Chapter Seven

66 6 14
                                    

Magiliw na pagtanggap mula kay Nanay Remmy ang natamo ni Randell, gano'n din kagiliw sa kanya ang mga kasambahay sa kanyang pagbabalik at malapit nang magsimula sa kanyang bagong trabaho bilang errand boy o isang assistant ni Martina.

"Sapat na ba ang tulog mo, anak?" tanong ni Nanay Remmy, napansin kasi niyang mukhang gising si Randell hanggang madaling araw.

"Sa totoo lang, wala pa po akong tulog dahil sa pag-aayos ng mga bagay na dinala ko rito. Dinala ko pa ang pusa ko," seryosong pag-amin ni Randell.

"Puwede po ba ang mga pusa rito? Madam?" nahihiyang tanong niya.

"Mga pusa? Nangangahulugan ba ito na pinaplano mong magdagdag ng isang pusa dito? At hindi sapat para sa iyo ang kawawang ligaw na pusa mo?"

Nagulantang ang lahat nang makita nila si Martina na may tuwid na mukha, ang karaniwang mukha na nakikita nila araw-araw. Ito ang tinatawag nilang mukha ng Semana Santa.

"Ang mga pusa o anumang uri ng hayop ay ipinagbabawal sa loob ng bahay na ito," malamig na pagkakasabi ng dalaga.

"Kung gano'n, hindi ako makakatrabaho. Hindi ko maisip na iwan ang pusa ko sa tenement na iyon, walang makakapag-alaga sa kanya tulad ng ginagawa ko," may buntong-hiningang pahayag ni Randell.

Dalawang beses umiling si Martina. "Parang hindi ka nauubusan ng palusot. First day mong magtrabaho pero ipinapakita mo ang iyong pagsuway sa iyong superior. Lahat naman ng kompanya, maliit o malaki, may sinusunod na rules."

"Pero hindi ko kayang mawalan ng pamilya, siya lang ang pamilya ko. At isa pa, hindi naman alagain ang mga pusa at hindi sila makakahadlang sa trabaho ko," protesta naman ni Randell.

Biglang nakaramdam ng kirot sa puso si Martina dahil sa salitang pamilya. She has Nanay Remmy as her family but Randell, unfortunately, has nothing aside from a stray cat. Baka may espesyal na parte na ang pusang iyon sa buhay nito at hindi na dapat panghimasukan ni Martina. Sa halip na magpakita ng kanyang pakikisimpatya, pinanatili ni Martina ang kanyang hindi nararapat na saloobin. "Pero, kaya mo bang mawalan ng trabaho?"

Napabuntong-hininga si Randell at umiling. "Bakit kailangan ko laging pumili sa pagitan ng pamilya at karera? I am pursuing a job because of my family in the first place, it's the thing that a privileged employer like you would never understand. Kasi honestly, we are working for our family and not just to help your business to grow."

"Talagang madaldal ka at lagi kang nagsisimula ng argumento na hindi ako interesado dahil kalokohan ang mga argumento sa akin," diin ni Martina at seryosong tumingin kay Randell. Napansin niyang mas gumanda ito sa suot nitong light colored polo shirt. Hindi maikakailang gwapo at maayos ang itsura ng binata.

"Mas maganda ang mga argumento dahil binibigyan tayo nito ng pagkakataong marinig ang magkabilang panig at pagkakataon din na baguhin ang mindset ng lahat," paliwanag ni Randell. "Ms. Martina, ready na ako sa trabaho."

Inilibot ni Martina ang kanyang mga mata sa buong paligid bago ibaling ang tingin kay Randell. "Sige."

Pumalakpak at nagyaya si Nanay Remmy para kay Randell.

"Good luck sa iyo, anak."

"Salamat po, nanay," kibit-balikat na tugon ni Randell.

***

"Bago tayo magsimulang magtrabaho, nais kong ipaalam sa iyo ang tungkol sa mga patakaran ng pagtatrabaho sa akin o mga simpleng gawin at hindi dapat gawin. Ika nga, do's and dont's," panimulang sambit ni Martina na hawak ang isang puting folder at agad itong ibinigay kay Randell.

"Una, ayoko ng late sa trabaho dahil hindi nito nirerespeto ang oras ng mga tao. Kaya huwag kang ma-late," paalala ni Martina.

Dalawang beses tumango si Randell. "Naiintindihan ko."

Boss, Be My Wife - Filipino Ver [FINISHED]Where stories live. Discover now