Chapter Twenty Two

18 0 0
                                    

Tamang-tama ang timing dahil nakaramdam na talaga ng gutom si Martina mga tatlumpung minuto na ang nakalipas. Bigla rin siyang nakaramdam ng pagkasabik nang maamoy niya ang bagong lutong ulam na ihahain ni Randell. "Sa amoy pa lang nito, kuntento na ako at feeling ko mabubusog ako kaagad."

"Talaga? Pero alam mo? Hindi maibsan ng amoy ang gutom kaya't ikinalulugod kong ihain sa iyo ang paborito mong ulam," kumpiyansang mga salita ang namutawi sa bibig ni Randell. Maingat niyang inilagay ang bawat pinggan sa mesa. Namangha siya kung paano pinahahalagahan ni Martina ang kanyang mga pagsisikap sa ngayon.

"Napaka-metikuloso ko pa naman kapag hinuhusgahan ko ang lasa ng pagkain." Humalakhak si Martina habang kumukuha ng kutsara't tinidor.

Agad siyang kumagat sa ulam. "Masarap ang lasa. Para akong kumakain sa isang high end na restaurant."

"Dati akong isang contractual kitchen staff, sa loob ng halos anim na buwan," Randell revealed.

"Wow. Mukhang nakagawa ka ng maraming kakaibang trabaho. Baka handyman ka rin," komento ni Martina habang abala pa rin sa pagkain.

"Oo. Handyman ako sa tenement namin. Gaya ng napansin mo, nag-ayos pa ako ng mga sirang gamit sa bahay mo. Ako ay isang all rounder na tao. Advantage ko na lang iyon dahil hindi naman maganda ang credentials ko." Isang mahinhin na pagtawa ang pinakawalan ni Randell. Sa totoo lang, parang karangalan tuloy sa kanya na purihin ni Martina. Akala niya noong una, puro insulto lamang ang lumalabas sa sarili nitong bibig.

"Siguradong swerte ang sinumang babae na maikasal sa isang lalaking katulad mo."

"Anong sinabi mo?" Na-curious si Randell sa sinabi ni Martina. Bigla niyang inakala na si Martina ay nagpapahiwatig ng ilang misteryosong mensahe sa likod ng mga salitang binitawan nito.

"Well— I mean uhm... Masarap ang pagkain na ito at ano ang nasabi ko? Nevermind. Wala lang 'yon." Nagkunwari si Martina na nabulunan siya dahil sa kinakain niya. Bigla siyang kumuha ng isang basong tubig.

"Sinabi mo lang naman na sinumang babae ay magiging mapalad na pakasalan ako. Whatever, wala pa rin akong planong magpakasal. At kapag nagpasya na talaga akong magpakasal, tiyak na maniniwala ako na makakabuo ako ng isang masayang pamilya. I would ensure that I'm marrying the right person," malinaw na paliwanag ni Randell nang buong katapatan.

"Sana matupad ang mga pangarap mo, balang araw." Isang ngiti ang ipininta ni Martina sa kanyang mukha.

"At sana matupad din ang mga pangarap mo, kung anuman iyon." Ngumiti si Randell pabalik sa kanya.

Pagkatapos nilang matapos ang hapunan, nagpasya si Randell na bumalik sa kanyang silid. Sinundan pa rin siya ni Martina. Bumalik ang tingin ni Randell sa kanya. "Martina, matutulog na ako. Sana ay nag-enjoy ka sa hapunan."

"Oo. Next time ipagluto mo kami. For sure matutuwa si lola," sagot ni Martina sabay ngiti na abot tainga.

"By the way, bakit mo pala ako sinusundan?" tanong ni Randell.

"Hindi, hindi kita sinusundan," tanggi ni Martina. Sa totoo lang, hindi niya alam na hindi niya sinasadyang sumunod kay Randell. Parang hindi niya kayang mawala siya sa paningin nito. Kakaiba ang pakiramdam niya para sa binata. Na para siyang nahipnotismo.

"Pupunta na rin ako sa kwarto ko. Nawala ako sa focus. Dahil sa pag-aalala sayo." Sa wakas ay inamin na niya ang tunay niyang nararamdaman.

"Sinabi ko naman sa'yo na ayos lang talaga ako. Good night and don't stress yourself tomorrow," sabi ni Randell bago isinara ang pinto.

"Sige." Naiwan si Martina sa likod ng mga pinto na nakabuka ang bibig. Naguguluhan pa rin siya sa sarili niyang mga kilos na hindi niya sanay.

Hanggang sa makarating siya sa kanyang silid, hindi pa rin niya maalis sa isip niya si Randell—kung paano ito naging sinsero sa bawat salita nito—kung paano ito naging eye candy sa kanya sa tuwing ngumingiti ito. Na bawat sulyap na ipinagpapalit nila sa isa't isa ay para siyang niyayanig. Lahat ng tungkol kay Randell ay umaantig sa kanyang puso at kaluluwa. Alam niyang gano'n din ang pakiramdam ng maakit sa isang lalaki sa unang pagkakataon. Ang parehong pakiramdam na nagpasakit sa kanya kaya ayaw na niyang magmahal muli. Kahit papaano, naramdaman niyang nakakatakot ang sitwasyong ito para sa kanyang sarili at hangga't maaari, kailangan niyang alisin ito. Ngunit paano niya malalabanan ang hindi maikakailang sinseridad at alindog ni Randell?

Kahit nakapikit siya ay nakikita pa rin niya ang malinaw na imahe ng lalaking iniisip niya. Hindi na niya mapigilan. Paano siya makakatulog kung hindi pa rin mawala sa isip niya ang tungkol sa binata?

Kaya, nagpasya si Martina na pumunta sa kanyang maliit na opisina. Gumawa siya ng isang matatag na desisyon na dapat niyang gawin upang gambalain ang kanyang sarili sa mga iniisip ni Randell. Naisip niya talaga na ang pagiging busy ay makakatulong sa kanya na makakalimutan ang pakiramdam ng pagiging baliw sa isang lalaki na hindi pa naman niya lubos na kilala. Natatakot siya rito. Ayaw niyang mapagtaksilang muli dahil sa pag-ibig.

Huminga siya nang malalim bago magtipa sa kanyang keyboard sa mga oras na iyon.

***

Kinabukasan, pakiramdam ni Randell ay gumagaling na siya. Tiwala siya na maaari na siyang magpatuloy sa trabaho. Kumuha siya ng almusal at sumama na lamang siya kay Nanay Remmy.

"Magandang umaga. Nasaan po si Martina?" tanong niya.

"Ewan ko, siguro hindi pa siya nagigising as of now. Mag-almusal ka na lang muna at pagkatapos nito, baka kumatok ka sa kwarto niya para tingnan kung gising na siya o hindi pa. Kilala ko ang apo ko, lagi siyang nauunang gumising sa amin dahil nga morning person daw siya," paliwanag ni Nanay Remmy.

"Sige po. Titingnan ko rin kung natutulog pa siya," sagot ni Randell.

Nang matapos siyang mag-almusal ay umakyat siya sa itaas para tingnan ang kwarto ni Martina. Kumatok na siya ng tatlong beses ngunit wala siyang nakuhang tugon mula rito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at walang natutulog sa kama.

Masama ang intuition niya, baka mag-isa na naman si Martina. But still he tried to look for her in every area of their mansion. Ang huling posibleng lugar kung saan maaaring manatili si Martina ay sa kanyang opisina. Agad siyang pumunta doon. Pero bago pa siya kumatok sa pinto. Nagulat siya nang buksan ito ni Martina. Mukhang bagong gising lang siya dahil sa namumugto nitong mga mata.

"What brings you here?" tanong agad ni Martina habang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Napabuntong-hininga si Randell at niyakap na lang si Martina nang hindi nito inaasahan.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo ako niyayakap?" nagtatakang tanong niya.

Sa ngayon, hindi alam ni Randell kung ano ang isasagot sa dalaga. Pero sabi ng isip niya dapat niya itong yakapin nang mahigpit.

"Sa susunod, huwag kang pumunta sa isang lugar nang hindi nagsasabi sa akin."

"Huh?" Marahang itinulak ni Martina si Randell palayo sa kanya, ang madaling paraan para labanan ang sariling nararamdamang saya dahil sa biglaang yakap na iyon. "Wala akong pupuntahan at ipapaalam ko lang kay lola kung may mga naka-schedule akong meeting sa labas. Tsaka hindi naman ikaw ang amo ko. At isa pa, office ko ito. Natural lang na pumunta ako rito."

"Sige. Alam kong wala akong karapatang i-demand ang mga bagay na iyon. Hindi mo ako amo o boyfriend mo." Biglang sumimangot si Randell. Parang tinutusok ng matalim na kutsilyo ang puso niya.

"Pero, salamat sa pagiging concern mo sa akin. Dito lang ako nakatulog kagabi. Natapos ko na lahat ng pending requirements para sa bagong client natin," she explained. Pero sa isip niya, gustong-gusto niyang ipalagay na si Randell ay lihim na palang nagkaka-crush sa kanya.

"Narito na ako ngayon, willing na akong magtrabaho ulit dahil kaya ko na," sabi ni Randell nang buong kumpiyansa.

"Sigurado ka ba? Paano kung nahimatay ka na naman?" tanong ni Martina.

"Wala kang dapat ipag-alala. Okay?"

Isang simpleng ngiti ang tugon ni Martina sa kanya, "Sige. Dapat kang mag-overtime."

"Call ako dyan. Hindi ako magrereklamo," tugon pa ni Randell.

Naiiling na lamang si Martina habang pinagmamasdan ang binata sa working station nito. Now, parang ibang version na ni Randell ang nakikita niya. Hindi na ito nagrereklamo gaya ng dati. Ngunit nakatatak pa rin sa isip niya na dapat niyang pigilan ang namumuong feelings niya para sa binatang ito. 

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Apr 03, 2023 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Boss, Be My Wife - Filipino Ver [FINISHED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt