Chapter Ten

85 7 22
                                    

Naging maayos naman ang meeting at biglang nakaramdam ng relief si Martina dahil kay Randell. But still, she can't ignore what happened earlier, when Randell confronted Gwendolyn inside the office building.

"By the way, pag-usapan na natin ang ginawa mo kay Ms. Gwendolyn," seryosong sabi ni Martina na nagpatigil kay Randell sa paglalakad sa loob ng hallway.

"Ano bang ginawa ko sa kanya? Pinaalala ko lang sa kanya na mas masama ang ugali niya," sagot ni Randell habang kinukusot ang mga mata. "Hinahayaan mo lang bang insultuhin ka niya dahil lang nasa teritoryo ka niya? Tulad ng ginawa mo sa akin?"

Napabuntong-hininga si Martina. "Mahalagang kliyente sa amin si Gwendolyn, kung hindi siya naging kliyente namin, malamang matagal nang na-dissolve ang accounting firm namin. Siya rin ang dahilan kung bakit mas marami kaming naging katransaksyon na ibang kompanya. Malaki ang utang na loob namin sa kanya," she explained.

"Pero sa tingin ko, sobra pa sa sapat ang ibinayad mo. Mangyari sana na huwag mong balewalain ang katotohanan na mayroon ka pa ring dignidad. Ang babaeng tulad niya ay hindi dapat kumilos nang hindi propesyonal at dahil nga kapwa babae mo rin siya, hindi ka sana niya pinagsasalitaan nang gano'n," giit pa ni Randell.

"Wala na akong magagawa ro'n. Kailangan kong tanggapin na I'm worthless at kailangan ko lang ng mas maraming oras para mag-adjust. Iyon ang dahilan kung bakit ako kinakabahan kanina. Masyado siyang mahigpit at baka magreklamo siya sa business partner ko at malamang na gagamitin niya ang nakaraan ko bilang dahilan kapag nabigo ako sa mga gawain ko sa kanya," himutok ni Martina.

Bahagya niyang ginulo ang buhok niya nang makarating sila sa parking area. "Anyway, thank you for helping me deal with her but please, itikom mo na lang ang bibig mo kapag walang humiling na magsalita ka."

Napailing si Randell dahil sa biglaang pagkadismaya. "Hindi ako matatahimik nang gano'n lang, alam kong hindi ka komportable habang sinasabi niya ang mga salitang iyon."

"Pero Randell, she's only telling the truth because we used to hop in bars before and I met some guys there na naging boyfriends ko. Kailangan ko na lang tanggapin na ang nakakahiyang nakaraan ko ay palaging susunod sa akin kahit sa propesyon ko," sagot ni Martina na may kasamang pekeng ngiti. Paandarin na sana niya ang makina ng kanyang sasakyan ngunit dahan-dahang hinawakan ni Randell ang kanyang pulso.

"Wait, Ms. Martina, bago tayo umalis sa lugar na ito may gusto lang akong sabihin sa iyo."

Bahagyang naka-arko ang noo ni Martina habang inalis ang mga kamay sa manibela. "Nagmamadali tayo, pero ano ba 'yon?"

"Hindi mahalaga ang iyong nakaraan basta't alam mo na hindi ka nananakit ng ibang tao," buong katapatan na paalala ni Randell.

Hindi alam ni Martina kung ano ang ire-react dahil madalas siyang kinakausap ni Randell pero this time, medyo nakaka-encourage ang mga salita nito. "Sabihin mo kay Nanay Remmy na hindi mo kailangan na bigyan ako ng mga nakaka-inspire na salita dahil parang hindi sinsero at parang sarcasm lang," sabi niya at nakakunot na ang noo.

"Well, hindi niya sinabi sa akin na sabihin iyon sa iyo. Sabihin na nating marami akong napanood na motivational videos dati na hindi ko mabura sa isip ko," pagsisinungaling ni Randell. Sa totoo lang, gusto lang niyang mapagaan ang tensyon ni Martina kanina at kahit hanggang ngayon ay sobrang apektado siya kapag puro nakaraan nito ang pinag-uusapan, to the point na minamaliit na nito ang sarili at halos mawalan na rin ng confidence na gampanan ang trabaho.

"Well, because of that, I think I have to treat you to lunch," napangiti si Martina.

"As you should," sang-ayon naman ni Randell.

"Grabe. Hindi ka man lang tumanggi," pabirong sambit pa ni Martina.

"Syempre. Ikaw lang naman ang may pera sa'tin."

Boss, Be My Wife - Filipino Ver [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon