical mission sa mga liblib na lugar.

Tinitingnan ko ang wedding ring ko. Siya ang plano na wala sa plano. Pero sa lahat ng hindi naman planado, siya ang pinakamagandang nag-work sa mga plano ko.

• • •


"Mami, kinakabahan ako."

"Kasama mo naman kami ng daddy mo, anak. Doon lang kami sa likod mo, ha?"

Napapangiti na lang ako habang inaayos ang bowtie ng anak ko. Kamukhang-kamukha niya ang daddy niya noong kabataan pa.

"Baka kapag nabulol ako sa vow ko, pagalitan ako ni Tita Tess."

"Huwag mo nang tawaging tita si Tessa, pagagalitan ka n'on. Magiging mama mo na rin 'yon."

"Hala, Mami, kinakabahan talaga 'ko, e."

"Huwag kang mag-alala, anak, ha? Saglit lang naman 'to."

Hindi man ganito kaengrande ang kasal namin ni Fernando, pero gusto kong maibigay kay Clark ang kasal na inaasahan namin ng daddy niya para sa kanya.

32 years. Iniisip kong posible ba na kung paano mo nakilala ang isang tao noong unang linggo ninyong magkasama, after 32 years, ganoon mo pa rin siya makakasama?

"Dadi, kinakabahan ako," sumbong ni Clark sa daddy niya.

"Hahaha! Kaya mo 'yan, anak. Nanonood si Tessa, pagagalitan ka niyan."

"Dadiiii!"

Tawa lang nang tawa si Fernando habang inaasar ang anak niyang nasa may pintuan ng simbahan.

Itong dalawang 'to talaga.

Mahina kong hinampas ang braso ni Ferdz para tigilan si Clark. "Parang hindi ka ganyan noong ikinasal tayo."

"Hindi naman talaga," sagot pa niya. "Clark, dito ka na. Magsisimula na."

Sa dami ng tao rito sa simbahan, nakatutok lang ang tingin ko sa mag-ama kong nag-aasaran.

Minsan, may mga planong hindi naman nangyayari, at may mga nangyayaring hindi naman pinaplano. Pero kung babalik man ako sa mga nangyari 36 years ago, ipinagpapasalamat ko talaga sa second-year-college self ko na hindi ko ipinakulong si Fernando.



The end


The Better HalfWhere stories live. Discover now