Chapter 3

4.3K 570 138
                                    

Ilang ulit nang tumanggi si Ruthie sa pangungumbinsi sa kanya ng kanilang guro na sumali siya ng Ms. Santa Catalina College at maging kinatawan ng mga estudyanteng nasa unang taon sa kolehiyo.

She didn't have the littlest of desire to join any beauty contests. Sapat na sa kanya na matataas ang markang nakukuha niya sa lahat ng kanilang mga asignatura.

"Paano ko ba mababago ang kapasyahan mo, Ruthie?" tanong sa kanya ni Ginang Florentino, ang kanilang guro. Pagkatapos ng klase kanina ay sinabihan siya nitong magpaiwan muna at kakausapin siya.

"Pasensya na po, Ginang Florentino, subalit wala talaga akong hilig sa mga ganiyan. Kahit ho sa hinagap ay hindi ko pinangarap na sumali sa mga patimpalak ng kagandahan. Marami naman hong iba riyan."

Pinisil nito ang mga kamay niya. "Ikaw ang napipisil ng lahat, Ruthie. Maganda ka, matalino, at kapuri-puri ang pagdadala mo sa iyong sarili."

Napabuntong-hininga siya. Kung totoong maganda siya ay bakit hindi siya matignan ni Luther katulad ng kung paano nito tignan si Anemone?

"P-pag-iisipan ko po."

"Sige, Ruthie, sana ay maging pabor sa lahat ang desisyon mo." Nagpaalam na si Ginang Florentino at naiwan siyang mag-isa sa loob ng silid. Tumayo siya at lumapit sa malaking bintana, tumanghod sa mga estudyanteng naglalakad sa ibaba.

"Ruthie, ikaw ba iyan? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Napatuwid ang likod ni Ruthie nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. A voice so gentle but sexy at the same time. The warm vibration in his deep masculine voice made her skin tingle with desire. "Luther?" sambit niya sa pangalan ng binata, sabay lingon dito. Nakatayo ito sa pintuan, nakatitig sa kanya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Mag-a-alas seis na. Kanina pa lumabas si Anemone. Hindi ko siya naihatid sa Villa dahil may tinapos pa akong proyekto."

Tumanaw siya sa kalangitan. Papadilim na nga. Hindi na niya namalayan ang pagdaan ng oras. Tumingin siya sa binata at nginitian ito. "Uuwi na rin ako."

"Sumabay ka na sa akin."

"H-hindi na." Dahil alam niyang mahihirapan siyang huminga nang maayos kung sasama siya rito. Ngayon pa nga lang ay nagririgodon na ang dibdib niya.

Nagulat na lang siya nang hawakan ni Luther ang kamay niya. "Ngayon ka pa ba mahihiya sa akin? Parang kapatid na ang turing ko sa iyo dahil ikaw ang pinakamatalik na kaibigan ni Anemone."

Kapatid...

Nagsikip ang dibdib niya. Gusto niyang iwasiwas ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Bakit kapatid lang ang tingin nito sa kanya? Bakit hindi siya nito makita bilang isang babaeng puwedeng mahalin?

"May bumabagabag ba sa iyo? May malalim ka yatang iniisip?"

Umiling siya. Hindi naman niya puwedeng ikumpisal na ito mismo ang laman ng isipan niya. Would he hate her if he knew that she was hopelessly in love with him? Lalayuan ba siya nito?

"Iniisip ko lang kung sasali ako ng Ms. SCC. Hinihimok kasi ako ni Ginang Florentino na sumali," pagsisinungaling niya.

Tumingin sa kanya si Luther at ngumiti ito. "Sumali ka. Ano ba ang pumipigil sa iyo?"

Her heart missed a beat when he smiled at her. Bakit ganoon ito? Bakit napakabait nito sa kanya? Mas madali sanang ibaon sa limot ang damdamin niya para rito kung hindi maganda ang pakikitungo nito sa kanya. But Luther was always kind. He was always polite. His inviting scent had always soothed her senses.

Hindi niya namalayang napapapikit na pala siya at napahinto sa paglalakad.

"Ruthie?"

Napamulat siya at gilalas sa sarili nang makitang nakatingin sa kanya si Luther. Nakakunot ang noo nito at tila nagtataka kung ano ba ang ginagawa niya.

THE CEO'S REJECTED LOVER (Preview)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang