II. Isang Linggong Paghihintay

12 0 0
                                    

Natakot nga ba si Julius? Bibisitahin nating muli kung bakit tinapos agad niya ang makasaysayang first date nila ni Sheryl. Ngunit bago iyon, tingnan muna natin kung totoo nga bang career na lang ang inasikaso ni Sheryl at nakalimutan niya na kaagad si Julius, o press release na naman iyon.


"Bakit hindi pa siya tumatawaaaaag?" atungal ni Sheryl habang nakadapa sa kama sa guest room ng best friend niyang si Pauline. Hindi siya pinapansin ng kaibigan, nasa telepono ito. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang ihatid siya agad-agad ni Julius, na para bang napaso sa kanya at isinoli siya sa Nanay at Tatay niya. Feeling ni Sheryl, puwede nang umasang tatawag si Julius, following the three-day rule in her dating books. Pero epic fail ang feeling na ito dahil hindi tumawag ang magaling na lalaki, kaya sa halip na umuwi galing sa trabaho ay tinawagan niya si Pauline at muling nagpaampon dito. Kailangan niya ng kausap.


"Francine, pumunta ka na rito please, tulungan mo ako, sasabunutan ko na itong babaeng ito e," sabi ni Pauline, na hindi matiis si Sheryl pero gustong tumawag ng genmeet ng buong barkada.


"Ang sakiiiiit," patuloy na monologue ni Sheryl. Nasa second floor naman ang inaanak niya at malamang, mahimbing na ang tulog kasama ang daddy nito at hindi naiistorbo sa kanyang pagdadalamhati.


"Ang sabi ni Francine, tigilan mo na 'yang kaiiyak mo. Ni hindi umabot ng isang linggo ang pag-ibig niyo, kaya please lang, stop the drama!" report ni Pauline. Naisip niya na ring tawagan ang mga kaibigan nila sa States at Singapore dahil sa dalawang kagimbal-gimbal na pangyayari: una, na nakipag-date at nahulog agad ang mapiling si Sheryl sa ka-date niya; at ikalawa, na heartbroken ulit ito na parang noong high school lang. Hindi kayang i-handle ni Pauline mag-isa ang nagngangawang kaibigan, dahil hindi na siya sanay. Dati-rati, pinipili ni Sheryl maging tigang kahit pa Valentine's Day, huwag lang magmukhang tanga dahil sa pag-ibig.


"Hindi naman true love yan, oy!" Dagdag ni Pauline. "You'll scare men away if you fall in love after the first date! Sasabihin nila, kakaibang nilalang ka, Sheryl."

Humarap si Sheryl kay Pauline sabay sabi, "Thank you ha! Yun na nga ang nangyari. Natakot na sa akin, okay? I am a disgrace to all women!"


"Ah, may lagnat ba si Anna? O sige na nga, huwag ka nang sumugod dito. Wala na lang sisihan pag nasampal ko itong kaibigan natin ha. Ok, bye." Tinapos na ni Pauline ang pag-uusap nila ni Francine, na kailangang mag-alaga ng maysakit nitong anak, at hinarap na si Sheryl.


Nakalabi si Sheryl. "Ang lupit mo naman. Ilang beses mo ba akong nakitang ganito? Minsan-minsan lang ako mag-date, ganto pa ang napala ko. Hindi ka ba naaawa sa akin? I don't want your pity pala. Don't you at least feel my pain?"

Kunyari lang namang nanggigigil si Pauline kay Sheryl. Kaya sila mag-best friend ay dahil siya palagi ang kalmadong boses sa makulay na mundo ni Sheryl.


"I just hate seeing you like this. Hindi ba natin 'yan madadaan sa kanta? O sa single malt whisky?" alok ni Pauline. Best friend din ni Sheryl si Carlo, ang asawa ni Pauline, lalo na sa inuman. Pwede niyang gisingin iyon maya-maya.

"I don't understand. Okay maybe I do understand, na ganoon talaga, paasa ang mga lalaki, dalubhasa sa pambibitin, but I don't want to. Ang labo ko, 'no?" Gulung-gulo pa rin si Sheryl.

Iba na ang May PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon