V. Si Julius, Pre-Sheryl

6 0 0
                                    

Nasa parking lot pa sila, tumutulo na ang luha ni Sheryl. Tingnan mo 'tong hudas na 'to, naisip niya. Nag-threaten lang ako magpasundo, hinatid ako agad. Pwede naman akong pigilan! Pwede namang sabihing we can work this out. Masama ang bisyo nito, lagi akong hinahatid nang wala sa oras!


Nag-iisip din si Julius kaya dahan-dahan niyang inatras ang kotse. Parang nabigla siya sa desisiyon niyang ihatid na si Sheryl kahit hindi pa tapos ang reception. Kanina kasi mukhang wala na siyang ibang options. Ngayon nagsisisi na siya, pero too late na para bawiin ang nasabi na. Nag-shift siya from reverse to forward nang may sumalubong sa kanilang walong lalaki.


Hinarang ng The Tux (walong lalaking naka-suit, hindi naman tux pero same genre) ang sasakyan ni Julius. May tumalon sa harapan, may kumatok sa bintana ni Sheryl, may nagtutunog-wangwang, may sumigaw ng "Intervention! Intervention!" As in, nag-explode sila sa eksena.


Binaba ni Julius ang bintana niya at nagsabing, "Mga 'tol, pag di kayo umalis diyan, sasagasaan ko kayo!"


Ibinaba rin ni Sheryl ang bintana niya kasi si Raymond, the groom, ang nandoon. Hininto na ni Julius completely ang kotse, kasi wala na siyang madaanan. Bukod sa malalaki ang tiyan ng iba niyang kabarkadang nakaharang, ay nakainom pa ang mga ito at baka nga makaaksidente pa siya.


Sabi ni Raymond, "Sheryl, we come in peace. Pero hindi kami papayag na umuwi kayo. Kung anuman ang sinabi o hindi sinabi, ginawa o hindi ginawa ni Julius ngayong gabi, patawarin mo siya. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa!"


Windang si Sheryl; hindi makapagsalita. Natatawa siyang naiinis kasi sinira ng barkada ni Julius ang pag-eemote moment niya.


Humirit ang kabarkadang pinakamalaki ang tiyan, si Louie, "Wala pa tayong group picture! Pambihira naman kayo, e. Dapat kumpleto ang barkada."


Bakit ang senti ng mga ito bigla? Nagtaka si Julius, ngunit mabilis ang mga pangyayari. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o magpoprotesta.


"Sheryl, hindi ka ba kakanta ulit?" tanong ni Jun, na akala ni Sheryl na pinakamahiyain sa barkada. Nakadikit ang mga mukha nila sa side ni Sheryl, kasi sa hitsura ni Julius parang gusto silang upakan anytime.


Naalala ni Sheryl ang sakit ng puso niya. Ayaw na niyang kumanta kasi baka "Total Eclipse of the Heart" lang ang lumabas mula sa lalamunan niya.


Galing sa driver's side, sumilip si Julius sa bintana ni Sheryl at nagsabing, "Lubayan niyo na si Sheryl. Gusto na niyang umuwi."


Tumingin si Sheryl kay Julius. "Umm, I didn't actually say I wanted to go home...."

Nag-chorus na naman ang mga kalalakihan. "Ayun naman pala, e! Let's all go back to the party!"


Madiin ang boses ni Julius at kinausap si Raymond, "Pare, ano ba'ng ginagawa mo rito? Diba may program pa kayo sa loob? Baka magalit si Janine, iniwan mo siya dun."


"Ok lang kay Janine, she encouraged me nga to join the others. Sumenyas kasi si Alex na kailangan ng Intervention," ang mabilis na paliwanag ni Raymond.

Iba na ang May PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon