Chapter Eighteen

103 4 30
                                    

Malabo pa rin ang paningin ni Martina nang magising siya. Napagtanto niyang namamanhid na siya at hindi man lang makagalaw. Hindi niya rin makilala ang lugar pero alam niyang nasa isang hotel room siya ngayon.

Dahan-dahan niyang sinubukang bumangon sa kama ngunit nabigo na lang siya nang makaramdam siya ng mabigat na bigat sa ibabaw niya. Namalayan na lang niya na nasa panganib na siya.

"Jules, lumayo ka sa akin," pakiusap niya sabay hikbi Ngunit ang lalaki ay tila bingi at gumamit pa ng puwersa pagtangkaan siyang abusuhin. Tinakpan ni Jules ang bibig ni Martina habang mas lalo siyang nagiging marahas.

"Please, let go of me..." Naluluha na si Martina, nagdadasal na sana may makarinig sa kanila at makahingi siya ng tulong.

"Sorry, nanalo ako this time. Makuha na rin kita, sa wakas." Natigilan si Jules sa ginagawa niya kanina, he took a moment to glare at Martina. "I almost forgot, for sure gusto mong malaman kung bakit aware ako sa bawat detalye tungkol sayo."

"Anong pinagsasabi mo?" tanong ni Martina habang umiiyak pa rin. Lumayo na rin siya sa kama, sinusubukan pa ring makatakas.

"Ako kasi ang laging tumatawag sa'yo. Pero ang sakit sa puso ko dahil lagi mo na lang akong akong tinatanggihan," pagtatapat ni Jules saka nagpakawala ng masamang tawa.

"Ang pervert mo! How dare you do that to me!" sigaw ni Martina. Pakiramdam niya ay nawawalan na siya ng hininga at himatayin na siya sa takot.

"And I also wiretapped your phone, that's why I knew your boyfriend's number. And I'm always monitoring every move you make," dagdag ni Jules.

Walang nagawa si Martina kundi ang sumigaw kahit nanginginig na siya sa takot. "Tulong, tulong!"

"Kahit anong lakas ng sigaw mo, walang kwenta dahil soundproof ang kwartong ito. Ako rin ang may pananagutan sa pagkasira ng sasakyan mo," pag-amin ni Jules. At ngayon, hindi na siya nag-aksaya ng panahon para gawin ang plano niya para kay Martina. Inabot niya ang mga kamay niya at sinubukang halikan ito pero binato lang ni Martina ng unan ang mukha niya.

"Bakit mo ito ginagawa?" tanong ni Martina habang umiiyak.

"Siyempre, maganda ka at kaladkarin ka namang babae noon. Super easy to get ka pa. Gusto ka ng lahat!" bulalas ni Jules sa malademonyong tono. Ilang minuto ang lumipas, nakarinig sila ng malakas na tunog mula sa pinto, na parang may gumagamit ng malakas na puwersa para mabuksan ito.

At hindi nga sila nagkamali, may dumating para iligtas si Martina at hindi lang siya, may kasama siyang dalawang pulis. Ang lalaking iyon na dumating—ay si Randell.

Sa wakas, unti-unting nawawala ang takot ni Martina. Dumating ang mga pulis sa tamang oras at nasaksihan nila kung paano sinubukang halayin ni Jules si Martina, nakakuha na sila ng matibay na ebidensya laban dito. Agad na pinosasan si Jules, inihatid palabas ng hotel at diretsong dinala sa istasyon.

"Okay ka lang ba, Ms. Martina?" tanong ni Randell habang pilit na pinapakalma ang amo at hindi na umiyak.

Marahan niya itong hinawakan at binigyan ng comfort hug. "Ako ito, hindi mo na kailangang mag-alala pa."

"Salamat, Randell..." bulong ni Martina habang tumutugon sa yakap ni Randell. Nanghihina na ang katawan niya kaya naman hindi siya makatayo. Hinayaan na lang niya si Randell na buhatin siya palabas ng hotel room.

Hindi inaasahan ni Martina na mahahanap ni Randell kung nasaan siya. O baka naman dahil nag-text siya kay Nanay Remmy tungkol sa kanyang lokasyon bago siya sinubukang pagsamantalahan ni Jules.

Sa sandaling iyon, nalaman ni Martina na nagsasabi ng totoo si Nanay Remmy—na si Randell ay hindi makasarili at laging handang tumulong sa lahat. Dumating siya nang hindi inaasahan at ngayon, malaki ang utang nito sa kanya. Iniisip niya na hindi niya kayang mawalan ng empleyadong tulad nito.

Boss, Be My Wife - Filipino Ver [FINISHED]Where stories live. Discover now