III. Ang Araw ng Kasal

10 0 0
                                    


Dumating na ang araw ng kasal, ang pinakahihintay na okasyon ng ating magsing-irog.


Hindi nga pala sina Sheryl at Julius ang ikakasal, kundi ang kabarkada ni Julius na si Raymond at ang soon-to-be ex-girlfriend nitong si Janine. Bisita lamang sila rito, pero sa level ng excitement at preparation, akala mo silang dalawa ang mga bida sa okasyon.


Si Sheryl. Nagpapasalalamat siya at fashion designer ang kaibigan niyang si Francine, dahil formal ang attire sabi sa imbitasyon na nahalungkat din sa wakas ni Julius sa trunk ng kotse niya, matapos siyang kulitin ni Sheryl.


Nai-design siya ng simpleng gown at ipina-paspas ito ni Francine sa kanyang mga mananahi sa loob lamang ng ilang araw. Tinulungan din siya ni Francine na pumili ng sapatos na bagay sa kulay at tela ng gown, at pinahiram sya ng beaded evening purse.


Pero hindi siya nakalusot sa inquisition ng kaibigan nung una siyang lumapit dito. "Uhmmm... nung isang linggo lang, ngawa ka nang ngawa tungkol sa Julius na iyan. Ngayon, kandarapa kang magpagawa ng gown at sasama ka pa sa Tagaytay. Hunghang ka na 'day?"


"Fran, ewan ko ba. Para akong mababaliw nung time na hindi siya tumatawag. I felt I didn't deserve the treatment I got from him. Andun lahat ng hinahanap ko sa first date eh: magic, connection. Nung naputol iyon, nothing made sense to me. Tapos, nung tumawag na siya, okay na ulit ang mundo ko. Parang pati boses namin sa telepono, perfect fit. Bagay! Rough kasi boses niya, tapos malambing boses ko. Kahit gusto kong magsungit, hindi kaya."


Tumaas ang kilay ni Francine, sabay sabi habang sinusukatan ng hem length ang kaibigan, "Ikaw, malambing boses sa telepono? Sabi ko na nga ba, maglaladlad ka rin pagdating ng tamang lalaki eh. Matipuno siguro si Julius kaya naalala mong babae ka pala."


Alam ni Sheryl na nagbibiro lang si Francine, kasi siya ang pinakakikay sa kanilang magkakaibigan. Lagi lang siyang alaskado na baka hindi interesado sa lalaki dahil matagal na simula nung makipag-break siya sa long term boyfriend at first love niya.


Nag-ring ang cellphone ni Francine. "Hello? Ano, nahanap mo yung tela sa suki ko? .... Ano ba naman yan, Mahal?!! Paano mo mawawala ang listahan? Sabi ko na kasing ite-text ko na lang eh. Nagmamadali tayo kasi may hinahabol akong order tapos sumingit pa itong si Cinderella na mag-aattend ng magic ball sa Tagaytay!"


Pumutak pa nang pumutak si Francine sa asawa nyang si Pedrong nasa telepono. Businessman si Pedro, at certified na under kay Francine, kaya ito ang nauutusan sa mga rush order sa Divisoria, at napapagalitan pa dahil sa sampung utos sa kanya, laging may nahahanap na mali ang asawa.

Pagbaba ni Francine ng telepono, pumuna si Sheryl, "Ikaw lang ang nakakabanggit ng salitang 'Mahal' na punung-puno ng poot. Mabuti nga sunud-sunuran sa iyo si Pedro e, samantalang marami siyang tauhan. Kailangan ba galit ka lagi, o lambingan niyo 'yan?"


"Ganun talaga dapat, to keep them in line. Husbands should know you're the boss. Pag nalaman niyang gagang-gaga pa rin ako sa kanya katulad nung mag-boyfriend pa lang kami, baka mabawasan ang powers ko."


"Kawawang Pedro. Pinakasalan si Dr. Jekyll, nakuha si Mrs. Hyde," biro ni Sheryl, na hindi makita ang sariling nagsisisigaw kay Julius. Marahil, maaga pa masyado sa kanilang relasyon, kaya pa-sweet effect pa siya. Natural lang kasi na kapag kausap o kasama niya si Julius, nagiging mas pino ang kilos niya. Tumataas ang pitch ng boses, pero hindi pasigaw. Palaging nakangiti. Ayan, napangiti na siya naalala lang niya si Julius.

Iba na ang May PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon