Chapter 6

4.5K 617 168
                                    

"Nag-away ba kayo ni Ruthie?" tanong ni Anemone kay Luther.

Napahinto sa paghakbang ang binata dahil sa tanong na iyon. Kalalabas lang nila ng SCC at nasa tapat palang ng gate. Bumaling siya sa katabi at tinitigan ito. "Mukha ba kaming hindi magkasundo?"

Kumunot ang noo ni Anemone. "Hindi mo itinanggi, Teryo, ibig sabihin ay nag-away nga kayo. Ano'ng nangyari?"

Tuluyan nang pumihit paharap sa kanya ang dalaga. Naniningkit ang mga mata nito sa kanya na wari'y nagsasabi na huwag na huwag niyang susubukang magsinungaling.

"We had a small argument, that's all. Magkakaayos din kami."

"Makikipag-ayos ka sa kanya," pagtatama ni Ane.

He forced a sluggish smile on his face, then nodded his head. "Of course, if that's what you want."

Napabuntong-hininga ang dalaga. "Tayong tatlo na nga lang ang madalas magkasama, pagkatapos ay magkakasamaan pa kayo ng loob, hindi puwede iyon. Ano ba kasi ang pinag-awayan n'yo talaga?"

Tinitigan niya ang kababata. Anemone was so pure and innocent, and he wanted nothing more in this life than to make this woman his. Mula pagkabata ay pinangarap na niyang makasama habambuhay si Aneng. Inaasam niyang buksan nito ang puso sa kanya.

Of course, he wasn't unaware of the fact that there're several women who wanted to get his attention. Minsan ay may mga numerong hindi naka-rehistro sa contact list niya na bigla na lamang tumatawag sa kanya. May mga pagkakataon din na nakakatanggap siya ng regalo, na madalas ay magalang niyang tinatanggihan. Because he didn't want them to waste their money, time, and effort on him, especially that he would never feel anything for them. In his heart, there's only one woman.

At ang dalagang iniingatan niya sa kanyang puso ay nasa harapan niya ngayon at inuutusan siyang makipag-ayos sa kaibigan nito. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat, maamo ang mga titig niya rito at may pagsuyo nang magsalita, "Ane, kung ano man ang pinag-awayan namin ni Ruthie, sa amin na lang iyon at aayusin namin iyong dalawa. Kaya huwag ka nang mag-alala." He gently pinched the tip of her nose then smiled warmly at her.

Nasa ganoon silang ayos ng kababata nang sa gilid ng kanyang mga mata ay nahagip niya ang isang pigura. Sabay pa silang napalingon ni Anemone sa pigurang iyon. Nakatayo ito ilang hakbang mula sa kinaroroonan nila at tila napako na sa kinatatayuan.

"Ruthie!" magiliw na sambit ni Ane.

Alanganing ngumiti ang dalaga, hindi rin ito nangahas na tapunan siya ng tingin. Ginawa nito ang lahat para lang maiiwas ang mga mata sa kanya. That somehow drew out a negative emotion in him. He couldn't tell if he was annoyed or displeased by her determination to not glance at his direction.

"Saan ka ba nagsususuot nitong huling mga araw? Hindi ka na namin nakakasamang kumain sa cafeteria. Hindi ka na rin namin nakakasama sa pag-uwi. Pinagtataguan mo yata kami, eh?"

Sa kabila ng pagngiti ni Ruthie ay malinaw niyang nababasa ang pagkaasiwa nito, at hindi nakaligtas sa kanya ang paghigpit ng hawak nito sa dalang paper bag. "Bakit ko naman kayo pagtataguan?"

"Huwag ka nang magkaila, Ruthie, sinabi na ni Luther."

Sa sinabing iyon ni Anemone ay marahas na napatingin sa kanya ang dalaga. May pagkataranta sa mga mata nito. "A-ano'ng sinabi niya sa iyo?" tanong nito kay Ane kapagkuwan.

"Na nag-away nga raw kayo. Pero ayaw naman sabihin kung ano ang eksaktong dahilan ng pinag-awayan n'yo."

Kitang-kita niya ang pagbuga ng hangin ni Ruthie na tila nakahinga ito nang maayos. Ano ba ang iniisip nitong sinabi niya kay Anemone? Ang tungkol sa pagtatapat nito ng damdamin sa kanya? Hinding-hindi niya ipapaalam kay Anemone iyon. Kilala niya ang kababata. Alam niyang oras na malaman nitong may pagtingin si Ruthie sa kanya ay gagawin nito ang lahat upang mapalapit sila sa isa't isa.

THE CEO'S REJECTED LOVER (Preview)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora