Chapter 5

4.5K 629 177
                                    

Santa Catalina College Sports Fest.

Mag-isang naglalakad si Ruthie, tinatahak ang daan palabas ng SCC. Nakasukbit sa isang balikat niya ang kanyang bag at kipkip niya sa isang kamay ang mga librong hiniram niya sa library. Maaga siyang uuwi dahil wala naman na siyang gagawin sa eskuwelahan nang araw na iyon. Nasa main gate na siya nang makasalubong niya si Anemone na papasok palang. Ang akala niya ay mas nauna pa itong umuwi sa kanya.

"Anemone? May nakalimutan ka?"

Umiling ito. "Wala. Bumalik talaga ako. Ngayon ang basketball competition, hindi ba? Samahan mo ako. Panoorin natin si Luther."

Awtomatiko ang paglukso ng puso niya nang sambitin ng kaibigan ang pangalan ng binata. Magalang siyang tumanggi sa imbitasyon nito. Bakit niya ito panonoorin? Para lalo lang lumalim ang paghanga niya para rito? Luther was not an ordinary member of the basketball team; he was the star player. Ang kuwento nga sa kanya ng ibang estudyante ay kada taon nagkukumpulan ang mga kadalagahan sa coliseum para lang makita ito.

"Hay, ano ka ba? Kaibigan natin si Luther. Tayo ang pinakamalapit sa kanya, kaya kailangan ay suportahan natin siya."

"Marami naman nang nagbibigay ng suporta sa kanya, at nandiyan ka naman, hindi na ako kailangan d'un."

Pinukol siya ng nagsususpetsang tingin ni Anemone. Naasiwa siya at nag-iwas ng tingin.

"Tapatin mo nga ako, Ruthie, nag-away ba kayo ni Luther?"

"H-ha? Hindi, ah!"

Tumaas ang kilay nito. "Kung hindi kayo nag-away, bakit pakiramdam ko ay iniiwasan mo siya?"

Napahugot siya ng hangin at mariing nakagat ang ibabang labi. Alam niyang hindi siya titigilan ni Anemone hanggang hindi siya sumasama rito. Bago pa ito makabuo ng kung anu-anong konklusyon ay tumango na siya. "Sige na, sasama na ako matahimik ka lang."

Matamis itong ngumiti at hinawakan siya sa kamay saka hinatak patungong coliseum.

Napansin niya agad ang mga nagtitilihang kababaehan kay Luther. Dumako sa binata ang tingin niya at napailing siya nang makitang wala itong pakialam sa atensyong ibinubuhos dito ng mga tao. His eyes never left the ball, and his mind was fixed on one thing—winning the game.

"Dito tayo, Ruthie," tawag sa kanya ni Anemone. Naupo sila sa pinakaunang hanay sa gilid ng court. Inireserba na marahil ni Luther para sa kanila ang puwestong iyon.

Tahimik siyang naupo at pinagmasdan si Luther habang naglalaro ito sa gitna ng court. He really was a star player. He held and dribbled the ball with admirable grace. Her gaze fell onto his hands. They were huge and fair and the veins that ran at the back of his hands to his forearms looked really sexy and very masculine. Paano kaya kung humaplos ang mga kamay na iyon sa katawan niya?

Namilog ang kanyang mga mata sa naisip. Ipinilig niya ang ulo.

Pagkatapos ng basketball game ay in-anunsyong panalo ang grupo nila Luther. Agad na nagsilapitan dito ang mga estudyanteng babae, umaasang makukuha ang interes ng binata. Luther only smiled politely to each one of them. May mga nag-abot pa ng regalo rito na magalang na nitong tinanggihan.

Napabuntong-hininga siya at bumaling sa katabi. "Ane, mauuna na ako, baka hinahanap na ako sa bahay."

"Tinawagan ko na kanina si Tiyo Rodante. Ipinagpaalam na kita. Kakain tayo sa labas, libre ni Luther."

Wala siyang maapuhap sabihin. Pinag-iisipan palang niya kung ano ang idadahilan para huwag siyang mapilitang sumama sa mga ito, subalit nakalapit na agad si Luther sa tabi niya.

"Let's go?" Nakangiti ito sa kanila ni Anemone. Nakabihis na rin ito at sukbit na sa balikat ang gym bag.

"Ano kasi, uhm—"

THE CEO'S REJECTED LOVER (Preview)Where stories live. Discover now